Sa loob ng halos kalahating taon nasanay na ang magkasintahan na magkalayo sila. Hindi naman naging rason ang distansya para magbago ang turingan nila. May pagkakataon na nagkakatampuhan parin sila nito pero sadyang matibay ang samahan nila para masira lamang ng simpleng tampuhan. Buo ang tiwala ni Raffy sa kasintahan, alam niyang mahal siya nito at hindi ito gagawa ng anu mang dahilan para magkasira sila.
Dahil sa sobrang higpit ng schedule nilang dalawa nagpasya si Raffy na wag muna umuwi sa Pilipinas. Kasalukuyan kasing dumaraan sa krisis ang kumpanyang pag-aari ng pamilya nila. Ang lolo niya ay Pilipino at ang lola niya ay French, dahil narin sa hilig ng lolo niya sa pagluluto ay nagtayo ito sa France ng isang restaurant na pinalad namang naging sikat na sikat sa bansang iyon sa specialties na pinaghalong French at Filipino Cuisine. Sabi ng papa niya pwede naman daw siyang magpractice ng kursong kinuha niya kaya naman nagtayo din sila ng isang maliit na firm para sa kanya at dahil dalawang kumpanya ang pinagsasabay niyang patakbuhan naging mas hectic ang naging schedule niya, buti nalang back-up niya lagi ang ama.
Excited na naglog-in sa skype si Raffy, sumapit na kasi ang oras na makakausap niya ang dalaga. Dahil sa 6 hours ang difference ng Paris at Manila, nag-uusap sila ng dalaga 12 am sa kanila at 6 am naman sa Pilipinas. Maaga itong nagigising at siya naman ay pinipilit imulat ang mata makausap lamang ang dalaga.
“Baby! Namisss kitaaaa!!!!” bungad nito sa kanya.
“I’m missing you more, babe!” ikinusot niya ang mga mata dahil sa namumuong luha, naiiyak na naman siya dahil sa sobrang pagkamiss sa dalaga. “I’m dying to see you! Mamamatay na ko sa sobrang pagkamiss sayo!” dugtong niya habang hindi na mapigilan ang luha sa pag-agos sa mapupulang pisngi niya.
“Iyakin naman ng baby ko! 3 weeks from now magkikita na tayo diba?” nakangiti parin ang dalaga na tila pinapalakas ang loob niya.
“Yes, sweetie. Magkikita na tayo. I love you raised to infinity!” buong pagmamahal na sabi niya, “And since I’m missing you so much and I love you so much, you know what to do on our first day together.” Nagpakawala siya ng nanunuksong ngiti sa dalaga. She’s teasing her with that sexy grin, alam niyang alam nito ang tinutukoy niya.
“Ikaw talaga, bie. Pilitin mo muna ako.” sabay nagpakawala ito ng nanunuksong tawa. “I love you so much, baby, raised to infinity! Kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko, I’ll wait for you, bie.” ramdam niya na miss na miss na rin siya ng dalaga. Pinakorteng puso nito ang mga labi at akmang hahalikan ang screen ng biglang pumasok ang tatay nito sa kwarto.
Kaagad naman itong nagpaalam sa kanya at saka pinatay kaagad ang web cam. Narinig niya ang unang bungad ng ama nito at galit na galit ito sa kasintahan. Nitong mga nagdaang araw kasi ay madalas ng nagtatanong ang pamilya nito tungkol sa kanila, matindi ang pagtutol ng mga ito sa relasyon nila. Pilit ding ipinapareha si Lawrence sa kasintahan niya, ang lalaki raw ang nababagay sa dalaga. Hindi naman niya masisi ang dalaga kung hindi pa nito maamin ng diretsa sa pamilya nito ang tungkol sa kanila, sapat na para sa kanya na hindi nito pinapatulan si Lawrence. Hindi nga ba? Agad naman niyang inalis ang tanong sa isip. Dapat magtiwala siya sa kasintahan.
Kinabukasan naglog-in ulit si Raffy sa skype, wala ang dalaga. Inisip niya na baka tulog lang ito kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe sa e-mail nito. Nang sumunod na araw ay wala parin ang dalaga kaya naman nakaramdam siya ng kaba. Sa loob ng halos dalawang linggong araw-araw niyang hinintay itong mag-online ngunit araw-araw din siyang nabigo. Nagmessage na siya kung kani-kanino ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakapagbigay ng eksaktong detalye kung nasaan ang dalaga miski ang mga tauhan niya sa Pilipinas ay wala ring maibigay na konkretong impormasyon sa kanya. Hindi naman niya maiwan ang trabaho niya dahil sa katapusan pa siya nakatakdang umalis. Gusto na niyang hatakin ang araw para makalipad pabalik sa Pilipinas.
Three days bago ang flight niya. Sobrang nastress na siya sa trabaho at lalong sumasakit ang ulo niya kakaisip kung nasan na ang nobya niya. Ayaw niyang mag-isip ng masama tungkol dito. Ayaw din niyang isipin na may nangyaring masama pero talagang kinakabahan na siya. Ilang linggo na siyang walang tulog at pahinga, ilang linggo na siyang nag-iisip kung ano na bang lagay nila. Iniisip niya na baka umiiwas lang ito para wag magalit ang pamilya nito sa kanya pero bakit hindi siya sinabihan?
Nang gabing iyon nagbakasakali parin siyang online ang dalaga. Umupo siya sa tapat ng laptop niya na nakalagay sa desk ng opisina niya. Naglog-in siya sa skype, facebook at e-mail niya dahil dito sila madalas mag-usap ng kasintahan. Offline parin ang dalaga sa skype at facebook, nagscroll down list ng messages niya may mga messages na galing sa mga kaibigan niya ngunit wala siyang interes na basahin ang mga ito. Nakuha ang atensyon niya ng isang mensahe na nakarehistro sa pangalan ni Kristle pero iba ang e-mail address. Binasa niya ang laman ng mensahe.
“Raffy,
Pasensya na kung matagal akong hindi nakapagparamdam sayo. I need time to sort things out here. Tutol ang family ko sa relationship natin at naisip ko na tama sila. Alam kong masasaktan din kita someday kaya mas mabuting ngayon palang tigilan na natin ‘to, I won’t keep this message long. Gusto kong humingi ng tawad kasi habang magkalayo tayo, I accidentally fell in love with Lawrence. Siya na ang mahal ko at mas gugustuhin ko ng magkaroon ng normal na pamilya. Wag mo na akong hanapin kasi hindi na rin naman magbabago ang desisyon ko. We’ll be moving to another place so don’t bother looking for me. Just move on and be happy as well.
Kristle Faith,”
Sa nabasa ay tila gumuho naman ang mundo ni Raffy. Tama ba ang nabasa niya? Iniwan na siya ng dalaga ng ganun ganun nalang? Anong nangyari sa kanila? Ang dami nilang plans and promises. Ang dami nilang masasayang memories na akala niya masaya talaga ang dalaga. Alam niyang hindi siya perpekto pero ginawa niya ang lahat ng alam niya para mapasaya niya ito. Halos umikot ang buhay niya sa pagmamahal niya para dito. She tried so hard to please her and she felt so used. Patuloy lang siya sa pag-iyak hinayaan niya ang sariling umiyak wala siyang pakialam kung may makarinig sa kanya basta ngayon, nagdadalamhati siya at tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin. Sinubukan niyang tumayo at kahit nanlalabo ang paningin kinuha niya ang unan na binigay sa kanya ng dalaga. Lagi niya itong dala kahit saan siya magpunta. Niyakap niya ito at umiyak. She tried to take another step but everything seemed vague, nawalan na siya ng panimbang. Marahil dala ng sobrang stress at hindi pagkain, nabuwal siya at unti unting nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...