CHAPTER #30

5.2K 231 14
                                        

Sa sobrang depressed ni Rhian, minabuti na muna nitong bumaba at maglakadlakad. Hindi na nya naisip na pumasok sa unit nya kaya naka dress pa din ito.

Tulala habang maliliit ang mga hakbang at iniisip pa din ang mga nangyari kanina.

Wala sa sarili kaya hindi nya alam kung saan na sya dinadala ng mga paa niya, huli na lang ng makaramdam ito ng pananakit ng paa dahil sa suot na heels kaya hinubad nya ito at binitbit saka naglakad uli nang naka paa

Sa mga oras na yon, ang dating Rhian na astigin, mapoise, umaapaw sa self confidence at byutipul ay nawala na... Nagmistula itong lukaret na pulubi na naglalakad sa tabi ng daan.

Pinagtitinginan tuloy sya ng mga nakakasalubong dahil habang palalim ng palalim ang iniisip nya, ngsipatakan na ang mga luha sa knyang mga mata

Ngflashback sa isip nya lahat ng effort na sinayang nya para kay Glaiza...

Ang pag refuse kay Jayson, kay KC, pagtatanggol nya sa harap ng barkada nya... Ang reputasyon nya sa opisina nila sa likod ng mga kumalat na chismis... Pagsuway sa mga magulang nya, at pag engaged sa isang kasalanang alam nyang labag sa mata ng Dyos.

Lahat yun, sinugal nya pero binaliwala lang ni Glaiza

Sa layo na ng nalakad ni Rhian ay nakaramdam na din sya ng pagod kaya napaupo ito sa tabi ng daan at kaliwat kanan ang punas ng mga luhang pumapatak sa pisngi nya.

Nang magbalik ang kanyang malinaw na isip ay napansin nya ang dalawang bata na parang naestatwa sa di kalayuan. Pero nanlalaki ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya.

"Hi sa inyo..." Bati ni Rhian

Biglang nagsigawan ang mga ito at kumaripas ng takbo papalayo.

Kinagulat din ni Rhian ang reactions ng mga bata kaya napatayo ito saka luminga linga sa paligid dahil baka may ibang nakita ang mga ito...ntakot tuloy sya kaya naisipang umuwi na...

Habang naglalakad ay may nadaanan itong sasakyan at nalingunan nya ang repleksyon sa bintana nito.

"Ay aswang!" Bulalas nya.

Npaatras sya pero muli at pinagmasdang ang sarili. Mukha na pala syang aswang dahil maliban sa nagsikalat nyang make up at lipstick at gulong gulo na ang buhok nya.


Saglit ay inayos nya ang kanyang sarili. Nakaramdam sya ng awa sa sitwasyon nya, na dahil lamang sa isang lesbian ay nagkakaganito na sya.

Npaiyak nanaman sya sa mga naiisip.

.

.

.

.

Sa kabilang banda...

Naisipan ni Glaiza na umuwi na muna sa bahay ng lolab at lolo nya kaya pagkaalis na pagkaalis nito sa building ng condo ay pinakaripas nito ng napakabilis ang sasakyan.

Habang binabaybay ang kalsada ay muling nag flashback sa kanya ang nangyari kanina.

She knew how much pain did she cause to Rhian dahil kissed ang kita nya sa mga mata nito ang sakit sa mga sinabi nya.

She remembered Rhian's face while asking her again and again kung mahal nya ba ito.

Napapikit si Glaiza...

"Yes Rhian, I do love you so much" sambit nya...


"Mahal na mahal na mahal kita" sabay nagpatakan ang mga luha sa mga mata ni Glaiza

MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon