“What are you doing here?” hindi na siya nagtaka kung bakit pinapasok ito ng mga maids nila, bata palang kasi sila kilala na ito sa doon. Ang mas ipagtataka niya ay kung anong ginagawa nito sa kanila ng ganoong kaaga.
Hindi sumagot si Kristle, tinignan lang siya nito ng mataman. Siya naman ay nakatingin lang din sa dalaga. Namiss niya ito ng sobra, kung hindi lang siya magpipigil baka sinunggaban na niya ito ng yakap at baka paliguan pa niya ito ng halik. Pero hindi, kailangan niyang kontrolin ang sarili niyang emosyon. Mas mabuti na yung nag-iingat baka pagtripan na naman siya ng baklang kupido at magkandaletse letse na naman ang buhay pag-ibig niya.
Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata nito. Napansin niya ang malaking ipinayat ng dalaga, ang dating masisiglang mga mata, ngayon ay punong-puno ng matinding kalungkutan.
Hindi nagtagal ay bumagsak na ang luhang kanina pa nagbabadya sa sulok ng mga mata nito. Hindi kinaya ni Raffy ang nakikita kaya naman nagbaba siya ng tingin at pumikit. Masakit para sa kanya ang nakikitang nasasaktan ito lalo pa at alam niya na siya ang dahilan ng paghihirap nito.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nanatili sa ganoong posisyon ng biglang may maiinit na bisig ang mahigpit na yumapos sa kanya. Hindi na niya napigilan na umiyak, niyakap niya ito ng ubod ng higpit.
“Hush, baby! Namimiss din kita. God knows how much I missed you! Don’t cry, babe.” pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at ginawaran ng banayad na halik ang noo ng dalaga.
“I’m sorry, babe. Kung ano mang nagawa ko sayo please patawarin mo na ako.” Naluluha paring sabi ni Kristle.
“Hindi ikaw ang may kasalanan. Stop crying, wag ka ng umiyak.” alo niya sa dalaga habang yakap parin ang isa’t isa.
“Nagpaalam ako sa bahay na dito ako matutulog.” nakangiti ng sabi ni Kristle.
“Aba! Paano ka naman nakasigurado na dito kita patutulugin?” pang-aasar niya habang tinatago ang kilig sa boses.
“Saan mo ako patutulugin?” nagpapacute na sabi ng dalaga.
“May choice pa ba ako? K, fine! Sleep here.” nangaasar paring sabi niya.
Napuno ng kwentuhan at kulitan ang buong bahay ng araw na iyon. Nagswimming, nagkaraoke at nagmovie marathon sila habang walang humpay ang kwentuhan ng dalawa. Para silang lovers na nasa LDR, pagkatapos ng napakahabang panahon na hindi nagkita ayun lumalabas ang pagkasabik nila sa isa’t isa.
Nang gabing iyon, Chancing mode enabled ang drama ni Raffy. Ang sweet naman kasi ng posisyon nila, dilim na dilim ang kwarto at tanging TV lang ang pinanggagalingan ng liwanag.
Idinantay ni Kristle ang ulo nito sa balikat niya, nakayakap ang mga bisig habang siya ay ngingisi-ngisi at galak na galak sa isang tabi, hindi makapagfocus sa movie na pinapanood nila. “LIFE!” usal niya.
Nang mapansin niyang tulog na ang dalaga, kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Iniayos niya ang pagkakahiga nito at nahiga narin sa tabi. Niyakap niya ito at kinintilan ng halik sa noo.
“Goodnight, I love you baby.” bulong niya sa natutulog na dalaga.
“Night baby. I love you more. Wag mo na kong iiwan.” sagot ni Kristle, iniangat nito ang mukha at kinintilan siya ng halik sa mga labi.
Nagulat si Raffy sa ginawa ng dalaga, ang akala ba niya siya ang Chancing mode? Feeling agrabyado man, wala na siyang nagawa dahil ng tapikin niya ang dalaga, tulog na tulog parin ito at nakasiksik parin ang ulo sa balikat niya.
“Ako na agrabyado.” Kilig na kilig na bulong niya sa isip.
Last day ng semester, nakatanggap siya ng paanyaya galing sa mga kaibigan. Gusto ng mga ito na magpalipas ng tatlong araw sa Zambales, pwede rin daw siyang magsama ng iba pang kaibigan kung gusto niya dahil kasama ng mga ito ang kanya kanya nitong mga kasintahan.
Dali dali naman niyang hinanap si Kristle, sino pa nga ba ang gugustuhin niyang makasama kundi ang kanyang mahal. Nakita niya ang dalaga sa may pasilyo malapit sa library.
“Baby!” sigaw niya. Hindi kasi sila sanay na magtawagan gamit ang first name.
Agad naming naglingunan sa kanya ang iba pang mga mag-aaral tila ba takang-taka ang mga ito kung sino sa kanila ang tinawag niya. Huminto naman si Kristle at agad na lumingon sa direksyon niya. Nilapitan niya ito habang nakapaskil parin ang ngiti sa maamong mukha ng dalaga.
Simula ng naging magkaayos sila naging mas sweet at maalaga ito sa kanya. Hindi narin nito binabanggit si Lawrence, wala na rin siyang nakikitang sign na nagkakausap pa ang mga ito. Marahil batid ng dalaga na nagseselos siya sa binata. Nalaman din niya na hindi nito sinipot ang birthday ng binata dahil hindi raw siya makakasama.
“Babe, bakit?” tanong ni Kristle.
“Aayain sana kita sa Zambales, may 3 days trip kami nila Sab, Tif at Chan. I want you to come with us. Sa Monday ang alis.” sagot niya. “I won’t take no for an answer.” dugtong niya ng mapansing nag-aalangan ang dalaga.
“K, fine. May choice pa ba ako?” natatawang sagot ni Kristle.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...