Forevermore - Chapter 8 (A Lesbian Love Story)

34.8K 529 8
                                    

Pagkatapos magswimming, nagpasya na silang umahon dahil kailangan na nilang kumain ng hapunan. Nagsisimula narin kasing kumagat ang dilim. Bumili rin sila ng panggatong para may magsilbi silang ilaw sa darating na gabi.

Walang ano man source ng kuryente at komunikasyon sa kapatagan. Kaya naman ramdam na ramdam nila ang mala-survivor na atmosphere sa isla. Hindi sila nagkamali ng araw na pagpunta dahil halos walang katao-tao sa lugar, tanging lokal na naninirahan lamang ang naroroon. Kung hindi pa nga sila mag-uusap ay wala kang maririnig kundi huni ng ibon at mga kuliglig. Nakapalibot din sa kanila ang mga nagtataasang mga punong kahoy na tila ba ilang taon ng nakabantay sa lugar. Sa di kalayuan ay may palikuran kung saan pwede silang magbanlaw o gumamit ng tubig. May baon naman silang limampung galon ng mineral water para sa kanilang inumin at panghugas hugas ng pagkain.

Nang matapos kumain, binuksan na nila ang bonfire at isa-isang pumuwesto sa palibot nito. Inilabas naman ni Denis ang baon nitong dalawang bote ng Jack Daniels. Nanghilakbot ang mata ni Kristle sa nakita, alam niyang hindi ito sanay uminom kaya naman sinabihan na niya ang grupo na wag na itong paiinumin.

“Guys, start na tayo ng session.” saad ni Tiffany. Nagsimula na ngang umikot ang glass shot nila. Paglipas ng isa't kalahating oras karamihan sa kanila ay tipsy na kaya nagsimula ng maging hyper ang lahat. Si Kristle naman ay tahimik lang na nakahilig sa tabi niya.

“Maaga pa kaya naman para hindi tayo mabored. Let’s play a game.” saad ni Tiffany.

“What type of game?” tanong naman niya.

“Truth or Dare.” sagot ni Tiffany, napuno ng bulungan at tawanan ang isla sa narinig. Sa edad nilang 20 pataas ngayon pa ba sila maglalaro ng ganoon?

“Truth or Dare with a twist.” sabi naman ni Richard. Ngitingngiti na akala mo nakajackpot.

“We only have two rules. First, we must choose between truth or dare, pag napili na natin ang isa sa first turn dapat yung isa naman ang gagawin natin sa second turn. Second, kada matatapatan ka ng arrow you need to drink an extra shot. Simple diba?” saad uli ni Tiffany, “For Kristle, kada matatapatan lang siya ng arrow saka lang siya iinom. Fair enough?” dugtong ni Tiffany ng makitang nakakunot ang noo niya.

Gamit ang iPhone 3G ni Isabelle, nagsimula na silang maglaro. Lahat sila ay kinakabahan. Ang unang nagpaikot ay si Isa, tumapat naman ang arrow kay Tiffany. Nagtawanan muna ang buong grupo bago nagsalita ang babae. “Truth.” saad nito.

“Have you ever kissed someone with the same gender?” tanong ni Isa.

Game na Game namang sumagot si Tiffany. “Yes, and they are way better kissers than this guy over here.” panunukso naman ni Tiffany sa katabi. Nagtawanan naman ang lahat ng mabatid na hindi lang isa kundi "THEY" ang tinutukoy nito.

“Quite deceiving, babe. Kaya pala enjoy na enjoy ka sa mga kisses ko last night. Gusto mo bang sabihin ko sa kanila ang mga pinagsasabi mo?” banat naman ni Richard. Hindi naman naoffend ang binata, natatawa nga ito sa sinabi ng kapareha. Hindi naman kasi issue para kay Richard kung may karanasan sa babae o wala ang GF niya, kung tutuusin marami sa mga kalalakihan ang mas nachachallenge pag ganoon ang kapareha.

Pagkatapos inumin ni Tiffany ang dalawang shots ng Jack Daniels. Nagsimula na itong paikutin ulit ang arrow. Tahimik ang lahat na nag-aabang kung kanino tatapat. Sa huli, tumapat kay Chantelle ang arrow. “Your turn, Chan.” deklara ni Tiffany.

“Dare. Ang korny naman kung panay tayo Truth.” nakangiting sabi ng dalaga.

Kinabahan na naman si Raffy, alam kasi niyang possibleng mapagdiskitahan siya ng babae. Sa pagkakakilala niya kasi dito, dare devil ito at walang inuurungan. Mabait naman ito, madalas nga ay ito ang natitirang matino sa kanila pagnag-kakainuman, ito rin ang takbuhan ng grupo kapag may problema, wag nga lang hahamunin dahil wala itong inaatrasan!

Nag-isip si Tiffany ng papagawa sa dalaga. Tahimik ang lahat na nag-iintay sa kung anong iuutos nito. “Kiss someone from this group. Not just an ordinary kiss but we want it French.” basag ni Tiffany sa katahimikan.

Saglit na nag-isip ang dalaga ang akala ng lahat ay si Nico ang lalapitan nito. Nagulat ang lahat ng tumayo ito at tumabi kay Raffy. Walang nagsasalita sa kanila, lahat sila ay pawang naputulan ng dila.

“Can I borrow your partner, Kristle?” tanong ng dalaga. Hindi pa man nakakasagot ay inilapit na ni Chantelle sa kanyang mukha. The next thing she knew they were kissing.

Nanlaki ang mga mata ni Raffy sa ginawa ng kaibigan. Hindi maproseso ng utak niya ang dapat niyang gawin. Her whole body was tensed. Napapikit na lamang siya at hinayaan ang dalaga sa kung ano mang ikinikilos ng mga labi nito. Napa-awang ang kanyang bibig na ginawang pagkakataon ng dalaga upang mapasok at mapaglaruan ang kaloob-looban nito. Parang sanay na sanay itong humalik, ang mala-anghel na kaibigan ay parang unti-unting naging isang mapusok na nilalang. She was so hungry and intoxicating. Nang maramdaman ng babae na mawawalan na siya ng balanse hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Pakiramdam niya ay mapupugto ang kanyang hininga sa tindi ng paniniil nito.

Lumipas ang ilang saglit, patuloy parin sa paghalik sa kanya ang dalaga ng maalala niya si Kristle. Hindi na niya maramdamang nakahilig ito sa kanya. Iminulat na niya ang mata at bahagyang itinulak si Chantelle na halata ang pagkabigla sa mukha.

Ano bang pumasok sa isip niya at pumayag siya sa halik na iyon? Sa harap pa ni Kristle? Ano na lamang ang iisipin nito patungkol sa kanya? Tinitigan naman niya ang mga kaibigan, halos lahat ay nakapanganga na wari’y natuklaw ng ahas sa nakita. Hinanap ng mga mata niya si Kristle.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon