Pinuntahan kaagad ni Raffy ang bahay na tinutuluyan ni Kristle, wala ang dalaga kaya naghintay muna siya sa loob ng sasakyan. Habang naghihintay ay nag-isip rin siya ng dapat gawin, ang plano niya ay kausapin muna si Kristle para ipaalam dito ang tungkol sa mga nalaman niya, saka niya isusunod ang pagharap niya kay Chantelle, hanggang ngayon kasi ay hindi parin niya matanggap na kayang magsinungaling sa kanya ng kasintahan. Gusto niyang bigyan ng pagkakataong maipagtanggol nito ang sarili.
Pasado alas-otso na ng gabi dumating ang si Kristle kasama si Nico, gusto na sana niyang sugurin ang lalaki ngunit mas nangibabaw ang utak niya; hindi siya pwedeng magpadalos dalos ng desisyon lalo pa’t kasali si Kristle sa usapan. Laking pasasalamat niya ng umalis kaagad ang lalaki, nang masiguro na wala na ito, lumabas siya ng sasakyan at tinungo ang kinaroroonan ni Kristle.
“Kristle!” nagulat ang dalaga ng makita siya, “We need to talk,” bakas sa mukha nito ang pagtataka, “Please. May importante akong sasabihin sayo.”, sumenyas ang dalaga na sundan niya ito sa loob ng bahay.
“Anong pag-uusapan natin?” tanong nito sa kanya matapos masiguradong komportable na siya sa lugar.
“Nakita ko kayo ni Nico.” hindi niya kaagad nadugtungan ang sinasabi, nakaramdam siya ng matinding selos sa lalaki.
“Kilala mo si Nico?” tanong nito sa kanya habang malalim ang kunot ng noo. Tumango siya bilang pagsang-ayon.
“Kristle, tungkol sa aksidente mo. I think, it was planned, para—para paghiwalayin tayo.” nakita niya ang pagtataka sa mukha nito noong una, ngunit napalitan ng pag-aalinlangan ang reaksyon nito pero determinado siyang gawin ang lahat para makumbinsi ang dalaga na maniwala sa kanya, “I think, nagplano si Nico at Chantelle para paghiwalayin tayo.”
“Girlfriend mo? Bakit naman nila gagawin yun? Mabait si Nico at hindi niya kayang gawin sakin yun.” nasaktan siya sa sinabi nito, pero kailangan niyang protektahan si Kristle at hindi niya hahayaang hindi managot ang mga ito kung sakaling ang dalawa nga ang responsible kung bakit naaksidente si Kristle.
“Hindi ko alam, hindi ko pa alam kung paano ko mapapatunayan pero mamaya kakausapin ko si Chantelle.” dapat pala ay kinausap na muna niya si Chantelle bago niya kinausap si Kristle, wala siyang maisip na paraan para maniwala ito sa kanya.
“Itigil na natin ‘to. Akala ko ba tapos na tayo?” tumaas na ang tono ng dalaga, “You are not making any sense!”, gustuhin man niyang itago ang sakit na nararamdaman alam niyang bigo siya dahil nangingilid na ang luha niya.
“Look, I’m sorry—“, hindi na niya hinayaang ituloy nito ang sinasabi.
“Hindi ka nawala sa puso ko, Kristle.”, kailangan ng malaman ng dalaga ang nararamdaman niya, nawala na sa isip niya si Chantelle at Nico at ang tanging pagmamahal nalang niya kay Kristle ang naiisip niya, “Simula bata palang tayo, mahal na kita. Walang panahon na hindi ikaw ang sinisigaw ng isip at puso ko, hindi ka nawala sa sistema ko kahit nung nagkahiwalay tayo.”, nakatingin lamang sa kanya si Kristle, naghihintay sa mga susunod na sasabihin niya. “Nahihirapan na ako na—wala ka sa tabi ko, hirap na hirap na ko, Kristle.”, pinahid nito ang luha sa pisngi niya, nawala na rin ang galit sa mukha nito na napalitan na ng pag-aalala.
