Inayos muna ni Raffy ang sarili bago pumasok sa condo nila ni Chantelle, ayaw niyang makita nitong namumugto ang mga mata niya ayaw niyang magtanong pa ito dahil wala siyang lakas ng loob sabihin na nagkita na sila ulit ni Kristle. Pagkapasok niya sa loob ay kaagad siyang nagpunta ng banyo para makapagpalit at makapaghilamos pagkatapos ay hinanap niya ang kasintahan. Nakita niya itong nasa kusina at naghahanda ng pagkain nilang dalawa, naguguilty siya at kailangan pa niyang maglihim sa dalaga, dapat naman talaga siyang maguilty dahil totoo namang tinatraydor niya relasyon nila ni Chantelle.
Niyakap niya ito mula sa likuran, hinalikan niya muna ang pisngi ng dalaga saka inihilig ang ulo sa balikat nito. Pumikit siya habang patuloy paring nakayakap sa likuran ng dalaga, she can smell the relaxing scent of her soft skin. Iiwasan na niya si Kristle, hindi siya makakapayag na masaktan pa siya nito o masira nito ang magandang relasyon niya kay Chantelle.
Kinabukasan, coding siya kaya naman si Chantelle ang naghatid sa kanya sa office. Bago ito umalis ay pinabaunan niya ito ng isang mahigpit na yakap at isang halik sa mga labi, hindi siya umalis sa tapat ng building hangga’t hindi naglalaho ang kotse ng dalaga sa paningin niya.
“Girlfriend mo?” kilala niya ang nagsalita, si Kristle. Bakit ba hindi siya tinitigilan ng dalaga? Hindi pa ba kuntento ito na nasaktan na siya noon at gusto pa nitong durugin lalo ang puso niya ngayon.
Inayos niya ang sarili, tinanggal niya ang ngiti sa mga labi saka nilingon ang dalaga, “Yes.” humakbang na siya papasok sa loob ng building.
“Let’s talk, Raffy!” sinundan siya nito. “Bakit ba nagagalit ka sakin?”
“I don’t need to explain anything, we have nothing to talk about, Miss.” hindi parin siya nagpapakita ng kahit anong emosyon, pwede na siyang awardan bilang best actress sa galing ng pag-arte niya. Kailangan niyang tiisin at kontrolin ang sarili.
“Hindi ko alam kung bakit galit ka sakin—“ pinutol niya ang sasabihin nito.
“Seriously?! Stop pretending, Kristle. Wag ka ng magpanggap dahil wala akong oras sa mga taong katulad mo! Get lost!” hindi naman talaga siya naiirita sa babae kundi sa sarili niya, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito nalamang ang epekto ng dalaga sa kanya.
Nasa tapat na sila ng elevator, nilingon niya ang dalaga na tila wala siyang choice kundi lingunin ito hanggang hindi pa nabukas ang pintuan ng elevator. Natunaw ang bakal na ipinalibot niya sa puso ng makita ang itsura nito, naglaho ang matapang na itsura nito at nakita niya ang babaeng inalagaan niya sa loob ng mahigit labing limang taon. Nakasandal na ito sa pader na tila humuhugot ng lakas doon para makatayo, umaagos sa mga mata nito ang ilang patak ng luha. Nakatingin lamang ito sa kanya, alam niyang nasaktan niya ito sa mga nasabi niya at huli na para pagsisihan pa niya iyon.
Nilapitan niya ito, hindi niya rin kayang nakikitang nasasaktan ito. Iniangat niya ang kamay niya, pinunasan niya ang luha nito gamit ang likod ng palad niya. “Hush, baby.” alo niya dito. Puno man ng sama ng loob, hindi magawang magalit ni Raffy sa dating kasintahan.
Wala paring imik ang dalaga, hinawakan niya ito sa kamay at iginaya papasok sa elevator paakyat sa opisina niya. Sumusunod lamang sa kanya ang dalaga.
Pagkatapos paalalahanan ang sekretarya niya na wag silang iistorbohin sinarado niya ang pinto at siniguradong walang makakakita o makakarinig sa kanila mula sa labas. “Now let’s talk.” baling niya sa dalaga. “Look, Kristle. My life is perfect, I’m happy with Chantelle,” nagbaba siya ng tingin dahil ayaw niyang makakita ito ng kahit anong bahid ng pagpapanggap mula sa kanya, “I’m sorry, I didn’t mean to be rude.”
Nasaktan niya ang dalaga sa mga nasabi niya kanina, hanggang ngayon makikita parin sa mata nito ang lungkot. Nangako siya noon na poprotektahan niya ang dalaga at hindi niya ito sasaktan, nilapitan niya ito. Nakamasid lamang ito sa kanya habang patuloy niyang tinatanggal ang distansya sa pagitan nila. Few inches away, she can hear her heart beating rapidly. Hinawi niya ang buhok nito na tumabing sa napakagandang mukha nito. She missed her so much. Niyakap niya ang dalaga, gusto niyang miski sa simpleng yakap ay maramdaman nito ang sinisigaw ng puso niya. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng kalamnan nito. Nagulat siya ng maramdaman ang bisig nito na nakapalibot narin sa kanya.
Ilang minuto silang nanatili sa ganoong posisyon ng marinig niya itong nagsalita, “Who are you, Raffy?” tanong nito. “Bakit galit na galit ka sakin?” hindi parin inaalis ang mga bisig sa isa’t isa.
“How could you forget me?” dama sa boses niya ang hinanakit.
Iniangat nito ang mukha at tumingin ng diretso sa mga mata niya, nanatiling parin ito sa pagkakayakap sa kanya. “Naaksidente ako noon. Pagkagising ko, wala na akong matandaan. Now tell me, sino ka, Raffy? Sino ka dati sa buhay ko?”
Hindi niya sinagot ang tanong nito, “Are you happy—do you love him?”, gusto niyang malaman kung mahal ba nito ang kasintahan nito. Hindi niya sasabihin kung sino siya kung malalaman niyang masaya na ang babae sa buhay nito ngayon, sapat na sa kanyang makitang maayos ito kaysa magulo niya ulit ang buhay nito.
Matagal nitong tinitigan ang mga mata niya, nangingilid muli ang mga luha nito. “I’m—I’m getting married.”
Sapat na ito para tumulo ang masaganang luha sa pisngi niya, pinilit niyang ngumiti kahit alam niyang halata sa mukha niya ang matinding sakit. “Lagi mo lang tatandaan, mahal na mahal na mahal kita. Hindi ka nawala dito.” itinuro niya ang puso.
Tumulo na ang luhang pinipigilan nito kanina pa, “Hush. Don’t cry, baby.”, hindi na siya nagpaalam sa dalaga, sa huling pagkakataon gusto niyang matikman muli ang mga labi nito. Hinawakan niya ang baba nito at unti unting inilapit ang mukha sa dalaga. Alam niyang hindi nawala ang pagmamahal niya dito sa loob ng maraming taon.
Nang maglapat ang kanilang mga labi, wala siyang nakitang pagtutol sa dalaga. They shared a very passionate kiss, bago pa siya mawala sa sariling pag-iisip ay tinapos na niya ang halik. “I’m your bestfriend.”
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomantikSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...