Don't forget to play the song on the right side while reading the letter. :)
Tatlong araw na simula ng huling makausap ni Raffy si Kristle, ilang beses siyang nakareceive ng text mula sa babae, gusto raw siyang makausap nito ngunit hindi niya magawang sagutin dahil iniisip niya si Chantelle.
Tinungo niya ang dating condo nila ni Kristle. Simula ng makabalik siya galing France, lingid sa kaalaman ng kasintahan, doon na niya itinambak ang lahat ng ala-alang naiwan sa kanya ni Kristle, itinago niya ang mga ng bagay na pwedeng makapagpaalala sa kanya tungkol sa dalaga at ang pagmamahal niya para dito. Masakit para sa kanya ang balikan ang lugar na iyon at mas masakit sa kanya ang pilitin na ang sariling kalimutan ang mga bagay na higit na nagpasaya sa kanya.
Nakita niyang muli ang lahat ng mga larawan, ang mga regalo nito, dating mga gamit at ang mga lumang damit na naiwan nila. Ang plato na madalas nilang pagkainan, ang jacket na hinanap nila sa kasuluksulukan ng mall para lamang magkaron sila ng couple jacket sa pagpunta nila sa baguio, ang couple slippers, doll shoes, shirts, stuff toys at kung ano ano pang kasweetan nila noon. Tanging ang unan lamang na binigay nito ang dinala niya sa condo nila ni Chantelle.
Inisa-isa niyang ligpitin lahat ng gamit na itinago niya sa loob ng mahabang panahon dahil sa pag-asang babalikan siya nito at tutuparin ang pangakong mamahalin siya ng panghabang buhay.
Isa lamang ang rason kung bakit siya pumunta sa lugar na iyon, hindi upang maalala ang lahat ng pinagdaan nila noon bagkus ay para bitiwan na lahat ng rason kung bakit hindi niya magawang mahalin ng lubusan si Chantelle. Nilapitan niya ang kahon na nakalagay sa sulok ng kwarto, binuhat niya ito at umupo sa dati nilang kama. Hinayaan niya ang sariling pakawalan ang mga luha ng makita ang isang picture, larawan ito ng dalawang taong nagmamahalan ng lubusan; nakayakap ito sa likuran niya habang nagluluto siya ng panghapunan nila, napangiti siya ng makita ang saya sa mukha nito habang nakapatong sa balikat niya ang baba at nakamasid lamang sa pagluluto niya, hindi maipagkakaila sa mga larawan nila ang pagmamahalan sa isa’t isa. Sa ilalim ng kahon nakapatas ang mga sulat na binigay sa kanya ng dalaga.
“Baby Girl,
Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal na mahal kita, ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, ang unang makikita ko pagkagising ko sa umaga at ang huling makikita ko sa pagpikit ko sa gabi, ang papakasalan ko, ang tanging taong pwedeng magkiss sakin at magpower hug, ang makakasama ko sa pagbuo ng sariling pamilya habang magkatuwang nating aalagaan ang mga babies natin, sabay nating ihahatid sa school pagkatapos sabay tayong papasok sa work at sabay din nating susunduin at uuwi sa bahay, tayong dalawa ang sasaway sa kanila kapag may ginawa silang kalokohan o kapag naging sutil sila, gusto kong maging kamukha mo ang babies natin. Ikaw din ang gusto kong makatabi hanggang sa kulay puti nalang ang matira sa kulay ng buhok natin, aalalayan natin ang isa’t isa kapag humina na ang tuhod, ang susuklayan ko kahit nakakalbo na, ang kasama ko tuwing magpapacheck-up tayo dahil sa sakit ng mga buto at kalamnan, ang makakasama ko hanggang sa huling hininga ko. Neither death nor life can separate us, baby. Palagi mong tinatanong sakin, paano kung makalimutan mo na mahal kita, don’t worry beb, papaalala ko sayo palagi. Hinding hindi kita iiwan at hindi rin kita kayang kalimutan. You will always be my one and only, my honey pie, buko pie, apple pie, pizza pie at miski ‘pi’ sign pa yan. I love you so much, palagi mong tatandaan yan.
Forever yours,
Kristle :*♥
Matapos basahin ni Raffy ang sulat ay agad na tinakbo niya ang kotse niya at pinatakbo papunta sa bahay ni Kristle. Hindi siya pwedeng makalimutan nito. Huminto siya di kalayuan sa tahanan ng dalaga, napasubsob siya sa ng maalala niya si Chantelle. Ano nga bang dapat niyang gawin? Gulong gulo na ang utak niya, alam niyang mahal niya si Kristle pero maraming tao ang masasaktan, ayaw niyang saktan si Chantelle.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...