“Chan, where are you?” tanong ni Raffy ng sagutin ni Chantelle ang tawag niya, nang hindi makita ang dalaga sa condo kaagad na kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang dalaga. Nakarinig siya ng ilang hikbi sa kabilang linya, “Are you crying?” tanong ulit niya.
“No, hon.” halatang umiyak ito dahil bakas ang panginginig sa boses nito. “We need to talk, may kailangan akong sabihin sayo.”
“May sasabihin din ako, nasan ka?” nakaramdam siya ng matinding awa para dito, anong dapat niyang gawin kung si Kristle talaga ang sinisigaw ng puso niya? Hindi pwedeng awa ang pairalin niya, mahal niya si Chantelle pero kapag naiisip niya si Kristle, hindi niya maiwasang ikumpara ang nararamdaman niya sa dalawang babae.
Napagkasunduan nilang sa condo na lamang mag-usap. Kinakabahan siya dahil hindi niya talaga alam kung paanong sisimulan ang pakikipag-usap dito, hindi niya alam kung paano niya iiwasang masaktan ito.
Humiga siya sa kama habang hinihintay ang pagdating ni Chantelle at ipinikit ang mga mata para pakalmahin ang utak niya sa kakaisip. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nasa ganoong posisyon ng maramdaman ang pagvibrate ng cellphone na nakalagay sa tagiliran niya, “Missing you. L”, kinikilig siya sa simpleng mga gestures nito, lumulundag ang puso niya kalian nga ba nung huli niyang maramdaman ang ganitong kilig? Sa buong buhay niya si Kristle lang ang tanging taong nakapagparamdam sa kanya ng ganoon. Naalala niya noon, madalas din siyang makatanggap ng mensahe mula sa dalaga kahit saglitan lamang silang magkakalayo. Magrereply na sana siya ng biglang marinig boses ni Chantelle.
“Raf?” tawag nito. Bago pa man siya sumagot ay bumukas na ang pinto ng silid. Namumugto ang mga mata nito tanda ng magdamag na pag-iyak nito, iniiwas niya ang tingin sa dalaga. Narinig niya ang yabag ng paa nito papalapit sa kama hanggang sa maramdaman niya ito sa tabi niya. Naglaan siya ng distansya sa pagitan nila, puno ng tensyon ang paligid. They’ve grown apart, simula ng dumating ulit sa buhay niya si Kristle hindi na niya namalayang patuloy pala siyang napapalayo sa kasintahan, masakit para sa kanyang siya ang dahilan kung bakit umiiyak ito.
“Chan, I need to tell you something.” umpisa niya. Sinasalakay siya ng matinding kaba, hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang tungkol kay Kristle, paano kung wala naman pala itong kinalaman sa aksidente ng dalaga? Kaya ba niyang makita ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong kailangan na nilang maghiwalay dahil nakita na niya ulit si Kristle?
Unti-unting bumagsak ang mga luha nito, pinipiga ang puso niya sa nakikita, lalapit sana siya dito para punasan ang mga luha na naglandas sa mapupulang pisngi nito ngunit bago pa man siya makalapit ay umiwas na ito. “Don’t.” umatras siya at hinayaan lamang ang dalaga na umiyak. “Alam ko na. Just do what you need to do. I want you to be happy.”
Totoo ba ang narinig niya? Bakit pakiramdam niya ay pinapalaya siya nito. “Chan?”
“I know you still love her, alam ko rin na minahal mo rin ako but I don’t want to be selfish anymore, I’ve already caused you too much pain.” tumingin ito sa mga mata niya, “Raffy, I’m sorry for ruining your happiness. I know I’m too selfish for wanting you.”
“Anong sinasabi mo?”
“I saw you with her—with Kristle. I followed you, nakita ko kayo sa labas ng bar. I saw the way you looked at her, ibang iba sa tingin mo sakin. Akala ko kaya ko siyang palitan diyan sa puso mo pero siya parin pala.”, mas bumilis ang pag-agos ng luha sa mga mata nito, “Don’t worry, Raf. Handa na ako. I’m setting you free, that’s how much I love you.”
Hindi na niya napigilan ang mga luha sa pag-uunahang bumagsak mula sa mga mata niya, niyakap niya ang dalaga. “I don’t know what to say, Chan.”
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...