CHAPTER #22

5.7K 239 23
                                        

"Ano girl, darating pa ba yun?!" Naiinip na tanong ni Diwatang Ken kay Rhian

"Oo, nagkatext kami, sabi ko pag di sya simipot susugurin ko sya at bubugbogin sa department nila... saka humingi na din ako ng back up sa Lolo at Lola nya."

"Ah, edi for sure sisipot yun, kaw ba naman pagbantaan e"

"Basta... Umulan o bumagyo, kahit gumuho pa ang mundo... Hihintayin ko sya. Im sure di din ako matitiis nun" kampanting sabi ni Rhian


"At talagang nag ayos kapa teh ha."

"Of course... Maglaway sya sa alindog ko"

"Pero baka naman mapanis tayo dito kakaantay sa MISS-ter Right mo"

Biglang nagulat sina Rhian at Ken ng sumulpot ang isang babae

"Mommy?" Nanlaki ang mga mata ni Rhian sa gulat

Nang marinig ang anak ay lumapit ito saka bumeso at nagkiss.

"B-Bakit po kayo nandito?"

"Dinalaw lang kita anak at may pasalubong ako sayo. Gusto ko rin kita makausap."
Nakangiting sabi ng babae


"Sana nagpasabi po kayo na luluwas kayo at sa condo na lang po sana tayo nagkita"

"E sabi mo kasi nung tumawag ako busy ka sa trabaho at balita ko lagi kang nagpupunta sa ospital, sino ba ang nanduon?" Taka nito


"Lolo po ng... ng kaibigan ko" sagot ni Rhian

"Good afternoon po tita beautiful... Mukhang personal yata ang pag uusapan nyo, so mauna na po muna ako... Excuse me po, Sis,.." Paalam ni Ken sa dalawa

"Sige Diwata... Mag ingat ka" sabi naman ni Mommy

Nang makitang malayo na si Ken ay nagsalita si Rhian

"Mukhang napaka importante nga po ng pakay mo Mom ah... Sino pong kasama mo? Bat kayo lang mag isa?"

"Sinadya ko talaga na pumunta mag isa, hindi ko na pinaalam sa Daddy mo dahil ayokong malaman nya pa ito"


Puro kaba ang naghahari sa dibdib ni Rhian ng mga oras na iyon at duda syang baka tama ang nasa isip nya


"Rhian Denise, mahal na mahal ka namin ng Dad mo at gusto kung itanim mo yan sa isip at puso mo. Wala kaming gagawin na disisyon at hangad na ikakasama mo. Lahat ng nais namin ay para sa ikakabuti mo"

"A-Ano po ang Ibig nyong sabihin mom?"

"Naalala ko na kung saan ko nakita si Charles, kung yung ba talaga ang totoo nyang pangalan... Kaya pala familiar sya sakin... Diba sya iyong nasa department store na nakita mong nagsususkat ng sports bra diba?"

Di umimik si Rhian, nakikinig lang ito sa mga sinasabi ng ina

"Bakit mo ito inilihim samin Rhian?" Halata ang disappointment sa boses ng ina niya

"Im so sorry Mommy" napayuko si Rhian

"Wala naman kaming against kung may mga kaibigan kang ganyan. Hindi kami manhid, tinuro ba namin sayo ito? Ano at saan kami nagkulang? Ok lang kung kaibigan o bilang kaibigan pero ang relasyon, Anak maling mali ito... Kasalanan... Masama"

"Paano nyo po nalaman? Kay Aileen? Kay Bianca? O baka kay Jayson?" May inis sa boses ni Rhian pero nangingilid ang luha sa mga mata nya


MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon