Forevermore - Chapter 9 (A Lesbian Love Story)

34.3K 540 16
                                    

“Where’s Kristle?” nagtatarantang tanong ni Raffy sa mga kaibigan.

“Oh.. ohh.. I smell trouble.” pabulong na sabi ni Richard. Siniko naman ito ng kasintahang si Tiffany.

Walang nakakita sa mga kaibigan nila kung nasaan si Kristle, simula kasi ng halik na iyon ay sa kanila na ni Chantelle natuon ang atensyon ng lahat. Tumayo siya at naglakad papunta sa loob ng tent. Wala doon ang dalaga. Nahihirapan siyang aninagin ang nilalakaran niya. Tanging ang ilaw sa bonfire ang natitirang tanglaw nila sa isla.

Nang magawi sa likod ng tent nakita niyang naroon ang hinahanap, nakaupo ito na parang basang sisiw. Bakas sa mukha ang matinding gulat at tila estatwa itong hindi kumikilos. Napansin niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito, ang dalawang kamay ay nakayakap sa mga binti habang nakatingin lang sa kawalan.

Anong ginagawa nito sa ganoong posisyon? Kailan pa ito nagpunta doon? Nilapitan niya ang dalaga at niyakap ng mahigpit.

“Baby, are you alright? Why are you here? Babe, you’re shivering!” tanong niya habang mas hinigpitan pa ang yakap sa dalaga.

“I’m ok. Bumalik ka na doon, Babe. Baka hinahanap ka na nila. Miss ko lang sila Inay.” sagot nito na blangko ang tono. “Iniintay ka na ni Chantelle, bumalik ka na doon.” bahagya pa siyang naitulak nito palayo.

Nagseselos nga ba ang dalaga? Selos nga ba para ang nahimigan niya sa mga boses nito? Kaagad din niyang inalis sa utak ang naisip. Hindi ito magseselos dahil wala itong gusto sa kanya. 

“Sweetie, dito lang ako sa tabi mo. Kung ayaw mo doon, sasamahan kita dito. Kahit buong gabi tayong lamukin dito. Okay lang!” sinubukan niyang itayo ang dalaga. Sumunod naman ito sa kanya dahil narin siguro sa huling sinabi niya. Alam niya kasing ayaw na ayaw nitong nadadapuan siya ng lamok. Niyakap niya muna ang dalaga at hinalikan sa noo bago inaya pabalik.

“Let’s go, babe.” tumalima naman ito. Hawak parin ang kamay ng dalaga bumalik na sila sa bilog.

“Ok, guys wag na tayong maglaro. Masiyado ng mainit ang bonfire para sa Truth or Dare. Let’s just enjoy the night and drink some more!” ani Denis habang inilalapag ang walong shot glass na nakuha nito sa bahay ng Tita niya.

Nagbaon sila ng yelo kaya naman mas masarap ang alak sa panlasa niya. Binigyan sila bawat isa ng kani-kanilang mga kopita, ng makitang pati si Kristle ay binigyan tinitigan niya ang babae na wari’y nagtatanong kung sigurado itong kaya nitong uminom. Nang walang pagtutol sa mukha ng dalaga hinayaan na niya ito, nasa hustong gulang narin naman kasi ito. Hindi nalamang siya magpapakalasing para may mag-alaga dito pag nagkataong malasing ito.

“Cheers!” sabi naman ni Nico na first time lang yata niyang narinig nagsalita buong araw. Nagtataka nga siya kung paanong nakasundo ito ni Chantelle gayong kabaliktaran nito ang ugali ng dalaga. Nilingon niya si Chantelle, tahimik lang ito sa tabi ng binata na tila malalim ang iniisip. Bigla naman siyang nagbawi ng tingin ng bigla itong napalingon sa kanya.

Lumipas ang mahigit isang oras, pareparehas na silang nasa impluwensya ng alak. Ang mga lalaki ay nagsimula ng ihatid sa kanya kanyang tent ang mga girlfriends nito. Si Chantelle ay nalasing din kaya naman buhat buhat itong dinala ni Nico sa ginawa nitong tent para sa kanila ng dalaga. Si Kristle ay nasa tabi parin niya at nakaakap. She looks so fragile, parang mababasag ito pag nadikitan ng kahit anong bagay.

Tinapik niya ang dalaga ngunit ungol lang ang naging sagot nito.

Lakas loob na tumayo siya at inakay papasok ng tent ang dalaga. Nahihilo man nagawa parin niyang punasan at ayusan ito. Hinubad na muna niya ang pang-itaas na damit nito. Nalantad sa kanya ang napakakinis na balat nito. Marahan niyang pinunasan ng bimpo ang mukha nito pababa. Pinadaanan niya ang napakaputing balikat nito, manghang mangha siya sa halos perpektong pagkakakurba ng mga iyon. Nang mapagawi ang kanyang tingin sa hindi kalakihan ngunit may ipagmamalaking dibdib, napapikit siya sa naisip. “Ang maniac mo talaga!” saway niya sa sarili. Pikit matang ipinahid niya ang bimpo sa gawing bahagi ng katawan nito, hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pinong ungol na pinakawalan ng dalaga ng hindi sinasadyang madikit ng bahagya ang daliri sa kung ano mang nakaumbok na nasa loob ng pang-itaas ng subukan niyang iangat ang underwear nito para mas malinisan.

Mas natuyuan naman siya ng lalamunan ng inalis niya ang pang-ibaba ng dalaga, tanging ang underwears nalang nito ang natitira! Pilit inaninag sa kakarampot na ilaw ang kabuuan ng dalaga. She felt her nipples growing as she tried to disregard her nasty thoughts. Hindi niya gustong maging mahalay sa taong mahal niya. Kaya naman dali dali niyang pinunasan at pinalitan ito ng pantulog. Nang makasigurong himbing na himbing na, isinarado na niya ang tent at tinakluban ng kumot ang dalaga.

“Ba—by? Na—san ka?” tanong ni Kristle na halatang lasing na lasing. “Ba—by? Dito ka lang. wag ka su—mama sa Tsan—telle na yun.” nakataas pa ang kamay na sabi ni Kristle.

Ibinaba niya ang kamay ng dalaga at niyakap niya ito, “Ang baby ko. Sus, nagseselos rin pala!” bumungisngis pa siya sa sobrang kilig.

“Anong selos sel—os? Di a—ko nagsesel—os. Ikaw naman kashe eh. Ba—kit naman ako mag—seselos?” saad ng dalaga. “Pe—wo lam mo, Ma—hal na ma—hal kita na Mahal kita Raffey, Ba—by, Twee—tie, Babe, Ha—nny pie!” deklara ng dalaga. Mistulang baliw dahil may kasamang mga halakhak sa pagitan ng mga salita. “Les—bian ba ko? Nilalabanan ko naman eh, pero ta—lagang, i—kaw lang ang laman nito Di ko mapigil.” sabay turo sa dibdib.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon