Nang makalayo na sina Glaiza at Rhian...
"Glai ano yun? Would you care to explain kung bakit basta basta mo na lang sinugod at sinuntok ang boyfriend ng bestfriend ko?"
Napatigil sa paglalakad si Glaiza, halatang nanggigigil pa din ito at hindi mapakali.
"Im so sorry about it, I just lose my self control"
"For what reason? C'mon let me understand kasi hindi lang to tungkol sa kanila, I'm also puzzled lalo na sa mga sinabi mo..."
Bumuntong hininga si Glaiza saka tinitigan si Rhian ng mata sa mata.
"Clark is the guy that Im telling you before, ang sumulot samin, he is Kendall's God damn live in partner Rhi"
"What?! Ibig mong sabihin other woman ang labas ng bestfriend ko ngayon? E ang kapal pala talaga ng mukha ng ungas na yun!!! Tara, bumalik tayo! Reresbakan ko yung p*tang inang yun!!! Kailangan kong makuha ang bestfriend ko sa hayop na yun saka tatadtadin ko sya ng pinong pino!" Si Rhian naman ngayon ang beast mode na napapasingkit na ang mata sa galit and on the other hand, parang may kumirot sa puso nya at tila nakakaramdam sya ng selos dahil sa naging reaction ni Glaiza, para pala ito sa dati nyang minamahal
"Wag na muna... Tama na muna yung ginawa ko... Hayaan nating si Bianca ang kusang magising sa bangungot nya. Nakita mo naman how she reacted kanina, this will not work for her sa ngayon" kumalma naman si Glaiza at sya nanaman ang umaawat kay Rhian
"Kung sabagay tama ka, hibang pa naman yung babaeng yun dun sa manloloko nyang boyfriend, pero baka mamaya kampihan nya lang ang lalaking yun"
Hindi na sumagot pa si Glaiza saka nag umpisa itong maglakad, sumunod naman uli si Rhian
Maya maya ay napatigil nanaman ito sa paglalakad
"Kailangan namalan ito ni Kendall" biglang sabi nito
Mas nadagdagan ang selos na naramdaman ni Rhian
"P-pag sinabi mo ba to kay Kendall, tingin mo hihiwalayan nya si Clark?" Maging si Rhian ay hindi maintindihan kung bakit ganong tanong ang naisip nya pero nababagabag sya
"Tanga lang ang magpapatuloy ng relasyon pag may nalaman nang ganong gawain. Siguro Oo, pero ewan ko din. Ngayon nga sabihin sakin kung tama ang naging desisyon nya... Kung napabuti ba ang buhay nya... Sinayang nya ang lahat sa amin para lang sa gagong yun dahil naniniwala syang mas may patutunguhan ang buhay nya kapag lalaki ang minahal at kinasama nya... So anong ginawa ng lalaki nya ngayon? Napakadakilang babaero at manloloko" puno ng galit ang hinanakit ang boses ni Glaiza
Natahimik na lamang si Rhian, hindi na ito kumibo pa dahil iba na ang nararamdaman nya sa sitwasyon.
Hindi naman nakalampas sa pansin ni Glaiza ang pag iba ng aura ng babae kaya inabot nya ang dalawang kamay nito habang pinipisil pisil at nagsalita.
"Look Rhi, I'm just concerned dahil may pinagsamahan din kami ni Kendall, she also used to be my friend before. She never done anything wrong to me maliban lang nang dumating si Clark sa buhay namin at pinagpalit ako... But to set aside those things, wala na akong masasabi pang masama tungkol sa kanya. And after all, alam kong minahal nya din ako ng totoo noon at kung sakaling sya ang nasa posisyon ko ngayon, I'm sure, she will do the same. Alam kong hindi nya din ako hahayaang maloko at malamangan ng iba. Coz that's what friends are for, diba? Lahat ng love story ay may kanya kanyang ending, merong happy ending, meron ding hindi at tanggap ko na ng maluwag sa puso ko kung paano nagtapos ang storya naming dalawa... Pero hindi doon natatapos ang pagiging kaibigan ko sa kanya. At gusto ko lang turuan ng leksyon si Clark at gusto kong malaman nya na hindi deserve ni Kendall ang maging isa lang sa mga ina ng anak nya... Im doing this just to save my friend, no more, no less..."

BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanficRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.