“Tell me, what happened 6 years ago?” tapos na ang paglalantad ng pagkatao nito sa kanya, nagulat talaga siya dahil wala sa itsura nito na tulad niya, kulay ‘purple’ rin ang dugo nito. Anyway, she needs to dig something about Kristle’s past, kaya hindi na siya nagpaligoy ligoy pa, kailangan na niyang malaman ang katotohanan.
Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nito, tumingin muna ito sa kawalan bago nagbuga ng isang malalim na hininga. “Hindi ko talaga alam kung anong totoong nangyari sa kanya, pero bago siya naaksidente—“ huminto ulit ito, fuck him! Bakit kailangan magbigay ito ng suspense! “Ilang linggo bago ang aksidente, her mom—tinawagan ako ni Tita para sunduin si Kristle, pinuntahan ko siya sa Bataan—“
“Go straight to the point!” nawawalan na siya ng pasensya sa pasikot sikot nito, gusto na niyang malaman kung anong totoong nangyari! Damn it!
“Okay, okay! You better stop cutting me!” alam niyang naiintindihan nito ang sitwasyon niya, “Sinundo ko siya, tinakas namin siya ni Tita kay Tito Chris,” tinutukoy nito ang ama ni Kristle, naguguluhan siya sa sinasabi ni Lawrence. Bakit kailangang itakas si Kristle sa ama nito? “duguan si Kristle nung kinuha ko siya, wala na siyang malay sa sasakyan ko—her body was covered with bruises and cuts,hindi na kinaya ni Tita ang pambubugbog ni Tito Chris, kaya gumawa na siya ng paraan para makatakas si Kristle. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit ginawa ni yun ni Tito Chris, nung nawalan ng memory si Kristle nakiusap sakin si Tita na wag ng sabihin kay Kristle ang totoo.”
Hindi maproseso ng utak niya ang sinasabi ng binata, mabait ang ama ni Kristle at wala sa itsura nito ang pagbuhatan ng kamay ang anak. Nakaramdam siya ng matinding awa para sa dating kasintahan, wala siya noong mga panahon na kailangan siya nito. Hindi niya nagawang tulungan ang taong mahal niya at naging makasarili siya, iniisip lang niya ang sarili niya sa loob ng mahabang panahon.
“Raf,” nakita ng lalaki ang nagbabantang luha sa mga mata niya pero sumenyas siya na ipagpatuloy nito ang sinasabi, “—dinala ko sa ospital si Kristle, maraming nabaling buto pero naging maayos naman ang lahat. Ginawa ko ang lahat para maitago siya kay Tito tapos nagpunta kami dito sa Manila para humanap ng paraan para makausap ka, ikaw lang ang gustong makausap ni Kristle. She had those restless nights where she would literally scream your name, pinuntahan ko yung mga kaibigan mo pero walang gustong magsabi kung paano kita makakausap. Pinahanap kita, pero walang makapagsabi sakin kung nasaan ka. Si Kristle, hindi siya gaanong nagsasalita kaya wala rin akong magawa, then one day, nahanap ko yung isa mong kaibigan si—” nag-isip muna ito na tila inaalala kung anong pangalan ng tinutukoy nito, “I can’t remember her name, Chi—Chel—“
“Chantelle?” tanong niya.
“Yes! Siya nga! Pinuntahan ko si Chantelle, ang sabi niya tutulungan niya raw kami. Kakausapin ka raw niya.”
Hindi siya makapaniwalang may kinalaman nga si Chantelle sa nangyari kay Kristle!
“Then one day, pag-uwi ko galing sa office, wala na si Kristle. Hinanap ko siya, I swear!” bumaha sa mukha nito ang matinding pag-sisisi nanginginig narin ang boses nito marahil sa sobrang emosyong nararamdaman nito ngayon, “Ilang linggo siyang nawala tapos isang araw tinawagan ako ni Nico,” kumunot ang noo niya ng marinig ang pangalan ng lalaki, “pinapapunta niya ako sa ospital, hindi ko alam kung paanong naaksidente si Kristle pero nung pumunta ako dun wala na siyang maalala, miski ako hindi na niya maalala.”
Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman ng panahon na iyon, napakaraming napagdaanan ni Kristle, simula sa pambubugbog ng tatay nito na ang duda niya ay isa siya sa mga dahilan kung bakit nagawa nito iyon. Naalala niya na hindi sang-ayon sa relasyon nila ang ama nito at base sa huling naging pag-uusap niya narinig niyang nagtatalo ang mga ito, madalas din niyang naririnig na nagtatalo ang mga ito.
Nakakaramdam siya ng matinding galit sa sarili, ‘For pete’s sake!’ bakitwala siyang alam! Dapat ay nadamayan niya ang dalaga! Anong klaseng girlfriend siya! Hindi na niya napigilan ang mga luha na nag-uunahang dumaloy sa mga pisngi niya, kahit magmukha siyang ewan sa loob ng restaurant ay wala siyang pakialam! Wala siyang silbi, wala siyang kwenta, sinisisi niya ang sarili dahil mas pinili niyang lumayo sa dalaga kaysa makasama ito. Siguro kung hindi siya umalis baka hindi naghirap si Kristle, baka sakaling hindi sila nagkahiwalay at hindi nito mararanasan ang kalupitan ng ama dahil hinding hindi niya ito papayagan.
Si Chantelle, bakit nilihim nito sa kanya ang totoong nangyari? Naalala niyang kinuwento nito sa kanya ang pakikipagkita nito kay Kristle at Lawrence pero ang sabi lamang nito sa kanya ay mukhang masaya naman daw ang dalaga, malayong malayo sa nalaman niya ngayon.
Si Nico, anong kinalaman ng dalawa kay Kristle? Ano pa bang dapat niyang malaman? Ano pa ba ang mga lihim na itinatago ng mga tao sa kanya? Kakayanin ba niya kapag nalaman niyang niloko siya ni Chantelle?
Naramdaman niya ang pag-alo sa kanya ni Lawrence, napanatag kahit papaano ang kalooban niya sa ginagawa nitong paghimas sa likuran niya. Tumingin siya sa binata, “I don’t deserve her, I made her life miserable.” saka nagpakawala ulit ng luha.
“Wala kang kasalanan, miski ako wala akong nagawa para sa kanya. Don’t blame yourself, dear.” pag-aalo parin nito sa kanya. “I know how much you loved her, you still love her don’t you? Mahal ka rin niya, I really don’t know the whole story but I like you more than Nico. Don’t get me wrong, mabait si Nico pero hindi ko nakikitang tinitignan ni Kristle si Nico ng katulad ng tingin niya sayo. I know she’s not totally happy with him.”
Naguguluhan siya sa sinasabi nito, kailan pa naging si Nico at Kristle? Niloko ba siya ni Kristle?, “How did they end up together?”
“Pagpunta ko sa ospital, he was there beside her. Hindi rin ako maalala ni Kristle kaya wala akong nagawa, si Nico lang ang nakakapagpakalma sa kanya, she doesn’t want him to leave.” naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya para bigyan siya ng lakas ng loob, nagsisimula na naman kasing yumugyog ang balikat niya sa pag-iyak.
“What the—?!” napalitan ng galit ang nararamdaman niya, sigurado siyang may ginawang hindi maganda si Chantelle at Nico, kailangan niyang makausap ang dalaga pero bago ang lahat pupuntahan muna niya si Kristle.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...