Napagkasunduan nilang ang Urvan Nissan ng Papa niya ang gagamitin nila papuntang Zambales, pareparehas kasi silang hindi marunong mag-commute. Pinakiusapan nalamang niya ang Tita Mildred niya na kung pwede ay hiramin muna nila ang vacation house nito sa Zambales para may mapaglagyan sila ng ibang mga gamit. Ang katiwala naman nitong si Aling Lucy at ang asawa nitong si Mang Tacio ang mag-aasikaso at maghahatid ng mga pangangailangan nilang pangaraw-araw sa isla.
Tulad ng nasabi sa kanya ng mga kaibigan kasama nga ng mga ito ang kanya kanyang mga kasintahan. Si Isabelle kasama ang boyfriend nitong si Denis na halos 2 years ng nasa steady relationship. Si Tiffany at si Richard na 5 months palang na magkasintahan. Si Chantelle at ang masugid na manliligaw/bestfriend nitong si Nico.
Tatlong isla ang pupuntahan nila sa loob ng tatlong araw. Magpapalipas sila ng unang gabi sa Anawangin, sa pangalawang gabi naman ay sa Nagsasa, at ang ikatlo ay sa Capones Island na siyang pinaka-maganda sa lahat dahil sa napakalinaw at puting buhangin nito.
Silang dalawa ni Kristle ang naupo sa front seat. Alas-tres palang ng umaga ay nagpasya na silang bumiyahe. Namamayani ang lambingan, kwentuhan at kainan sa loob ng van. Hindi naman sila nagpahuli sa pagiging sweet ni Kristle dahil madalas din siyang punasan ng pawis at subuan ng dalaga na labis niyang ikinakatuwa. Feeling niya ay asawa siya nito at obligasyon nitong alagaan siya.
May mga pagkakataong hinahawakan niya ang kamay ng dalaga lalo na pagnakakaramdam siya ng matinding ngawit sa pagmamaneho. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang matalim na tingin ni Chantelle sa kanila ni Kristle na tila ano mang sandali ay susugurin na sila nito at paghihiwalayin.
Alas-siyete na ng umaga ng makarating sila sa Olongapo. Pagkatapos mamili ng pagkain, naghanap sila ng marerentahang bangka, mas gusto nilang ito ang gamitin kaysa ang yate ng kanyang Tita, kaya nga sila magbabakasyon ay para subukan ang buhay na mala-Survivor Philippines.
Sinadya talaga nilang piliin ang pangalawang araw ng linggo para walang gaanong tao sa mga isla. Buong buhay nila madalas isinusubo sa kanila ang ano mang naisin nila. Kaya ngayon magbubuhay Castaways sila!
Gamit ang tatlong bangka, hinati nila ang grupo sa tatlo at nagsimula na nilang baybayin ang karagatan patungo sa unang islang pupuntahan nila, ang Anawangin.
Sa unahan niya pinapuwesto si Kristle at siya naman ang naupo sa likuran nito. Tumindi naman ang ilang na naramdaman niya ng makitang hindi si Nico kundi si Chantelle ang pumuwesto sa likuran niya. Pagkaupong pagkaupo palang ng dalaga ay humilig na ito kagad sa balikat niya at marahang ipinalibot sa kanya ang bisig nito. Isang beses pa nga ay bumulong ito ng “I missed you.” sa tainga niya na nakapaghatid ng chill sa buo niyang katawan.
Hindi naman sa naaapektuhan siya ng presensya ng babae, pero simula ng magtapat ito sa kanya matinding ilang na ang naramdaman niya. Hindi naman siya makasigaw ng panahong iyon dahil nasa harapan niya si Kristle at ayaw niyang makuha ang pansin nito.
Kitang kita niyang nageenjoy ang dalaga sa tanawing nakikita nito. Manghang mangha naman siya sa amusement sa mata ng kaibigan. Para itong bata na ngayon lang nakapasyal. Naiintindihan naman niya dahil iginugugol lang nito ang buhay sa pamilya at pag-aaral.
“Baby, ang ganda nung dalawang islang yun oh! Dadaan ba tayo sa gitna ng dalawang yun?” tanong ni Kristle habang nakatingin sa dalawang malalaking bato na halos magkadikit na. Hawak nito ang dalawa niyang kamay simula pa ng umandar ang bangka.
Hindi makasagot kaagad si Raffy dahil bukod sa mahigpit na pagkakayapos sa kanya ni Chantelle ay ramdam na ramdam niya ang init mga palad nito sa loob ng T-shirt niya. Kanina pa ito naglilikot. Nasa labas lang ng life vest niya ang kamay nito noong una, habang tumatagal hindi pa nakuntento ang dalaga at ipinasok pa sa loob ng T-shirt niya ang mga kamay nito at pinagapang hanggang sa laylayan ng pangloob niya. Buti na nga lang at hindi na nito kayang itaas pa dahil kung hindi, baka kanina pa siya napasigaw.
“Yes, ba-be.” humugot siya ng malalim na hininga at simpleng tinugon ang sinabi ng dalaga.
Lumingon sa kanya ang dalaga. Buti nalang na-ialis na ni Chantelle ang kamay nito sa loob ng vest niya.
Tila nakaramdam naman si Kristle ng kakaiba kaya dali-daling kinuha nito ang kamay niya at ipinalibot sa baywang nito. Hanggang sa makarating sila sa isla.
Binilinan niya si Mang Tacio na bumalik sa isla ng alas-siyete ng umaga kinabukasan, sinabihan din niya ang matanda na magdala ang supply ng pagkain at iba pang pangangailangan dala ang dalawa pang bangka na gagamitin nila sa susunod na islang pupuntahan nila.
Nang magpaalam sa matanda, nagsimula ng ayusin ng mga lalaki ang apat na tent na dala nila. Ang mga babae naman ay nagsimula ng maghanda para sa tanghalian. Natutuwa siya sa nakikitang kasundo ng mga kaibigan niya si Kristle. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil sa galing nitong magluto.
“You’re such a good cook, Kristle! Pwedeng pwede ka ng mag-asawa.” manghang sabi ni Tiffany.
Tumawa lang ang dalaga bilang sagot. Yumakap naman si Raffy sa likuran ng babae.
“You girls look good together. Bagay kayong couple.” walang malisyang sabat ni Richard sa usapan.
“We’re just friends, Chard” nabigla man nakuha parin niyang sumagot.
“But you two are dating, right? Marami na kong lesbian friends na kagaya niyo. I must say, iba ang chemistry niyo at …” hindi na natuloy ng binata ang sasabihin dahil siniko na ito ni Tiffany.
“Friends nga sila diba. Sabi nila!” sita ni Tiffany sa kasintahan habang tinitigan sila na tila nag-aapologize.
Parang napaso naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa dalaga. Ganoon na ba siya ka-obvious na miski lalaki ay nakahalatang may nararamdaman siya para sa kaibigan?
Nanatili namang nakangiti si Kristle na tila hindi naoffend sa sinabi ng binata. Patuloy parin ito sa paghiwa ng sibuyas at panakanaka paring tumutingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomansaSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...