*fast forward *
(Please check the media for additional characters)
Sa department store.
"Tol, ano ako sa tingin mo, medium o small?" Tanong ni Ivo (Lovi Poe) sa dalawang kaibigan
"Ang tanong e nakakahinga kapa ba pag small na sports bra ang pipiliin mo?" Natatawang sagot ni Glaiza
"Ito na nga sinusukat ko. Pero ano sa tingin mo Cha? Chynz?"
"Medium na lang tsong, kasi ngayon pa lang mukhang puputok na oh" pang asar ni Chynna kay Lovi
"Sira ulo to, mukha mo paputukin ko ee" banta ni Lovi
"Oooppss, tama na yan, baka san nanaman mapunta yang usapan nyo..." Awat ni Glaiza sa dalawa
"Ano, bibili din ba kayo ng susuutin nyo this saturday? Wag nyo kalimutan, buy 2 take 3 daw sa ibig sabihin akin yung free na isa...ok?" -Chynna
"Hala... Hiyang hiya naman kami sayo tsong..." -Glaiza
"Try lang, kayo talaga... Baka makalusot lang e" sabay kamot batok naman ni Chynna sa palpak nyang moves
"Oy wag nyo kalimutan ha, yung sinabi kong party" dagdag pa nito
"Bat gusto mo dun? Bakit di na lang sa exclusive party tayo pumunta atleast doon sa exclusive lesbian club e tayo ang bida at ang mga chikas don, sigurado tayong mga femme at gaya natin ang hanap" -Lovi
"Nagcheck nako ng exclusive events for sure hindi nyo rin trip. Pano puro clan or launching ek ek ng mga face na naman nila o bandera ng pagmumukha ng mga lesbians na halos sila lang din ang nag organize. Saka mga bata laman nun" -Chynna
"Alam mo Dude, tama si Chynz, mas bet ko yung mga DJ at set ng togtog sa mga COED na clubs. E kasi sa mga exclusive,mtipid masyado. Puro ledge dancer na lang lagi ang pakulo." Sang ayon ni Glaiza
"Nako e baka bastusin lang tayo ng mga gagong lalaki dun, saka 50/50 pa tayo sa mga girls dun" -Lovi
"Bakit di ka ba lalaki tsong? Ako kasi lalaki ako e (sabay tawa) saka kung yun ang concern mo edi dala din tayo ng chicks para astig." -Chynna
"Hhhmmmm, alam ko na sino isasama ko" nakangiting sabi ni Lovi na parang natuwa sa naisip
"E ikaw Cha, sino isasama mo?" -Chynna
"Wala. Ok na ako mag isa. Anjan naman kayo e. Saka pahinga na muna sa love life. Sobrang sakit na ng puso ko. Baka nga durog na to sa loob"
"E yung nakwento mong magandang binibini na nakikipagkaibigan sayo? Ok na ba kayo? Baka naman pwedeng yayain mo yun ng ma patunayan kung talagang mapapanganga kami sa kanya" singit bigla ni Lovi
.
.
.
.
.
Sa mismong department store din na yun nagpunta sila Rhian kasama ang parents nya at ang pinsan nya na pinalaki nila na parang bunsong kapatid na nya na si Aileen.
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.