Iniangat ni Kristle ang mukha niya, nakatingin lamang sila sa mata ng isa’t isa. Dumako ang tingin niya sa mapupulang labi nito, nakaramdam siya ng matinding pwersa para halikan ito; maramdaman muli ang malalambot na labi nito sa mga labi niya. Napuno ng katahimikan ang paligid habang patuloy na inaalis ang pagitan nila ng dalaga.
Nang maglapat ang kanilang mga labi, nakaramdam siya ng kapayapaan. Hinayaan niyang dalhin siya sa kasiyahan na tanging si Kristle lamang ang nakakapagbigay sa kanya. Hinalikan niya ang dalaga ng puno ng pagmamahal.
Matapos ang halik, nanatiling magkalapat ang kanilang mga noo, kapwa tinitimbang kung anong dapat sabihin ng mga sandaling iyon.
“Raf, anong dapat nating gawin?” basag nito sa katahimikan.
Lumayo siya ng kaunti sa dalaga, kinuha niya ang kamay nito at marahang pinisil. “I need to settle things between me and Chantelle, kailangan kong kausapin siya. Hindi ko na kayang isantabi yung—yung nararamdaman ko para sayo. I know what I want—I want to spend the rest of my life loving you.”
“Pero—“ tumango ito, “ikakasal na kayo. Ikakasal na ako.”
“Sabihin mo sakin, hindi ba parehas tayo ng nararamdaman?” hinawakan niya ang pisngi nito, “Kristle, we can’t just disregard the fact na we’re madly in love with each other. Hindi ko na hahayaang mawala ka sakin ulit. We belong together.”, tumingin ito sa mga mata niya, “I love you.”
Halata sa magandang mukha nito ang matinding pagtatalo ng isip, hindi rin nagtagal ay ngumiti rin ito. “I love you too.”
Sapat na ang salitang iyon para hatakin niya ulit ang dalaga para sa isang simpleng halik. Niyakap din niya ng mahigpit ang dalaga, matagal niyang inasam na makasama muli ito at mahagkan. Ilang taon din ang ninakaw sa kanila, hindi na siya papayag na mawala ulit ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.
Nagpasya sila na doon muna siya magpapalipas ng gabi dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kakausapin din kasi niya ang dalaga tungkol kay Nico at sa iba pang naganap tungkol sa aksidente. Matapos mag-ayos ay humiga na sila sa kama ng dalaga, nakahiga na ito ngayon sa bisig niya habang nakapalibot ang kamay nito sa beywang niya.
“Anong ibig mong sabihin kanina nung sinabi mo na si Nico at Chantelle ang may kagagawan ng aksidente?” tanong nito sa kanya.
“Nagkita kami ni Lawrence kanina, sinabi niya sakin lahat ng nangyari bago at pagkatapos mong maaksidente.” ikinuwento niya sa dalaga ang lahat ng napagusapan nila ni Lawrence, ikinuwento rin niya ang tungkol sa ginawa ng ama nito pero hindi gaanong detalyado, sinabi niyang ang magulang nito ang dapat magsabi sa kanya ng buong pangyayari.
Madami rin silang napag-usapan, panay ang tanong ng dalaga tungkol sa naging relasyon nila noon. Kulang ang isang gabi para maikuwento ang lahat ng napagdaanan nila kaya hindi rin nagtagal ay nakatulog rin sila sa yakap ng isa’t isa.
Kinabukasan, nagising siya na wala na ang dalaga sa tabi niya. Nakita niya ang ito sa may kusina habang inihahanda ang lamesa, nakatalikod ito kaya hindi nito namalayan ang paglapit niya. Niyakap niya mula sa likuran ang dalaga.
“I missed this.” bulong niya. Naalala niya noon, madalas siya nitong ipaghanda ng almusal, araw-araw din niyang niyayakap ito sa ganoong ayos.
“How’s your sleep?” humarap ito sa kanya, nakapaskil ang ngiting sa loob ng mahabang panahon ay sa panaginip niya lang madalas makita.
“Never felt better.”,
Matapos kumain, nagpaalam na siya kay Kristle. Bago umalis ay binilinan muna niya ito na huwag munang kausapin si Nico tungkol sa napag-usapan nila kagabi.
Dumating na nga ang oras para harapin si Chantelle.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...