CHAPTER #9

5.7K 271 9
                                    

Natulala si Rhian at hindi alam kung ano ang irereact.

Lumabas ang squad at nakita nilang nakatayo si Rhian sa labas at nasa malayo nakatanaw.

"Tara na Rhi, kala ko nilamon na kayo ng pintuan" sabi ni Ken

"Ah e, hindi... Ahmmm... Tara na sa loob" sagot ni Rhian na parang wala sa sarili


"E si Mr. Mysterious Snobber nasan?" Usisa ni Kath na kunyari e palinga linga at may hinahanap


"Umalis. Hyaan mo sya. May topak talaga ata yun e. Tara na sa loob"



"Asssoos! If I know, you're sad. Wala ka nang ka loving-lovinqg sa loob" pang aasar ni Kat


"Sapak o kutos?" Sabay pinandilatan ni Rhian si Kat


"Ahhhhh, sabi ko nga... Let's go, sago!" Kunyari naman na natakot si Kat

.

.

.

.

.

.

Lasing na lasing si Glaiza at kumatok sa isang bahay.


"Oh Cha, napadalaw ka?" Bungad ng babaeng nag bukas sa kanya


"Pasensya na. Nakakaistorbo ba ako?



Tumingin si Kendall sa relo nya. 2am na.


"Sa ganitong oras, oo... Pero sa lagay mo, sige... Pasok ka."


"Babe..." Sambit ni Glaiza


"My God Glaiza, lasing na lasing ka na ah. Ano bang pinag gagawa mo sa sarili mo? Paano pag napahamak ka jan sa daan? Baka nakakalimutan mong babae ka padin at delikado sa labas." Saway ni Kendall


"Babe?"



"Cha, ito nanaman ba tayo?"



"Babe please... I want you back"



"Cha, hindi ka pa rin ba maka move on? Mag iisang taon na ah..."



"Madali lang sabihin para sayo ang mag move on palibhasa e hindi mo alam kung gaano kasakit at kahirap" nag umpisa nang umiyak si Glaiza


"May pinagsamahan din tayo Cha ah... Nahihirapan din ako, nasasaktan lalo pa at nakikita kong nagkakaganyan ka"



"Kaya ba denidedma moko? Basta mo na lang ako iniwan na parang tuta? Ayaw mong harapin at makita ang sasabitin ko? Yan ba ang pinagsamahan at may pinagsamahan? Binalewala mo nga lahat e!"


Hindi nakasagot si Kendall



"Babe please... Kung ano man ang kasalanan ko, sorry... Im very sorry and I mean it. Hindi nako magbabanda, hindi nako magpapagabi, hindi nako magagalit... Ako na ang maglalaba, wala ka nang gagawin, ito oh (sabay labas ng isang pouch na may maraming pera). Sabi ko naman sayo diba? Pagbubutihin ko ang pagtatrabaho, mag iipon ako para satin, sa future natin... Please Baby, I want you back..." Pagmamakaawa nito


"Cha, alam mo namang may boyfriend nako diba?"


"Sino, si Clark? Yung gagong yun ang pinagmamalaki mo? Sinamantala ang away natin at saka ka nya sinulot? E ginagago ka lang naman nyan... Sweet-sweetan? Bakit, hindi ba tayo sweet dati? Lahat naman ng relasyon nagkaka problema e, at naniniwala ka talaga na ikaw lang ang babae nya? May anak sila ni Diane, pumupunta sya don lagi diba? You think plain lang ang pagsasama nila gaya ng sinabi nyang pambibilog sa ulo mo? Fuck him!"



MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon