Sampung minuto bago ang alas-siyete, nakatanggap si Kristle ng mensahe galing kay Raffy . Hinihintay na siya ng dalaga sa baba, napagkasunduan kasi nilang sabay silang maghahapunan ngayong gabi. Natanaw na niya kaagad ang dalaga na nakasandal sa kotse nito pagkalabas niya ng building, kumaway ito sa kanya na sinalubong naman niya ng ngiti. Nang makalapit dito, agad na pinagbuksan siya nito ng pinto at sumenyas na maupo sa passenger seat.
Dinala siya ni Raffy sa isang Persian restaurant sa may Ortigas. Maganda ang lugar, kaunti lamang ang mga tanog kumakain na naabutan nila, bukod sa mga lamesang kahoy na nakakalat bawat sulok ng restaurant may nakita rin siyang tatlong elevated na cubicle na carpeted ang sahig, sa gitna nito ay may lamesang may butas sa gitna na nilalagyan ng ‘shisha’, walang upuan sa paligid nito dahil sadyang ginawa itong ganoon para makapag-indian seat ang mga kakain sa paligid nito. Pumuwesto sila sa pangalawang cubicle. Matapos kunin ang order nila ng waitress ay nagsimula na silang magkwentuhan.
Nag-enjoy naman sila sa pagkain at kung ano anong napag-uusapan nila. Komportable na siya sa dalaga, feeling niya ay matagal na matagal na niya itong kilala. Marami siyang nalaman tungkol dito katulad ng pananatili nito sa France ng halos limang taon, kung paano sila nagkakilala noong elementary sila at kung gaano sila kaclose noon. Wala siyang maalala sa mga sinasabi nito pero naniniwala siya sa sinasabi ng dalaga, para siyang nakatagpo ng isang taong kilalang kilala siya, alam nito ang paborito niyang pagkain, ang genre ng musika na pinapakinggan niya, ang paborito niyang kulay at paborito niyang libangan.
“How’s Tita and Tito nga pala?”, tanong nito sa kanya habang pinupunasan nito ang gilid ng labi gamit ang table napkin.
“Okay naman sila, sa Bataan na sila ngayon nakatira.”, sagot niya.
“Mag-isa ka lang dito sa Manila?”
“Matagal na kong mag-isa dito. After kong maaksidente siguro ilang buwan lang bumalik na sila doon. Si inay lang ang madalas bumisita sakin dito, si tatay naman hindi na kami nag-uusap.”, hindi siya komportableng pag-uusapan ang pamilya niya, ang nanay lang kasi niya ang masasabi niyang kapamilya, ito lang kumakausap sa kanya. Hindi niya alam kung anong problema ng tatay niya sa kanya, ilang beses na niyang sinubukang kausapin ito ng masinsinan pero madalas ay bigo siya dahil palagi niya itong naaabutang lasing o kung matino man ay nakikipag-iinuman naman ito.
“Gaano na kayo katagal ng girlfriend mo?”, pag-iiba niya sa usapan.
“2 years.”, tipid na sagot nito.
“Matagal ka na bang—“, hindi niya maituloy ang sasabihin niya, pinakikiramdaman niya ang dalaga kung ayos lamang ba dito ang magtanong siya tungkol sa kasarian nito.
“Lesbian?”, dugtong nito, marahil ay naramdaman nitong naiilang siyang magtanong. Tumango lamang siya dito bilang pagsang-ayon.
“Matagal narin, hindi naman talaga ako nagkakagusto sa guys. Yes, I’m attracted to them but not as much as I’m attracted to girls romantically.”
“Nakailang girlfriends ka na? Ilan na ang pinaiyak mong babae?”, sinamahan niya ng tawa ang tanong niya para mas magmukhang biro.
“Believe it or not, sa gwapo kong ito,”, itinaas nito ang isang kilay habang tinapik ng hinlalaki nito ang ilong habang nagsasalita, pinapungay din nito ang mga mata, “,nakakadalawang girlfriends palang ako pangalawa si Chantelle at wala akong pinapaiyak.”, natatawang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...