“I can’t do this Kristle,“ tinanggal ni Raffy ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga, nag-ipon muna siya ng lakas bago humarap sa babae, “marami tayong masasaktan hindi na tayo katulad ng dati, marami ng nagbago at hindi ko kayang saktan si—Chantelle.”, kahit mahal niya si Kristle hindi niya magagawang saktan ang kasintahan na tanging naging sandigan niya. Nag-iwas siya ng tingin ng makita ang matinding kalungkutan sa dating kasintahan, hindi na ganoon kadali ang sitwasyon nila marami ng taon ang lumipas at may kanya kanya na silang buhay. Kailangan niyang gawin kung anong tama at sa oras na iyon ang tamang naiisip niya ay huwag tugunin ang tunay na nararamdaman.
“I understand, naiintindihan ko kung hindi mo na ako mahal.” kahit na umiiyak ito ay binigyan parin siya ng isang pilit na ngiti, “I wish I could fight for you, gusto kong ipaglaban yung nararamdaman ko para sayo, I guess it’s too late to do that.” tinanggal ng dalaga ang kwintas na suot nito at inalis ang singsing na nakasabit dito, “I’m giving this back.” kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa kamay niya ang singsing, tumingkayad ito at inilapit ang bibig sa tainga niya, “I’m sorry for not keeping my promise, I wish we could spend our ‘Forevers’ together the way we promise.” tumitig ito sa mga mata niya, “Mahirap paniwalaan pero simula ng makita kita alam kong ikaw yung nawawalang parte ng buhay ko, simula ng maaksidente ako hinahanap ko na yung kulang. Hindi ka man maalala nito,” itinuro ng dalaga ang sentido, “pero ang puso ko, kilalang kilala ka.” masagana ang patak ng luha sa mga mata nito. Hindi na siya hinayaan nitong sumagot, tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad palayo.
Naiwan siyang hindi makagalaw, gusto niyang pigilan ang dalaga pero sa tuwing maiisip niya si Chantelle at ang mga taong masasaktan nila nakakaramdam siya ng panghihina ng tuhod. Nawala ito sa paningin niya ngunit siya ay nanatiling nakatayo lamang habang ibinubuhos lahat ng luha na kaya niya. Tapos na ang lahat sa pagitan nila at wala na siyang magagawa kundi tanggapin ito, panindigan ang desisyon niya.
“Hon, you seem distant these past weeks.”sabi sa kanya ni Chantelle. Ilang araw na ang lumipas simula ng ibalik sa kanya ni Kristle ang singsing pero hanggang ngayon ay nilalabanan parin niya ang kalungkutan na nararamdaman. Hindi niya maiwasang maglagay muna ng distansya sa pagitan nila ng kasintahan, pakiramdam niya kasi sa tuwing naiisip niya si Kristle ay nagtataksil siya dito. Gusto niyang sabihin sa dalaga kung anong bumabagabag sa kanya ngunit namamayani ang matinding takot na baka hindi nito maintindihan ang sitwasyon niya, kahit pa ang rason niya ay para maprotektahan ito. Alam niyang nasasaktan parin niya si Chantelle, iniisip na lamang niya na malalagpasan din niya ang pangungulila kay Kristle at mababalik ulit sila sa dati ni Chantelle.
“Hon, I’m sorry if I seem away. Marami lang akong kailangang isipin. I’ll make it up to you, just give me few days to sort things out.” kasalukuyan silang nasa balkonahe, kakauwi lang niya galing sa trabaho. Nitong mga nagdaang araw ay isinubsob niya ang sarili sa trabaho para makalimutan si Kristle kaya naman naubusan narin siya ng panahon para sa kasintahan.
“Tungkol ba ‘to sa case mo?” tanong ulit nito sa kanya, tumango na lamang siya para sumangayon, ayaw na niyang humaba pa ang pag-uusap nila dahil ayaw niyang may masabi siyang hindi makakabuti sa kanila. Niyakap siya nito at hinalikan ang mga labi niya, naging mapusok at nagsimulang maglakbay ang kamay nito papasok sa loob ng damit ngunit itinulak niya ito ng kaunti dahil ayaw niyang may mangyari sa kanila na ang laman ng isip niya ay si Kristle. Kita niya sa mukha nito ang pagkadismaya, “Hon, I can’t do this right now, I hope you understand. I promise I’ll make it up to you.” tumalikod na siya at nagtungo sa banyo para maghanda sa pagtulog.
Kinabukasan, nakatanggap siya ng tawag mula sa bagong lawyer na hahawak daw ng kaso niya. Inaasahan na niyang gagawin ito ni Kristle, mas makakatulong nga naman sa kanila na hindi na sila magkita pero hindi niya maiwasang wag masaktan, hindi na sila magkikita ng dalaga at wala ng dahilan para magkita silang muli.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...