Sa office.
"So paano girl, sure ka na ba? Hindi ka na gogora kasama namin? Huh! Madami pa namang hottie dun." Ani ni Ken kay Rhian
"Hindi na muna Diw, isa pa e kailangan ko munang ayusin yung iba ko pang papeles na kakailangan sa agency"
"Hhhmmm, sabagay... Promoted ka na nga pala. Pero hindi ka ba sasabay? Kahit ihatid ka lang namin sa condo."
"Hindi na. Nandyan na daw kasi si Jayson sa parking area... Kukuha lang naman ako ng gamit sa condo saka uuwi na din kami sa bahay kina mommy,"
"Hhhmmmm, talagang masugid itong Jayson ngayon ah" puna ni Katrina
"Tinapat ko naman sya dati pa e, wala na talaga kami at hindi na magiging kami... But he insisted naman na maghihintay pa din sya hanggang sa bumalik daw kami sa dati. Pero sabi ko, ayoko na sya paasahin. Gusto ko na muna mapag isa at magfucos sa mga pangarap at gusto kong gawin. Who knows, sa ibang bansa pala ang destiny ko."
"Iiwan mo naba talaga kami bestie.?" Si Bianca
"Hindi naman sa ganon, di pa din naman sure yun e... Pero masaya ako dahil malaki ang maitutulong ng pagiging manager ko sa resume ko. Osya, lakad na kayo... Kala ko ba e gogora kayo, e asan si Steph?"
"San pa nga ba? Edi dun sa labidabs nya. Sabi saglit lang at may ibibigay daw sa kanya si Lovi..." -Bianca
"Hay, im glad talaga at ok na itong si Bianca... May bitter nanaman sa grupo." Singit ni Kath
Isang kurot naman ang natanggap nito mula sa kaibigan.
Biglang sumulpot si Steph na parang nagmamadali
"Cous, alam mo na ba?" Diretchong tanong nito
"Ang alin cous?" Kunot noong tanong ni Rhian at biglang kinabahan.
"Ang sabi sakin ni Lovi, yung lolol daw ni Glaiza namatay kani-kanina lang... Nung nagkausap kasi kami, may biglang tumawag at yun na nga ang balita"
"What?!" Gulat na gulat si Rhian sa narinig
"You heard me right cous"
"Oh my God... So how's Glaiza? Ok lang ba sya? I need to go there"
Sa kabilang banda ay nainip si Jayson ng antay sa parking kaya minabuti nitong pumunta sa building ng office ni Rhian para dun na mag antay.
Pagpasok nya ay saktong nasa may corridor ang magkakaibigan, namataan nya sa di kalayuan na mukhang disturb si Rhian sa expression nito
"Jays, tara na... Samahan moko sa ospital... Kailangan kong pumunta don, ang lolo ni Glaiza, namatay daw"
Hindi naka react si Jayson dahil bigla syang hinila ni Rhian palabas.
.
.
.
.
Sa ospital
Malalaki at mabibilis ang naging hakbang ni Rhian papasok ng ospital.
Dumeretcho ito sa room ng lolo ni Glaiza pero wala nang tao dun. Dali dali syang lumabas at tyempong may nasalubong silang nurse kaya nagtanong ito. Agad namang pinaalam sa kanila na nailipat pala ang matanda sa icu.
Mabilis tinunton ng dalawa ang kwartong itinuro sa kanila at pagpasok nila ay sabay sabay na napalingon ang lola ni Glaiza, ang ina nito, at ang isang pamilyar na babae... Si Kendall. Samantala agad namang bumawi ng tingin si Glaiza sa babae at lalaking pumasok.
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
