Forevermore - Chapter 23 (A Lesbian Love Story)

26.8K 337 18
                                    

Simula ng nakita ulit ni Raffy si Kristle dalawang araw na ang nakakalipas, hindi na pinatahimik ng dalaga ang isipan niya, maraming tanong ang nadagdag sa isipin niya. Nilalabanan niya ang kagustuhan na kausapin ulit ito dahil sa napakaraming rason, una na dito ang nasaktan siya nito noon, pangalawa ay hindi pa niya sinasabi kay Chantelle na nakita niya ulit si Kristle at huli, wala siyang tiwala sa sarili niya; makita pa lamang niya ang dalaga ay nagsomersault na ang buong sistema niya. Hindi niya alam kung ano ang kapasidad niya kapag nandiyan ang babae, baka makagawa lamang siya ng bagay na hindi niya sinasadya, bagay na pagsisisihan niya sa huli.

Ipinilig niya ang kanyang ulo, sumasakit ang kanyang sentido dahil sa kakaisip sa dating kasintahan. Kailangan niya ng break. Nang masiguradong wala na siyang kailangang tapusing trabaho, lumabas siya ng opisina at nagsimulang tahakin ang kahabaan ng Roxas blvd. Pasado alas-singko na ng hapon ng makarating siya sa destinasyon niya, ang seaside sa Mall of Asia. Naalala niya noon, madalas nilang puntahan ito ni Kristle – ‘right, Kristle na naman!’, saway niya sa sarili.

Umupo siya sa may batuhan kung saan sila nagcelebrate ng first monthsary nila, naalala niyang binilihan pa siya nito ng isang maliit na cake na may kandila sa gitna. It was one of the most precious times of her life, naglabas siya ng malalim na buntong hininga para mawala ang mabigat na pakiramdam.

Iniiwasan niya ang lugar na iyon, ayaw niyang maalala ang lahat mga nangyari sa kanila ng dating kasintahan pero hindi niya napigilan ang sariling doon magpunta. Nakatitig lamang siya sa papalubog na araw, it was so calm and peaceful. Nanatili pa siyang nakaupo doon at nakatitig lamang sa payapang dagat habang patuloy na lumulubog ang araw sa pagitan ng kulay kahel na kalangitan.

“Ganito pala ang past time ng isang Raffaela Dela Vega?”, nagulat si Raffy ng marinig ang isang pamilyar na boses sa likuran niya. Nang lingunin niya ito, nakita niya ang taong dahilan kung bakit gulong gulo ang isip niya ngayon. Sa dinamirami ng lugar na pwedeng puntahan nito, bakit doon pa kung saan naroroon siya? Bakit ngayon pa?

Nagsomersault ang puso at kalamnan niya ng makita ang suot nito, simpleng kulay red na t-shirt at doll shoes na pinartneran ng kulay puting shorts na mas lalong nagpatingkad sa malaporselana nitong kutis. Mas nakadagdag sa ganda nito ang wavy at mahabang buhok nito.

Bumaba ang tingin niya sa legs nito, her weakness, nanunuyot ang lalamunan niya habang hinahagod ng tingin ang mahahaba nitong biyas. Hindi naman nakaligtas dito ang nakakatawang itsura niya, nanlalaki parin ang mga mata niya habang nakatitig lang sa binti nito.

“Miss Dela Vega, kung pwede lang kitang idemanda ng sexual harassment dahil sa klase ng tingin mo ginawa ko na.” pangaasar nito sa kanya. Napatingin siya sa mukha nito, hindi naman nakatulong sa kanya ang ginawa niya dahil mas lalo siyang nabighani sa napakacute na pagkakanguso nito habang nagsasalita.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha, sa malamang ngayon ay nagkukulay kamatis na siya dahil sa sobrang pagkapahiya. “I’m sorry.”, yan nalang ang nasabi niya saka tumalikod at tumingin ulit sa dagat.

Nang hindi na niya narinig ang boses nito, nanlulumo man ay mas ipinagpasalamat niya na umalis na ito hindi na kasi niya maintindihan kung bakit paulit ulit niyang ipinapahiya ang sarili sa harapan nito. Lumipas ang halos limang minuto habang tuluyan ng lumalatag ang kadiliman sa kalangitan, nagulat siya ng muling nagsalita ang dalaga sa likuran niya.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon