Lumipas ang magdamag, naging masaya ang buong gabi, tawanan, sayawan, inuman at kwentuhan.
Bumalik na sila sa kanilang table para magpahinga saglit at uminom uli.
Biglang may lumapit na lesbian kay Rhian.
"Hi Miss Beautiful, pwede ka bang maisayaw kung ok lang? At kung walang magagalit..." Tanong nito
Tumingin si Rhian kay Glaiza kung anong reaksyon nito
Sumunod din halos ng tingin ang lesbian kay Glaiza
"B-Bakit? Bakit kayo nakatingin sakin? Nasa kanya yan kung gusto nya..." Nauutal na sagot ni Glaiza sabay turo kay Rhian
"I guess wala... Tara na. Hmp!" Sabay sabi ni Rhian na halatang nainis at tampo sa isangot ni Glaiza
Kumunot ang noo Glaiza...
"Tsong, bahala ka... Pag yan totally nauntog at nawala sayo.... Huh! Baka magsisi ka sa kada araw na dadaan sa buhay mo...." Pananakot ni Arci kay Glaiza
"Ha? Bat naman? E di dapat tumanggi sya kung ayaw nya diba? Pero pumayag sya, ibig sabihin gusto nya..." Pagtatanggol naman nito sa sarili
"Teka.. Teka.. Sino ba ang mas lalaki sa inyong dalawa ni Rhian? Parang na coconfuse nako tsong e... Mag paka lalaki ka nga!" Sabat naman ni Chynna.
"May bago pa ba? Ganyan yan e, pag may gusto sa babae, torpe! Diba? Diba?" Dagdag pa ni Lovi sabay tawa
Napabuntong hininga na lang si Glaiza na parang nagsisisi sa nasabi
Nang makita ni Alex na nakatingin si Glaiza sa kanila ay lalo nya itong pinagselos at sinayawan pa ng sexy moves ang kasayaw...
Lalong umusok ang ilong Glaiza at masama ang tingin sa kanila. Palihim naman na napapangiti si Rhian dahil kinikilig sa reaksyon nito
"Patay! Diyosa na, naging bato pa..." Kanchaw ni Arci sabay tapik sa noo ni Glaiza
Lalo itong hindi mapakali sa kinauupuan nya
Mas inintimate din ng kasayaw ni Rhian ang mga galaw nito dahil mukhang game na game si Rhian sa tingin nito
Biglang nailang si Rhian kaya mejo dumistansya ito
Nilingon nito uli ang kinaroroonan ng table nila lalo na sa pwesto ni Glaiza pero wala na ito doon. Nagpanic si Rhian dahil wala na ang taong pinapa selos niya.
Inikot ni Rhian ang tingin sa paligid kung nasan na ang target nya hanggang sa umabot ito sa may side kung saan nakatayo si Glaiza kasama si Arci at mag kausap na babae.
Letche! Kaya ko nga ito ginawa dahil gusto kung magselos sya, pero bakit parang wala lang sa kanya at nakuha pa nyang makipaglandian sa iba! Andito naman ako Glaiza ah, pwede moko landiin...
Nahiya din si Rhian na iwan ang kasayaw nya kaya tatapusin na lang nya ang isang music at aalis na ito...
Ngunit bigla itong nagulat ng biglang may humila sa braso nya at pinaikot... Umikot ang paningin nya kaya bigla syang nabuwal pero may mga brasong sumalo sa kanya...
At gaya ng mga nasa pelikula, pakiramdam ni Rhian ay nagslowmo ang lahat.
Maamong mukha ni Glaiza ang bumungad sa kanya.
"Im sorry kanina, but you're mine Rhian..."
Pagkasabi ay hinalikan ni Glaiza si Rhian sa lips.
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
