Pauwi na si Glaiza mula sa pinapasukan nyang bagong trabaho ng napansin nya ang isang nakaparadang kotse sa tapat ng gate ng bahay nila.
Pamilyar ang sasakyan na yun kaya pilit nya inalala kung kanino nya yun nakita. Bigla nyang naalala... Kay Jayson yun, hindi sya nagkakamali. Tinapatan nya ito sabay bukas nya ng bintana sa passenger side ng kotse nya. Sumabay din ng bukas ang bintana ng kabilang kotse and she's right, si Jayson nga.
Bumaba ang lalaki sa sasakyan nito. Saglit ding ipinarada ni Glaiza sa unahan ang sasakyan nya at bumaba. Hindi nya alam kung paano natunton ng lalaki ang address nya
"Glaiza, kanina pa kita inaantay... Pasensya ka na ha... Alam kong des oras na ng gabi pero gusto sana kita makausap."
"Para saan pa?" She smirked
"Look, Im not here to cause you trouble. Gusto lang kita talaga maka usap, at para na rin sa ikapapanatag ko"
Tinitigan ni Jayson si Glaiza ng mata sa mata at nakita naman nya ang sensiridad sa pakay ng lalaki
"Sige... Pasok ka"
.
.
.
.
.
"Coffee? Beer? Juice? Anything?" Tanong ni Glaiza kay Jayson ng inalok nya ito ng maiinom.
"Tubig na lang. Salamat" sagot nito
Saglit na iniwan ni Glaiza si Jayson sa sala para ipagkuha ng tubig.
Pagbalik ay naupo ito sa sofa across the guy. Tahimik lang ito at naghihintay sa sasabihin ng lalaki.
He clears his throat.
"Im so sorry... Im so sorry sa mga sinabi ko sayo noon. Yes, I have my faith pero naging insensitive ako and I know nasaktan ko ang damdamin at pagkatao mo... I forgot what is humanity means... Tao ka at may karapatang mamuhay naaayon sa kagustuhan mo. Kung ito ang buhay na gusto mo, labas na ako don, hindi na sana kita pinagsalitaan pa ng kung ano ano... And I am really sorry for that"
Hindi naman makatingin ng diretcho ang lalaki kay Glaiza"Aaminin ko, galit ako sayo. Nasaktan ang pagkatao ko sa sinabi mo... Pero ganon talaga, masakit ang katotohanan. At lumayo nako. Nagparaya nako. I don't think of my self anymore, dahil what really matter to me is si Rhian, hindi ko gustong masira at mapariwara buhay nya sakin... Hangad ko din ang kabutihang hinahangad nyo para sa kanya" sambit ni Glaiza
"Ayun na nga e... Kabutihang hinahangad namin, yung saamin lang tama, yung para lang sa pananaw at paningin namin. Dahil ang kagustuhan namin ay malayong malayo sa kagustuhan at ikasasaya ni Rhian "
"Di na mahalaga yun... Ang importante nasa tama sya at masaya na kayo diba.... Wag mo na akong isipin dahil tanggap ko na... Kaya best wishes na lang sa inyo at congratulations" pinipigilan ni Glaiza na hindi maiyak kahit ang bigat bigat na ng loob nya
"Alam mo, I see my self sayo, gagawin mo rin lahat para kay Rhian kahit kapalit nito ay sakit at sarili mong kaligayahan."
Tumayo si Glaiza sabay talikod dahil hindi na nya kaya pang harapin ang lalaki. Bahagyang pumatak ang mga luha sa mga mata nya pero agad nya itong pinunas.
"Ganon talaga pag mahal mo ang isang tao. Kahit naman di kami normal sa paningin ng mga straight na gaya nyo, alam ko naman what love really mean. And I know pains too. Saka its over.." She said while sniffing
![](https://img.wattpad.com/cover/62229065-288-k831738.jpg)
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.