Forevermore - Chapter 1(A Lesbian Love Story)

129K 1.1K 56
                                    

“Kristle! Let’s go, malelate na tayo!” sigaw ni Raffy sa tapat ng bahay ng matalik na kaibigan kasunod nito ang pagbukas ng gate at ang pagsilip ng magandang nanay ng best friend niya.

“Magandang umaga Raffy!” masayang bati ni Nanay Loren, “Pasok ka muna sa loob, pababa na raw si Tatle. Ewan ko ba sa batang iyon napakabagal kumilos!” nagbibirong sabi nito sa kanya.

“Magandang umaga rin po Nay Loren,” magiliw na bati niya, “dito ko nalang po hihintayin si Kristle.”

“Nay! Nilalaglag niyo na naman ba ako kay Raffy!” sumulpot ang bagong paligong si Kristle sa likuran ng ina nito, kumabog ang dibdib niya ng makita ang napakagandang mukha kaibigan, “Pasok na po kami Nay.” paalam ni Kristle sa ina, dinampian nito ng halik ang pisngi ng nakakatanda.

Hindi pa kaagad nakakilos si Raffy, natauhan lamang siya ng maramdaman ang kamay ni Kristle sa braso niya, “M--aauna na po kami Nay Loren.” wala sa wisyong paalam ni Raffy sa matanda.

Simula unang taon sa kolehiyo hanggang ngayon na nasa ika-tatlong taon na sila ganito na ang nakaugalian nilang magkabigan. Gigising ng maaga at sabay na papasok sa unibersidad. Dala ang kanyang Honda Civic na regalo sa kanya ng ama noong ika-18th birthday niya, sabay nilang binabaybay ang kahabaan ng EDSA.

“How’s your morning, sweetie?” tanong ni Raffy kay Kristle pagka-upo nito sa front seat.

“May mas gaganda pa ba sa morning ko kung ang pinakamagandang best friend ko ang una kong makikita?” sagot naman ni Kristle sa kaibigan.

Lihim na kinilig si Raffy sa sinabi nito, bata pa lamang kasi sila ay may lihim na siyang pagtingin kay Kristle. Sa edad na anim na taong gulang, ramdam na niya na hindi siya pangkaraniwang babae. Paano ba naman kasi 6 years old pa lamang siya ay hinahatid na niya ng tingin si Kristle, tipong aabangan pa niya ang babae sa tapat ng gymnasium ng paaralan habang dala dala ang cute na pink stroller papasok hanggang classroom nito. Nasa section D siya  at ito naman ay nasa section A. Matalino at masipag si Kristle kaya hindi malabong nanguna ito sa buong antas nila, full scholarship ang iginawad sa batang Kristle dahil bukod sa empleyado ang ama nito sa mamahaling institusyon, si Kristle rin kasi ang nag-top sa entrance exam nila noon.

Sabi ng mama niya matalino naman daw siya, minsan nga lang daw tinatamad siyang mag-aral.

Naging motivation niya ang kagustuhang maging classmate ang all time ultimate mega blockbuster crush niya. After 2 years ng pagtatry niyang mag level-up  ay nagbunga naman ang pagsusumikap niya, hiya lang niya sa mommy niyang super supportive na inarkilahan pa siya ng dalawang tutor na dumidikdik sa utak niya araw-araw, pero siyempre hindi nito alam kung bakit gusto niya sa best class. To cut the long story short, naging magclassmates nga sila ni Kristle, at sinuwerte na naging seatmates pa sila, maraming salamat sa baklang kupido na dumidiskarte rin para sa kanya. Biruin niyo hindi alphabetically arranged ang klase katulad ng madalas na gawin, hindi niya alam kung paano nangyari yun basta ang mahalaga noon, magkatabi sila.

Ginawa niya ang lahat maging bestfriend lang niya ito, ultimo pagdadala ng pangrecess nito ay sinasagot niya. Hindi naman siya nabigo, kalaunan naging close nga sila na ultimo teachers nila ay hindi na sila mapaghiwalay. That’s how their friendship started, siya talaga ang nanadya ng tadhana, sa batang isip niya nalaman na niya kung anong ibig sabihin ng “Kalandian”.. ‘chaar!’

“Have you eaten breakfast baby?” basag ni Raffy sa katahimikan habang ikinakabit ang seatbelt ni Kristle.

Tinitigang maigi ni Raffy ang dalaga. Hindi na talaga nawala ang mannerism nito na pagpapaikot ng buhok sa mga daliri pag nag-iisip. “Ohh what the heck! Ang ganda ganda talaga niya!” bulong niya sa sarili. Sino ba naming hindi magagandahan dito, kulang nalang lagyan ito ng pakpak para masabing anghel, kamukhang kamukha ito ng tinitiliang Koreana sa sikat na palabas na Full House, si Song Hye Kyo, maraming nagsasabing walang pinagkaiba ang itsura nito sa dalaga.

“Yes po! Ikaw alam kong hindi ka pa nakain sabi naman kasi sayo magkita nalang tayo malapit sa school at wag mo na kong sunduin eh.” reklamo ni Kristle habang gigil na kinurot ang pisngi niya.

“I really appreciate your concern but I would rather drive here starving and in pain than letting you travel alone unsecured,” sagot ni Raffy habang hinihimas ang kinurot na bahagi ng pisngi niya, “Mapaano ka pa sa daan.” dugtong niya.

“Ang sweet naman ng baby ko! Kaya love na love kita eh!” nakangiting sabi ng dalaga, hinalikan nito ang pisngi niyang namumula parin.

Tuwang tuwa naman si Raffy sa pinapakitang sweetness ng bestfriend niya. If she could only tell her how much she loves her, ginawa na niya. Ilang simbahan na ba ang napuntahan niya para humingi ng guidance? May mga pagkakataon pa nga na naiiyak nalang siya dahil kung tutuusin ayaw naman talaga niyang ma-inlove sa kapwa niya babae. Ang nagpahirap pa sa sitwasyon ang estado ng relasyon niya kay Kristle, aminin man niya o hindi, ang dating ultimate mega blockbuster crush niya ay ang tanging taong itinitibok at isinisigaw na ng puso niya ngayon.

Vote. Comment. Follow.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon