Forevermore - Chapter 14 (A Lesbian Love Story)

27.7K 393 12
                                    

Tulog na tulog parin si Raffy dahil sa matinding kalasingan. Dinamayan siya ni Chantelle kagabi, alam niyang may gusto parin sa kanya ang dalaga ngunit tanggap na nito na si Kristle ang mahal niya at kaibigan lang ang tingin niya sa dalaga. Katulad parin sila ng dati, pag may problema siya ay kaagad naman itong dumarating para damayan siya.

Kagabi, hindi niya napigilang wag umiyak sa dalaga dahil sa sama ng loob niya sa kasintahan. Hinayaan lang siya nitong ilabas lahat ng sa hinanakit niya habang patuloy siya sa pagpapakalunod sa alak. Hindi naman ito uminom dahil may maagang lakad ito bukas. Nalasing siya ng sobra kagabi, kaya hindi na niya namalayan kung ano ang mga nangyari ang tanging natatandaan lang niya ay may nag-aasikaso sa kanya, inayos siya sa pagkakahiga at pinunasan ang katawan niya, si Chantelle.

Ginising siya ng isang mahigpit na yakap at halik sa kanyang mga labi. Marahan din nitong hinihimas ang sentido niya marahil nakita siguro nito na ngumiwi siya sa matinding sakit ng ulo dulot ng hangover. Minulat niya ang mga mata at nakita niya si Kristle.

“Why are you here, Babe? Umuwi na ba si Chantelle?” wala sa loob na sabi niya.

“Nandito si Chantelle kanina?” umupo na ito sa gilid ng kama. “Anong ginawa niya dito?” tanong ulit nito.

“She was here last night, wala kasi akong makausap. Dinamayan niya lang ako kagabi, siya lang ang pwede kong makausap kagabi.” sagot niya sa dalaga. Hindi parin siya tumatayo dahil sa sakit ng ulo niya. “Kamusta na kayo ni Lawrence?” naghihinanakit parin siya sa dalaga, alam naman kasi niya na wala siyang laban sa lalaki. Oo, siya ang mahal nito pero kung pipiliin nitong sumama sa lalaki at bumuo ng sariling pamilya hindi niya pipigilan ito. Sino ba naman siya para pigilan ang dalaga na maghangad ng normal na relasyon at pamilya?

“Walang kami. Hindi kami ni Lawrence. Baby, mahal kita. Mahal na mahal kita.” saad ni Kristle sa kanya.

Namayani ang katahimikan ng ilang minuto. Kinakabahan na rin siya kung anong sasabihin ng kasintahan sa kanya.

“Kaso nahihirapan ako, naiipit ako sa pagmamahal ko sayo at sa pamilya ko.” humihikbi na ito, ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito. “Let’s take a break, bie. Tutal naman kaya kang damayan ni Chantelle. Wag na muna tayong mag-usap.”

Hindi siya makakilos sa sinabi ng dalaga, tama ba ang naririnig niya? Nakikipaghiwalay na ba ito sa kanya? Ang sakit para sa kanya na sa tagal ng relasyon nila ay makakaya nitong iwan siya. Ngayon pa na kailangan niyang umalis ng bansa, mas pinahirap ng pagkakalayo nila ang sitwasyon nila. “Iiwan mo na ba ako?” yan lang ang nasagot niya kasabay ng isang malakas na hikbi.

“Ewan ko, naguguluhan ako ngayon. Hindi ko kayang itakwil ako ng pamilya ko. Nandiyan si Chantelle para tulungan ka.” sagot nito sa kanya.

Nang akmang aalis na ang dalaga, kaagad na hinabol niya ito at niyakap sa likuran. Tinanggal nito ang pagkakayakap niya at tuluyan ng naglahong parang bula sa paningin niya. Para siyang nawawalan ng lakas, iyak lang siya ng iyak hanggang sa mapaluhod at sumubsob na siya sa sahig. Hinayaan lang niyang umagos ang luha niya, para siyang bata na nakabaluktot na umiiyak. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nasa ganoong sitwasyon ng may marinig siyang mga yabag ng paa, hinayaan lang niya iyon patuloy parin siya sa pag-iyak. Naramdaman nalang niya na may bisig na mahigpit na yumayakap sa kanya. Humiga ito sa tabi niya kasabay ang mas mahigpit na yakap.

“Baby, tahan na please. Hindi kita kayang iwan. Mahal na mahal na mahal kita! Sorry, I’m too weak. Naging mahina ako, bie. Patawarin mo ko kung mas pinili kong saktan ka.” may hikbi sa bawat pagitan ng mga salita.

Lumingon siya at niyakap ang dalaga, umiyak lang siya ng umiyak wala siyang masabi dito kundi hikbi na sapat na para ilarawan ang takot niya ng mga sandaling iyon. Mahal na mahal niya ito, at hindi niya kayang mawala ito sa kanya.

Sa bisig nito, pakiramdam niya nasa isang safe na lugar na siya. Sa loob ng isang buwan, naramdaman ulit niya ang pakiramdam na safe siya at walang pwedeng manakit sa kanya.

Patuloy parin siya sa pag-iyak. Tulad ng madalas niyang gawin sa dalaga, hinalikan siya nito sa buhok, pababa sa noo, sa mga mata niya, pagkatapos ay pinahid ang mga luha niya, hinalikan din siya nito sa ilong at ang huli ay isang maalab na halik sa mga labi. Nang maaramdaman ang seguridad na hinahanap, gumanti siya ng halik sa dalaga. Iginaya siya nito sa  kanilang kama at doon muling pinag-alab ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. They were both craving for each other’s touch. Naglakbay ulit sila sa isang paraiso na tanging ang pagmamahalan lamang nila ang nakakapagdala sa kanila doon. Saksi ang bawat sulok ng kwarto sa maalab na mga pangyayari.

Naglagi pa siya sa pilipinas ng halos dalawang linggo, nagpaalam siya sa papa niya na hindi muna siya uuwi dahil may inaasikaso pa siya. Pumayag naman ito, marahil ay alam nitong nahihirapan siya na iwan ang kasintahan.  Bumalik naman sa normal ang relasyon nila ng mga sumunod na araw, nangako ito na hindi na muling makikipagkita sa lalaki at pagtinanong ulit siya ng magulang nito kung anong relasyon nila ay aaminin na raw nito iyon kahit pa itakwil ito sa kanila. Sinabihan din siya ng dalaga na wag na raw kontakin si Chantelle dahil pakiramdam nito ay bumubwelo lang ang dalaga para maagaw siya sa kanya.

Doon nanalagi sa condo nila ang dalaga sa loob ng dalawang linggo, nagbaon sila ng mas maraming ala-ala. Nangsumapit ang araw na kailangan na niyang umalis, nangako ito na hindi na siya bibigyan ng ano mang rason para magselos o ikagagalit niya. Pinabaunan siya nito ng isang maliit na pillow, sabi nito ay yakapin lang daw niya ang unan pag namimiss niya ito. Medyo cheesy sila kaya bumili ito ng pares na pillow dahil gusto rin nitong may makayakap pag namimiss siya nito.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon