CHAPTER #3

7.9K 292 11
                                        

Inside the club.

"Oowww Ehhmm Jeeee! Ang ha-hot ng mga fafables. Syet! Kanina pa umuusok ang mga mata ko!" Panay tili ni Ken Chan

"So, tutunganga na lang ba tayo dito at tatayo buong magdamag mga teh?!" Inis na sambit ni Katrina

"Teka Diwata, kala ko ba nagpareserve ka na ng table para satin?" Singit ni Rhian at humarang na sa daan na tila umeeksena na ang beauty

Biglang may dumaan at nasagi si Rhian...

"Oopppssss sorry Miss. Sorry." Sabi ni Glaiza pero hindi nito nagawang tignan ang mga tao at yung nabangga nya dahil nagmamadali itong lumabas para sagutin ang nagriring nyang phone

Nabasa si Rhian dahil natapon sa kanya ang hawak nyang wine glass.

"Seriously? Sorry lang?!" Sigaw nito sa nakabangga sa kanya pero obviously, sa ingay sa loob ay hindi na sya narinig nito

"Pano e nakabalandra ka jan Bestie... Daanan yan oh" sita ni Bianca sa kanya

"Kahit na" busangot ni Rhian

"Nagsorry na nga diba? Ano pa bang gusto mo? Paluhudin sa asin at hatawin ng latigo, ganon?" Bara sa kanya ni Katrina

Tawanan naman ang iba pa nilang kaibigan

"Kamo, na insulto ang byuti nya kasi ni hindi man lang napahinto yung fafa at tumingin sa kanya" buko ni Stephanie

Tawanan uli sila

"Sige mambasag pa kayo! O, asan na yung table? Ayoko yung pakalat kalat na ganito." Ismid ni Rhian

"Well, sabi ng dakilang suitor mo na si Sir KC Montero, may nakareserve na for us, I mean for you pala... Basta sabihin mo lang daw yung codename na FLOWER..." Paliwanag sa kanya ni Ken

Maya maya ay may dumaan na mga waitresses

"Excuse me, is there any table reservation for Flower???" Tanong ni Ken sa babae

"Ay opo Sir... Ay Maam... Sir? Ahmmmm Maam..." Puzzled na sagot ng waitress sabay alalay kung saan ito banda

"Maam Sir na lang beh, para hindi kana ma stress. Kahiya naman sayo... Echuserang to... Dejoke lang!" Taray ng bakla sa babae

.

.

.

.

Sa labas ng Club.

Sinagot ni Glaiza ang tumatawag.

"Oh nay, ano pong nangyari?" Tanong ni Glaiza sa kabilang linya

"Ano kasi anak... Yung lolo mo, isinugod nanaman sa ospital"

"Po? Saan na ospital? Pupuntahan ko po" taranta ang boses ni Glaiza

"Di na anak, eenjoy mo na lang muna sarili mo... Sabi ng lola mo e may party daw kayo. Hindi naman ganon ka lala, pinaalam ko lang sayo. Nahirapan lang sya huminga pero stable na daw ngayon, ayon nga e nagpapacute na sa mga nurse "

"Mabuti naman po kung ganon...salamat Nay. Hyaan nyo po after nito e didiretcho ako don, paki text na lang po kung saan" nakahinga ito ng maluwag

"Ikaw bahala... Cge mag iingat ka..."

Opo nay. Salamat po."

Pagkababa ng tawag ay chineck nito kung meron ba syang reply mula sa dati nyang kasintahan na si Kendall.

MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon