“Yes, I like him but that doesn’t mean I want to be with him.” said Kristle.
Gumuho ang mundo ni Raffy sa narinig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil walang balak itong sagutin ang lalaki o maiyak dahil nalaman niyang may ibang gusto ang dalaga. Ang tanging alam niya, mas lalo siyang nawalan ng pag-asang tugunin nito ang nararamdaman niya.
“You like him.” ulit ni Raffy “Bakit hindi nalang kayo?!” umiwas narin ng tingin ang dalaga dahil ano mang sandali tutulo na ang luha niya. Nasasaktan talaga siya. Sa loob ng 13 years, wala siyang ibang minahal kundi ang bestfriend niya. Bakit ba hindi niya naisip na pwedeng magmahal ito ng iba? Na iba nga pala ang pagmamahal para sa kaibigan sa pagmamahal ng isang kapareha.
“Kaibigan ko lang siya.” ani Kristle.
Hindi na nagsalita pa si Raffy hanggang sa maihatid si Kristle sa bahay nito sa Project 6.
Nagpaalam ito sa kanya bago bumaba ng sasakyan pero hindi parin siya umiimik. Dadaanin muna niya sa cold treatment ang dalaga hangga’t hindi pa stable ang isipan niya.
Nanatili lang siya sa loob ng kotse at ibinuhos lahat ng luha na kanina pa niya nais pakawalan. She’s miserable, para siyang batang inaagawan ng lollipop. Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak at humikbi dahil wala siyang lakas ng loob aminin ang nararamdaman para sa dalaga. Nanatili siya sa ganung posisyon ng biglang narinig ang alert ng cellphone niya.
Nagtext ang mahal niya,
“Please talk to me. I love you, baby. :’(
Feeler siya. Minsan kasi feeling niya hindi lang kaibigan ang turing nito sa kanya pero sa ganitong sitwasyon lalo na pag nadadala siya ng selos biglang nawawala ang pagiginig feelingera niya.
“Not in the mood to talk, babe.”
sagot niya
Umuwi siya ng bahay na puno ng isipin, isang solusyon lang ang nakikita niya. Iiwasan niya ito baka sakaling mawala ang sweet and sour na pakiramdam niya.
Hindi naging mahirap para sa kanya na iwasan si Kristle, special thanks to her Profs, dahil ng mga sumunod na araw naging busy siya sa duguang mga school projects ng mga baklang prof niya.
Sinabi rin niya na hindi niya muna ito masusundo, madalas ay nagdadahilan siya na may kailangang tapusing proyekto sa bahay ng classmate niya.
Madalas parin siyang nakakatanggap ng text messages mula rito. Walang oras na hindi ito nagtetext para paalalahanan siyang wag magskip ng kain. Malimit din nitong sabihin na namimiss na siya nito at sana ay ayusin na nila ang problema.
Dalawang linggo ang matuling lumipas, hindi parin sila nagkakausap. Hindi naman talaga nabawasan ang pagmamahal niya para dito. Sadyang pinahihirapan lang talaga niya ang sarili dahil hanggang ngayon hindi parin niya alam ang solusyon kung paanong sisikilin ang damdamin para sa dalaga. "Letseng mga baklang cupids! Di na effective." reklamo niya.
Timog Avenue – 10:00 PM
Sabado, kaya naman hindi na siya tumanggi ng ayain siyang magparty ng tatlong sosyalerang kaibigan na nagmula din sa mga may sinasabing angkan.
Si Isabelle Saavedra, apo ng isang kilalang may ari ng isang construction company, Chantelle Tan, tagapagmana ng isang malaking Pharmaceutical company na naka-base sa loob at labas ng bansa at si Tiffany Razon ang bunso sa pamilya na nagmamayari ng iba’t ibang 5 star hotels and casino sa bansa.
Matagal na silang magkakaibigan pero hindi ganung kadalas ang pagkikita-kita nila palagi rin kasing punuan ang schedules ng tatlo at tanging si Chantelle lamang ang madalas maglaan ng oras para sa kanila.
Sa may Timog sila gumimik, pag-aari ni Tiffany ang lugar kaya naman kasama sa priviledges nila ang gamitin ang VIP lounge ng bar.
“Raf, how’s your love life? Still in love with your bestfriend?” tanong ni Isabelle.
Matagal na niyang naamin sa mga ito ang totoong pagkatao niya. Alam naman kasi niya na sila lang ang mga kaibigang mapagsasabihan niya ng hindi siya huhusgahan. Hindi naman siya nagkamali, buong puso nilang tinanggap ang pagkatao niya.
“Still? Yes, but we’re not in talking terms.” sagot niya.
“What happened? Akala ko ba feeling mo she likes you din.” sabat naman ni Tiffany.
“Let’s not talk about her, girls. Let’s just enjoy the night, diba Chan?” umiiwas na sagot niya.Tumango naman ang dalaga kasabay ng matamis na ngiti bilang pagsang-ayon.
Si Chantelle ang pinaka-maganda sa tatlo niyang kaibigan, matangos at makipot ang ilong nito, manipis ang kulay mansanas na mga labi, matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang kulay brown nitong buhok, para itong human-sized na Barbie doll. Natatandaan pa nga niya, ito ang una niyang sinabihan tungkol sa nararamdaman niya para kay Kristle, isang text niya lang dito alam niyang pupuntahan kagad siya nito.
Lumipas ang dalawang oras. Nauna ng umuwi si Isabelle, may lakad pa raw ito bukas kasama ang boyfriend. Lasing na sila ni Tiffany, at kanya kanyang sayaw na ang ginagawa sa dance floor. Si Chantelle naman ang tagapag-alaga ng grupo, madalas kasing naiiwan itong sober dahil natatakot ito na baka kung mapaano sila sa daan.
Bandang 2 am ng umaga sila nagkapasyang umuwi. Inintay lang talaga nilang dumating ang boyfriend ni Tiffany para sunduin ang dalaga. Pagkatapos ay bumiyahe na silang dalawa ni Chantelle pauwi sa bahay nila sa isang kilalang subdivision sa Quezon Ave.
“You know w-hot, Chan? D-i ak-o mahal ni Kris-tle ee.” magkahalong lasing at antok na sabi ni Raffy “She only likes me as a friend –- hik – hang—gang dun lang.” tuluyan ng nakatulog ang dalaga.
“Raf, we’re here. Wake up.” ani Chantelle habang tinatapik ang magkabilang pisngi ng kaibigan. Nang masiguradong tulog na tulog ang ito, tinitigan niyang mabuti ang maamong mukha ng nito habang nakahawak parin sa magkabilang pisngi.
“Sana ako nalang. I wish you’d love me the way you love her.” mariing napapikit ang dalaga at dahan-dahang hinalikan ang mapupulang labi ng natutulog na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...