"Bakit kasi ganon cous, I know it's wrong but it feels so right." Tanong ni Rhian na ngayon ay nagmumukmok pa din sa CR
"Yan yung example sa kasabihang, MASARAP ANG BAWAL. Kasi kahit alam nating mali, hinahanapan natin ng lusot at panibagong paliwanag para maging tama. Honestly, I like Lovi... Pero secret lang natin to ha. Wala pa akong pinagsasabihan nito, at maging sya din. And kahit ano man ang sabihin ng pamilya natin, I don't see any wrong about it and I dont see na may mali sa katauhan nya" paliwanag ni Stephanie
Mejo nagulat si Rhian but hindi ito nag react tungkol dun.
"Hindi ito ang love life o relationship na pinangarap ko" napabuntong hininga si Rhian
"Oh, then why you're still here?"
"I like Glaiza a lot, and sabi mo nga baka mahal ko na sya which is im not sure about it... Maybe. Siguro nga ginagawa ko to para sa kanya. Pero cous, nahihirapan ako. I like her but I know this is wrong. At ang hirap iaccept na this makes me a lesbian now. Oh God, Im so sorry" napapikit pa si Rhian sabay daop palad na parang nananalangin
Again, Glaiza hear everything.
At lalo syang nasaktan.
Stephanie give her cousin a comforting hug sabay hagod sa likod nito
"I feel you cous, pag isipan mong mabuti. Love or Faith."
Nagsipatakan ang mga luha ni Rhian sa mga narinig. This is the most hard and complicated situation na nangyari sa buhay nya. Ang hirap pumili, ang hirap sagutin.
.
.
.
.
Natapos ang gabi at ang kasiyahan pero halata kina Rhian at Glaizaang pag iisip at lungkot na tinatabunan lamang nila ng pagkunyaring nag eenjoy at nakikisaya
"Nag away pa kayong dalawa?" Puna ni Chynna
"Silent LQ ba ito? Ha Glaiza? Rhian?" Dagdag naman ni Lovi
Pasimpling nagtinginan ang dalawa
"No... Pagod lang siguro saka dala nang alcohol." Sagot ni Rhian
"Madaling araw na kasi kaya drained na ang energy" sabat naman ni Glaiza sabay sinuot kay Rhian ang dala nitong jacket
"Hay nako, kayong dalawa talaga... In the end, alam naman natin kung ano ang ending nito. Pinapahaba at nagpapakiramdaman pa kasi kayo e. Dumadami tuloy ang scenes at chapter... Pag nayamot yung readers sa inyo, ay ewan ko lang talaga... Alisin na kasi yang pagpapabebe, obvious nman na mahal nyo ang isat isa e. Papahirapan pa ba para humaba tong story?" Okray at pagtataray bigla ni Bianca
"Hoy, ikaw talagang babaita ka, gumagawa ka ng segwey mo... Spoiler ka e, ha... Author ka ba? Hmp! Hayaan mo na lang kasi sila. Hindi mo naman kasi naiintindihan ang sitwasyon at hindi mo talaga maiintindihan hanggat wala ka sa mga paa at posisyon nila" sabat naman ni Stephanie
"Tama na yan... Tara na guys ng makapagpahinga na tayo..." Yaya ni Lovi sa kanila sabay hawak sa kamay ni Stephanie na pinagtuunan naman ng mata ng lahat.
"Anong meron? Hhhmmmm" tanong ni Bianca pero sabay lang na napakibitbalikat sina Lovi at Stephanie
Habang papalapit sila sa parking area ay tahimik pa din sina Glaiza at Rhian. Hindi naman yun nakalampas sa mga kaibigan dahil ramdam nila na parang may kakaiba sa dalawa

BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.