CHAPTER #8

6.2K 259 14
                                    

Halos malaglag ang panga nilang lahat ng makalapit si Glaiza sa kinauupuan nila. Lalong lalo na si Rhian na parang na freeze na sa kinauupuan nito.

"Hi" mahinhin na bati nito sa magbabarkada.


"Oh... Ito na pala sya." Rhian manage to say

Dahan dahan na lumapit si Glaizana bakas ang pagkahiya at naiilang.

Napansin iyon ni Rhian kaya mabilis itong tumayo at agad nitong inabot ang kamay ni Glaiza saka hinila para ipakilala sa mga kasamahan


"Ahhhmmm, guys, this is Charles pero alam kong kilala nyo na sya" bungad ni Rhian sa mga kaibigan



"Hi guys..." Bati uli ni Glaiza



"By the way, this is Bianca... My bestie, si Stephanie... Cousin slash tropa ko, si Katrina, at syempre si Ken... Ang Diwata ng grupo at dyosa ng Pre-Sales department." Patawa ni Rhian habang isa isang inintroduce ang mga kaibigan


Nakipagkaway ang lahat kay Glaiza at halatang kinikilig ang mga ito maliban kay Bianca at kay Ken



"Ako nga pala si Katrina. Ang may birthday. Oy infairness ang gwapo gwapo mo pala sa malapitan... Lakas ng dating mo sakin..." Pa cute nito kay Glaiza at akmang tatayo para sana yumakap ng bigla syang harangin ni Ken


"Ooooppppsss... Bruha ka, kay Rhian ya"


Napakamot noo naman si Glaiza na halatang hiya na hiya na


"Pasensya na guys ha, natagalan ako. Punuan kasi yung parking area kaya naghintay pako ng mababakanteng parking space" sabi ni Glaiza


Napakunot noo si Ken at Bianca saka nagtitigan na parang nag uusap. May napapansin sila sa boses nito but they are trying to ignore it

"Wala yun... Anyway, ang puti puti mo... Bampira ka ba? Kung oo, please... Kagatin moko..." Eksena uli ni Kat

Biglang tinampal ni Ken ng palad nya ang mukha ni Kat kaya nagtawanan ang mga ito at nakitawa na lang din si Glaiza


"So ano, tara na?" Ikot ikot muna tayo, mamaya na ang lafang... Di pa naman siguro kayo gutom ano?" Yaya ni Rhian sa kanila

"Tara... Kanina pa kating kati yung paa ko pumasok sa mga stores" sabi ni Ken


"Tara" sagot naman ng iba pa

.

.


.

Habang naglalakad ay nagbubulungan sina Bianca at Ken

"Hoy, kayong dalawa, anong pinagtitsismisan nyo jan kanina pa?" Sita ni Kat

"Wag kang maingay... Bruhang to... Baka marinig ka" saway ni Bianca


"Ano ba kasi yun?" Pangungulit uli ni Kat



"May naaamoy kasi ako kay Charles..." Ismid ni Ken


"OMG!!! May putok?!" Bulalas ni Kat at nanlaki pa ang mga mata nito


"Gaga! Hindi. Pansin ko kasi sa kanya baklang maton yata" sabi ni Bianca


"Gaga din tong isang to... (Turo ni Ken kay Bianca) tignan mo nga kung magkauri kami... Kamo e mukha syang tomboy" napalakas ang pagkasabi ni Ken kaya biglang tinakpan ni Kat at Bianca ang bibig nito


"Sinabing wag maingay e!" Sita ni Bianca

"Hay ewan ko sa inyo... Bangenge talaga kayo kahit kelan... Mauna na nga ako, atat nako magshopping" sabay lakad ni Ken papalayo sa dalawa

MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon