Hello! This is not a part of Glimpses. This is just a commercial actually. I was supppose to entitle this section COMMERCIALING (just to keep up with --ING titles but of course, hindi ako komedyante.)
I'm busy with my job, trying to be a good taxpayer blah, blah, blah. Don't have an excuse for writing anything aside from that.
Ang daming ganap lalo na kahapon. And yes, kahit busy, may time padin ako for Twitter 😄. I'm gonna do something different and that is to give my point of view. Don't worry, it's not permanent. And I am still going to write stories for each day that I missed (oh mio, goodluck). I just wanted to write this little corner of mine as a remembrance for myself.
First off, I saw short vids of their 7th monthsary celebration. From kape-ala-Menggay, kain kakanin, punas nguso ni Alden, sexy danceprod until the Q&A. I also saw the TWG moments, fans posting what happened while in there, talking with the bosses. Now, I know that Meng was not in KS because of her monthly visitor. But--she posted YT and updated her blog. She posted her poem for Richard. Guys, she posted Richard Faulkerson Jr-related entry in her blog. Let's me breathe...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...I do not have the best POV kasi naman ang hirap ng hindi pa nagrereplay. But still, here it is. Take it or leave it.
I know that they love their fans, as AlDub, MaiChard or Alden and Maine. They are also matured and intellectual individuals that can decide what they want to do with their lives. So in short, huwag pakealaman. Didn't you see and hear 'yung gigil ng dalawa sa pag-aaddress ng bashers nila? Alden was almost to the point of begging while Maine was raging. Sobrang apektado sila and remember, they do read our comments so they know. May magsabi nga lang na isang tao sa'yo ng I hate you nalulungkot ka na, ano pa ang almost billions of people.
I really hope naging masaya na ang mga bashers sa ginagawa nila. Minsan hindi ko ma-gets 'yung effort nila to create something destructive just because of hate. I mean, can't you just live your life and let other people be? May naka-usap ako sa Twitter na Ex-Aldub Fan daw s'ya, (the username says it all anyway) and nagtanong s'ya why Maine was not at Mama Ten's birthday celebration. Sabi pa n'ya baka hindi invited si Maine and if invited nga, bakit hindi man lang daw inuna ni Maine.
Peeps, wala na tayong pake dun. Tao sila remember? Hindi robot. Not even paperdolls. You, as a human, can make choices. 'Yun ang nilamang natin sa hayop. Choices. Lagi kong sinasabi sa twin ko (👋😊) na when you see a negatron, stop muna. Read the tweet, breathe, breathe ulit mga 10x, mag-CR ka, inom kang Coke, kain kang Lava cake at Bingo, order ka sa McDo tapos post mo sa Twitter. Maraming magla-like and RT. Matatabunan na ang lumang TL.
Nasaan dun ung pagpatol mo sa negatron? Nawala diba? Remember, mas marami ang positive people sa TL mo, unless talagang naghahanap ka ng sakit ng ulo at pupuntahan mo talaga sila para magbasa at pumatol. Babalik na naman tayo sa choices.
Sabi ni Ex-Aldub Fan, buti na lang hindi na s'ya fan. Sabi ko, be happy with your choices and let us be. In Tagalog, maging masaya ka sa desisyon mo, wala kang pakwe sa'men.😄 Ganoin lang 'yun. Tandaan, may karma. Kapag nagtanim ka ng kalungkutan at galit, 'yun din aanihin mo. Alangan namang magtanim ka ng mangga, tutubo eh star apple?
Pati paglalagay ng HT pinag-aawayan. Guys, may sarili kayong pag-iisip, paganahin. Unless you don't want to die and may papatay nga, follow yourself. Sabi ko ulit ke Ex-Aldub Fan, huwag kang makialam, hindi ka nila pinapalamon.
Huwag funnywalain. Jusko naman. Sorry, probably because I am an ex-Journalist but see is to believe ang motto ko. Kaya nga ako may WP kasi dito ko nilalabas ang FICTION. Sa labas ng WP, sa FACT lang ako maniniwala. Sabi ko din ke Ex-Aldub Fan, paano mo nalamang hindi invited si Maine? Ang sarap sundan nang, "Nakita mo ba ang invitation ni Mama Ten? Nakausap n'yo po ba siya? Eh si Maine? Eh si Alden?" Ganito lang peeps para hindi kayo mabaliw, hintayin n'yong sa mismong tao lumabas ang balita/salita. Kapag nagsalita na sila, gumamit ng utak if maniniwala.
Kahit ano pang pag-aaway ng ADN sa bawat isa, iisa lang ang sigurado, mahal kasi natin si Maine and Richard. Fanmily nga diba? Walang pamilyang hindi nag-aaway. Pero, tandaan nating kaya nabuo ang ADN dahil sa AlDub/MaiChard so huwag natin silang saktan. Tao din sila. Dahil kapag nangyaring maumay sila sa'tin, nganga tayong lahat.
Remember, wisdom does not necessarily comes with age. Mabuhay ka friend, maghanap ka ng trabaho imbes na gumagawa ka ng Twitter app para mambash. Mag-saing ka or magpunas ng bintana kesa magbasa ng negative issues tapos papatulan mo. Magtext ka sa BFF mo tapos mag KS marathon kayo imbes na mag-isip ng masama sa dalawa. Wisdom is a choice. Just like stupidity. So choose well.
❤❤❤
BINABASA MO ANG
Glimpses
FanfictionOne-shots of my musings. In my head, they are just two souls waiting to take the leap. The question is, who will go in first? This description was added just now. Because changes may happen on my writings. Remember, I based them on what I see on tho...