Lingid sa kaalaman ng lahat pinakiusapan ni Raffy si Mang Tacio bago ito umalis pabalik sa bayan. Pinaabot niya sa matanda ang isang sulat para sa isang kaibigan na tutulong sa kanya mamaya, may inihanda kasi siyang surpresa para kay Kristle.
Pagsapit ng alas-siyete ng gabi dumating na nga ang mga hinihintay niya. Pagkasampa pa lamang nila sa yate, they heard violins playing their favourite song, Forevermore. Naramdaman din nila ang pag-andar ng makina ng yate at nagsimulang maglayag papunta sa kalagitnaan ng karagatan.
Iginayak niya ang kapareha paupo sa lamesang napapalibutan ng napakaraming pulang talulot ng rosas, sa gitna nito ay may tatlong kandilang magsisilbing tanglaw nila para sa isang romantikong hapunan.
“Baby, ano ‘tong gimik na ‘to?” manghang tanong ni Kristle habang bakas sa mukha ang matinding pagkagulat.
“I want to surprise you, bie. Nagustuhan mo ba? Never pa kasi tayong nagdate, I want it to be as memorable as possible kaya expect a lot of gimiks tonight.” sabay kindat sa dalaga habang nagsimula ng iserve ng mga waiters ang hapunan.
Nang matapos silang kumain, iginiya niya ang dalaga patayo papunta sa balkonahe at nagsimulang sumayaw habang ibinubulong sa dalaga ang lyrics ng kanta.
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world
You’re all I need to be with forevermore.
All those years I’ve longed to hold you in my arms
I’ve been dreaming of you Every night,
I’ve been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine
I just can’t believe that you are mine now
Patuloy parin ang tugtugin, lumuhod siya sa harap ng dalaga, “Bie, let’s spend our forevers’ together.” naglabas si Raffy ng isang maliit na itim na box “Accept this ring as a sign of my endless love. I promise I would never ever hurt you nor leave you. Baby, mahal na mahal kita. Kahit dumating ang araw na itaboy mo man ako, lagi mong tatandaan ikaw lang ang laman nito.”itinuro niya ang kanyang isip at puso habang hawak hawak ang kamay nito pagkatapos ay inilabas niya ang pares ng magkaparehong design na white gold ring. Halatang mamahalin ang mga ito dahil sa napakaraming maliliit na diamonds sa paligid at isang malaki sa gitna nito. Isinuot niya ang isang singsing kay Kristle, halata sa mukha nito ang matinding pagkagulat. Agad naman itong nakabawi. “My love for you will be forevermore.” bulong niya sa pagitan ng kanilang mga labi.
“Baby, I’m speechless pero pipi--litin kong magsalita. Hindi ko alam kung anong mangyayari o kung paano tayong tatanggapin ng mga tao. Natatakot ako bie, pero pag niyayakap mo ako, nawawala lahat ng takot ko, lahat ng pangamba ko, nawawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko. I feel safe in your arms, bie. Yes, gusto kitang makasama habang buhay. Let’s build our own family, our own house.” sabay turo sa dibdib niya “Ikaw lang ang taong pwede dito.” pagkatapos ay isuot sa kanya ang isa pang singsing.
Kasabay ng pagtatagpo ng kanilang mga labi ay ang matinding liwanag na nagmumula sa kalangitan. Para silang nasa isang palabas sa TV, ang pinagkaiba nga lang parehas babae ang mga bida. Magkayakap na pinanood nila ang fireworks na parte rin ng surpresa ni Raffy para sa dalaga.
“Sabi mo dati, pagnanood ng fireworks. Forever silang magkakasama diba, babe?” tanong niya sa dalaga habang nakayakap sa likuran nito at nakatingin sa kalangitan. “I want to be with you forever. Kaya naman dinala ko na dito ang fireworks ngayon palang para wala ng makaagaw sayo.” nakangiting litanya niya sa dalaga.
Nang matapos ang fireworks, piniringan ni Raffy si Kristle at inakay papunta sa isang kwarto. Inalis niya ang piring at lumantad sa dalaga ang bumabahang sticky notes sa paligid nito. Sa kama naman ay nakahilera ang malalaking box ng Ferrero rocher na halos okupahin na nito ang king size bed sa sobrang dami. Makikita rin na sa ibabaw ng mga box ay nakalagay ang ilang bungkos ng apples.
“Baby? Ang dami dami naman nito!” bulalas ng dalaga, “mahal mo ba ako o talagang gusto mo na kong bawian sa sobrang kabusugan?” dugtong nito.
“Babe, gusto kong kainin mo lahat yan, alam kong favourite mo ang mga yan.” tuwang tuwang sabi niya sa mahal.
Nilapitan ni Kristle ang mga sticky notes na nakadikit sa buong pader at mga gamit sa loob ng kwarto. Binasa niya ito isa-isa.
“Talagang 365 reasons why I love you?” tanong nito sa kanya.
“Para kapag nakalimutan mo na mahal kita, tignan mo lang yan para maalala mo yung mga reasons ko kung bakit mahal kita.” sagot niya habang nakayakap na sa likod ng dalaga.
“You love me because of my chinky eyes?” natatawang tanong nito sa kanya.
“Yes, babe. Basahin mo yan lahat ha?” nagpapacute pang sabi niya sabay kintil ng halik sa balikat nito.
Nakuha naman ang atensyon ni Kristle sa isang malaking tarpaulin na nakalagay sa isang sulok ng silid. Na nalalagyan pa ng napakaraming pulang bulaklak.
As I stare blank into the moonlit room
I close my eyes as I silently pray
I asked God if He could send me a person to love…
I asked Him if He could lend me a minute of love…
I never thought He would give me more than enough
And then it took me a minute to realize it will last FOREVER…
The day I saw you smile
It took a breath and I heed for more than I should
Suddenly I grasped it was you I want to be with
Baby. I'm whispering forever...
“Baby!” tinakbo siya nito at niyakap. Siya naman ay nanatiling nakaupo na sa gilid ng kama habang nakayakap sa baywang ng dalaga.
Nang gabing iyon, halos walang gustong matulog sa kanila. Magkayakap lang sila habang sabay na nangarap at bumubuo ng mga plano nila para sa hinaharap. Hindi nila namalayang nakatulugan na pala nila ang isa’t isa.
Kinabukasan na sila nakabalik sa isla, pagkatapos magbabad ng ilang oras sa Capones Island ay nagpasya na ang buong grupo na bumalik na sa Maynila.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...