Pagkatapos mananghalian, nakiusap ang ama ni Kristle na kung pwedeng makasama nito ang anak papunta sa bayan upang tulungan itong ayusin ang dokumento tungkol sa lupa at palaisdaan nito di kalayuan sa bahay na nakuha nito sa Bataan. Ang ina naman ni Kristle ay kasalukuyang nasa kabilang baryo upang dalawin ang kapatid nitong may sakit.
Ayaw sana siyang iwan ng kasintahan ngunit wala rin itong magawa dahil mas makakabuti sa kanyang magpahinga na lamang sa loob ng bahay dahil namamaga na ang kamay na nadaganan niya kanina. Bago umalis ay tinawag ng ama nito ang pamangkin na si Grace, binilinan ng matanda ang dalaga na bantayan pansamantala ang bahay habang nasa bayan ang mga ito.
“Miss Raffaela?”, kasalukuyan siyang nainom ng tubig ng biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran. Nang lingunin niya ito, nakita niya si Grace, namumutla ito at hindi mapakali ang kamay halatang kinakabahan ang dalaga.
“Grace, you can call me Raffy.”, nginitian niya ang dalaga.
“Raffy—“, hindi maitatago ang panginginig sa boses nito habang nagsasalita, “gusto ko lang humingi ng pasensya sa nangyari kanina.”
Hindi nakaligtas kay Raffy ang napakabangong amoy ng dalaga, tuyo na ang buhok nito pero halatang kakagaling lamang nito sa paliligo, naaamoy niya kasi ang strawberry na marahil ay galing sa gamit nitong sabon. “Ako dapat ang humingi ng pasensya sayo kasi ako naman talaga ang may kasalanan.”, nakangiting sabi niya sa dalaga.
Naging matamis ang pagkakangiti nito sa kanya, halatang nabunutan ng malaking tinik dahil nawala na ang panginginig ng kamay nito, “Sorry talaga kanina!”, mas komportableng ng sabi nito, tumingin ito sa nakabendang braso niya, “Napilayan ka pa tuloy.”, malungkot na namang sabi nito.
Lumapit siya dito at tinapik ang balikat nito, “Wala ‘to, wag kang mag-isip ng mag-isip.”, sabi niya sa dalaga, pilit pinapagaan ang kalooban nito.
Naging mas komportable naman ito sa kanya ng mga sumunod na oras, nanatili si Grace sa tabi habang parehas nilang pinapatay ang pagkabagot, napag-alaman niyang mas bata lamang ito ng tatlong taon sa kanila ni Kristle, nakwento rin nito na bata pa lamang daw silang magpinsan ay madalas na raw siyang ikwento ni Kristle tuwing magbabakasyon ito sa Bataan. Naging madalang na nga lang daw magkita ang dalawa simula ng magsimula itong mag-aral ng abugasya.
Madalas ring siya nitong purihin ni Grace, hindi raw nito akalain na ang kinukwento raw noon ng pinsan ay literal na maganda pala talaga, mukha raw siyang artista at modelo na napapanood nito sa TV. Kinilig naman siya sa sinabi nito, hindi dahil pinupuri siya ni Grace kundi dahil hindi niya akalain na noon pa pala siya pinagpapantasyahan ni Kristle!
“Raffy, ahm—bakit ka nagkakagusto sa babae?”, pagbabago nito sa usapan, “paano ka naging—naging alam mo na?”, halatang hindi ito komportable sa pinaguusapan, natatawa siya dahil hindi man lamang nito mabanggit ang termino na dapat nitong gamitin.
“Hindi ko alam, basta bata palang ako, gusto ko na si Kristle. Bakit?”, nagtatakang tanong niya dito.
“Pwede bang sumama sa inyo ni Ate Kristle sa Manila?”, seryoso itong nakatingin sa kanya, magkadikit ang kamay na tila nagdarasal na pumayag siya.
Ikinibit balikat na lamang niya ang paksa nila kanina marahil ay nagtataka lamang ito sa set-up nila ni Kristle, “Walang problema sakin, kausapin mo si Kristle at ang magulang mo.”, lumaki ang pagkakangiti nito sa narinig.
“Thank you!”, halos patili nitong sabi, “Gusto ko talagang dun na tumira sa Manila, nakaipon narin naman ako. Wala na namang problema kila inay kasi alam nilang matagal ko ng gustong magbakasakali sa Manila!”, dugtong nito.
Tinapik niya ang braso nito, “Hindi madaling tumira sa Manila.”, nakangiti ngunit nagbababalang sabi niya.
Hindi na nito pinansin ang narinig. Ilang oras pa silang nag-usap ng dalaga, pasado alas-singko na ng hapon ng dumating sila Kristle sa bahay kasama ang ama nito. Nagpaalam naman kaagad si Grace pagdating ng mga ito, ang ama naman ng kasintahan niya ay agad na dumiretso sa kusina, si Kristle naman ay hinatak siya papasok ng kwarto at nagmamadaling isinara ang pintuan.
“Anong ginawa niyo ni Grace habang wala ako?”, nakangusong tanong nito sa kanya.
“Nagkwentuhan lang.”, matipid na sagot niya, natatawa siya na kinikilig sa pagiging selosa ng kasintahan, noon kasi selosa na ito pero mas matindi ang pagiging selosa nito ngayon.
“Talaga? Hindi mo ako pinagpalit?”, inilagay ng dalaga ang kamay nito sa magkabilang baywang niya.
“Bakit naman kita ipagpapalit?”, ipinagdikit niya ang noo nilang dalawa.
“Baka kasi—“, pinutol na niya ang sasabihin nito, itinaas niya ang mukha nito gamit ang kaliwang kamay at inangkin ng buong puso ang labi ng kapareha. Hindi naman maiiwasang huwag humanga sa ibang babae, pero alam ni Raffy na sa puso niya, si Kristle lamang ang tanging babae para sa kanya, ang labi lamang ng kasintahan ang nais niyang mahagkan, at ito lamang ang tanging gusto niyang makasama habang buhay, aalagaan niya ito hanggang sa pagtanda nila, hanggang sa huling hininga niya; ang pangalan lamang ni Kristle ang tanging isisigaw ng puso niya.
Kapwa hinihingal ng maglayo ang kanilang mga labi, “Baby, kailangan nakabihis ka na mamayang 6:30, aalis tayo.”, kinikilig na sabi nito sa kanya.
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito, “Where are we going?”, buong kuryosidad na tanong niya.
“You’ll see. Just don’t forget to wear something comfy.”, hinalikan muli siya nito sa mga labi at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Nasurpresa parin si Raffy ng dalahin siya ng kasintahan sa isang beach resort sa Bataan, hindi niya akalaing may itinatago pa palang kasweetan ang kapareha sa katawan. Halikan pa nga lang siya nito o tawaging ‘Baby’ ay kinikilig na siya ngayon pa kayang naghanda pa ito ng sorpresa para sa kanilang dalawa.
Bago pumasok sa loob ng resort, piniringan muna siya ni Kristle pagkatapos ay inakay siya nito papunta sa lugar na wala siyang ideya kung saang lupalop. Nakasuot lamang siya ng slippers kaya ramdam niya ang malamig na buhanging dumidikit sa balat niya, mabuti nalamang at pinagsuot siya ng kasintahan ng jacket, nanunuot kasi ang lamig ng magkahalong hangin at simoy ng dagat sa paligid. Naglakad sila ng halos limang minuto pa.
“We’re here!”, sigaw ni Kristle.
“Pwede ko na bang alisin yung blindfold?”, sabik na sabi niya sa kasintahan habang ang kamay ay nakaturo sa piring sa mata.
Natawa ito dahil nakalimutan daw nitong alisin ang blindfold sa sobrang pagkasabik. Tinulungan siya ni Kristle na alisin ang buhol sa panyong ginawa nitong pantakip sa mga mata niya, hindi siya sanay sa mga surpresa kaya naman mabilis na mabilis ang kabog ng dibdib niya.
Unti-unting iminulat ni Raffy ang mga mata at laking gulat niya ng makita ang isang napakalaking bahay na nakaharap sa tabing dagat. A beach house with blue shutters, ang isa sa pangarap nila ilang taon na ang nakakalipas. Hindi pa tapos ang bahay ngunit maaaninag na ang kagandahan nito.
“Sa atin na ‘to, Baby!”, nanggigigil na sigaw ni Kristle pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit sa likuran.
“Paano mo naalala?”, tanong niya dito. Noon kasi ay madalas nilang pagkwentuhan ang mga bahay na itatayo nila para sa kanila at isa na roon ang katulad na katulad ng bahay na nasa harapan niya.
“Hindi ko alam, madalas ko siyang mapanaginipan.”, tapos pinagipunan ko na, malapit na yang matapos.
“Dito mo ako ititira?”, nanunuksong tanong niya. Kahit madilim ang paligid ay maaaninag parin ang pamumula ng pisngi nito.
“Ayaw mo?!”, bulyaw nito sa kanya.
“Sinabi ko bang ayaw ko?”, kinurot nito ang kaliwang baywang niya dahilan para matabig ang may pilay na kamay niya. Humingi naman ito kaagad ng tawad, hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang sakit ng kamay niya.
Ang buong akala ni Raffy, bahay lamang ang surpresa ni Kristle sa kanya, nagtatago pala sa di kalayuan ang isang kubo kung saan nakasalansan na sa hapag ang kakainin nila para sa hapunan. Walang mapaglagyan ng kasiyahan ang pakiramdam ni Raffy, sana lamang ay wala ng humadlang sa napakagandang relasyong binubuo muli nila ni Kristle. Pagbalik nila ng Manila, aayain na niyang magpakasal ito, wala ng rason para pigilan pa niya ang matagal na nilang plano. Sigurado na siya, si Kristle Faith Rodriguez, ang taong makakasama niya habang buhay.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...