Sa gym...
"Hhhmmmm, maliban jan sa makinang mong ngipin, bat parang iba ang kutitap ng mga mata mo Glai? Anong meron" taas kilay na tanong ni Chynna sa kaibigan
"Haissst! Ako nanaman nakita mo Chyns..."
"Teka,.. Teka... Yang mga ngiting yan e parang nakita ko na yan dati ah... Wag mong sabihing magkakabalikan na kayo ni Kendall..." Sabat naman ni Lovi na humahangos pa kakatakbo sa treadmill
"Ay duda ako sa bagay na yan tsong... Nagtext kasi sakin si Kendall, nagtatanong kung totoo bang mag jowa na tong si Glaiza" si Chynna ang sumagot
Napahinto si Glaiza sa pagbabicycling...
"Anong sinagot mo?" Mabilis na tanong ni Glaiza at parang na curious
"Sabi ko, abay malay ko... Pinipilit nya ako pigain kaya the last thing na iniwan ko sa isip nya is... Parang oo pero pwede mo ring isipin na hindi...kaya ayon, naasar ata at napraning..." -Chynna
"Talaga? Tapos ano pang sinabi?" Tanong uli ni Glaiza na para bang nagpipigil na kinikilig
Isang batok naman ang natamo nito kay Lovi na ngayon ay himinto na para ng takbo...
"Aray naman! Makabatok ha!" Sabay lingon ni Glaiza at akmang susuntukin kunyari ang kaibigan
"Bakit ba kasi parang intresado ka? Alam mo, ang labo mo din e... Akala ko ba naman si Rhian na ang the new one? I mean after all this time e ala na nya na isa kang Mamang, not a Fafang... Pro see? Nandyan pa rin sya, di ka iniwasan... At mas ok tong Rhian kesa sa Kendall dude..." Ani ni Lovi
"Alam ko yun... Pero hindi porket tanggap nya o alam na nya kung ano talaga ako, e bibigyan ko na ng ibig sabihin ang lahat. We're friends... And she said, she's doing this because that's what friends are for..." May bakas ng lungkot sa boses ni Glaiza
"Kahit na tsong, para samin at kahit nga si Katrina pag nagkakausap kami, they also think na mahal kana ni Rhian..." -Chynna
Napakunot noo si Glaiza sa narinig
"Teka, si Kat? Nagkakausap kayo??? Kelan pa?"
Napakamot ulo si Chynna dahil parang magpagdududa sa tanong ni Glaiza... Pero guilty sya, dahil mula ng ma meet nya ang mga ito sa bar, nagkaroon na sila ng connection.
"Oo na,.. Yang mga tingin mo talaga e noh, makapagduda ha... Anyway, wag mo ibaling sakin ang topic. Ayon na nga, Rhian loves you na daw ata,.. Tsong babae yun, akala ko ba lalaki ka,? Ano gusto mo, ligawan kapa talaga at lahat nang initial moves e galing sa kanya? Aba e kung sakin nangyari yang swerte mo, susunggaban ko na agad yan" patuloy ni Chynna
"Di mo ba talaga gusto yung Rhian dude? Si Kendall pa din ba laman nito?" Sabat naman ni Lovi sabay duro sa dibdib ni Glaiza
Napabuntong hininga ito.
"Walang hindi magkakagusto kay Rhian. Pero ayoko lang maging assuming. Ayokong masaktan ulit e, natatakot ako ma reject ng iba... Atleast kay Kendall alam kong pumapatol sa kagaya natin naging kami... Kung mareject man nya ako ng ilang ulit, sanay nako, iisang tao lang ang nagrereject sakin. Pero si Rhian, she's a straight at malabong mahalin nya ako" -Glaiza
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanficRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
