Nakaupo lang si Raffy sa buhanginan, tinitignan ang payapang pag-alon ng dagat. Ilang oras nalang lalatag na ang dilim sa paligid unti-unti naring nagtatago ang araw sa pagitan ng mga bundok. Tumayo siya at nagsimulang maglakad sa malamig na buhangin, hindi niya talaga alam kung saan siya pupunta basta patuloy lang siya sa paglalakad.
Hindi niya alam kung gaano na kalayo ang nalakad niya, tumingin siya sa likuran upang mas mapag-aralan ang paligid. Hindi kalayuan ay nahagip ng mga mata niya ang isang babae na nakaupo sa buhanginan. Base sa itsura nito, alam niyang umiiyak ito tumataas baba kasi ang mga balikat nito habang nakayuko at nakabaluktot ang mga tuhod. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba niya ang babae o hahayaan na lamang itong mapag-isa. Hindi rin niya natiis ang babae, tahimik na naglakad siya palapit sa dito.
Hindi niya alam kung saan niya nakita ito, pamilyar sa kanya ang hubog ng babae alam niyang nakita na niya ito sa kung saan. Nang tuluyang makalapit, nakaramdam siya ng munting kirot sa puso ng makita kung gaano kalungkot ito. She’s crying hopelessly, para itong nawalan ng minamahal o may problema itong walang posibleng solusyon.
“Miss? Are you okay?”, obvious naman na hindi ito okay pero gusto niyang makita nito ang presensya niya, marahang lumuhod siya sa tabi at banayad na hinagod ang likuran nito, “Miss?” tawag niya ulit ng hindi parin ito lumilingon sa kanya.
Humigit ito ng malalim na hininga bago ito nagtaas ng mukha at lumingon sa kanya. Napaatras siya ng makita kung sino ito, hinding hindi niya makakalimtan ang maamong mukha nito ,ang taong minahal niya sa pagkahaba habang panahon. Basang basa ng luha ang mukha nito, titig na titig lang ito sa kanya na tila nagsusumamo, walang salitang lumabas sa bibig ng dalaga.
“Kristle? Anong ginagawa mo dito?” tumayo siya, nahimigan niya ang pait sa boses niya.
“Baby, I still love you. Hanapin mo ko.” larawan ng paghihirap ang mukha ng dalaga, “Please, hirap na hirap na ko. Look for me. Iintayin parin kita. I love you.”
Hahawakan na sana niya ulit ang dalaga ng biglang may narinig siyang tumawag sa pangalan niya, awtomatikong nilingon niya ang pinaggagalingan ng boses, nakita niya si Chantelle. Nanlamig siya ng makita ang kasintahan, paano kung makita nito si Kristle? Hahakbang na dapat siya palapit kay Chantelle ng may magsalita sa likurin niya.
“Alam kong mahal mo parin ako. Hihintayin kita.” agad na nilingon niya ang babae ngunit wala na ito roon, hinanap niya ito ngunit kahit saang sulok siya lumingon ay walang bakas ng dalaga. Iniwan na naman siya nito, dumaloy sa magkabilang pisngi ang mga luha niya.
Nagising si Raffy ng maramdamang may tumatapik sa pisngi niya, “Honey? Wake up.” narinig niya, nanatiling nakapikit parin siya. “Wake up, you’re having a bad dream.” Dahan dahang binuksan niya ang mga mata, nakita niya si Chantelle na nakatingin lang sa kanya habang pinupunasan nito ang luha sa mga mata niya. Yumakap siya sa dalaga at humananap ng kapayapaan sa mga bisig nito.
“Panaginip lang yun, hon. Let’s go back to sleep okay? Dito lang ako sa tabi mo.” Hnaplos nito ang buhok niya saka hinalikan ang mga labi niya.
“Hon, wag mo kong iiwan.” hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.
“Nandito lang ako. I love you.” Hinalikan ulit siya nito sa mga labi, “Pikit na, hon.” Tulad ng sinabi ng dalaga ipinikit niya ang mga mata hindi naman nagtagal ay nakatulog siya sa mga bisig nito.
Nagising si Raffy na nag-aayos na ang kasintahan papasok sa trabaho, tumuloy kagad siya sa banyo at nagsimula sa morning routine niya pagkatapos ay nagpunta siya sa kusina para saluhan ang girlfriend niya sa pagkain.
“Hon, do you have any plans today?” tanong sa kanya ng dalaga.
Matapos lunukin ang pagkain, “Finishing touches para sa firm na bubuksan ko probably next month.” Excited na siyang bumalik sa trabaho nababagot na kasi siya sa routine niya, kailangan na din niyang magsimula dahil kung hindi, kakapusin siya ng panahon sa pag-aayos ng kasal nila ni Chantelle sa susunod na taon. Hindi pa naman sila nagmamadaling magpakasal, may mga bagay pa kasi silang dapat ayusin para makapaglaan sila ng panahon para sa pagpaplano ng kasal nila. Nasabi na nila sa kanya kanyang pamilya ang plano nilang pagpapakasal at kapwa partido ay masayang sinusuportahan sila except sa mangilan ngilang kamag-anak na homophobic pero siyempre wala silang pakialam.
“Okay, Hon. You take care, keep me updated. Text me from time to time.” tumayo at humalik ito saka nagpaalam, “I love you and behave, okay?” natatawa siya pagsinasabi nitong magbehave siya feeling niya tuloy ay bata siya na kailangan pang sawayin at paalalahanang wag gumawa ng kalokohan. Wala naman yun sa kanya, natutuwa pa nga siya sa pagiging possessive pero cool na girlfriend nito. “I love you too. Behave ka rin!” kinurot niya ito sa ilong saka kinintilan ng halik ang mga labi nito.
Nang maiwang mag-isa, naalala niya ang panaginip niya kagabi. Matagal tagal narin simula nung huli niyang napanaginipan si Kristle pero iba yung kagabi. Hindi mawala sa isip niya ang lungkot sa mga mata na parang namamakaawang hanapin niya ito. Napaisip siya, ano na nga kayang nangyari sa dati niyang kasintahan? Masaya na kaya ito sa buhay nito, may sarili na kaya itong normal na pamilya, ang bagay na gustong gusto nitong makuha? Nakaramdam siya ng hapdi sa puso ng maisip na may iba ng taong yumayakap at humahalik dito. Ipinilig niya ang kanyang ulo, wala na siyang karapatang magselos o mag-isip ng kahit ano tungkol sa dalaga.
Nilibang niya ang sarili sa pag-aasikaso ng itatayo niyang Architecture firm. Halos wala na naman siyang kailangang problemahin dahil plantsado na ang lahat. Kakatapos lang ng pag-iinterview niya sa mga architect na gustong magtrabaho para sa kanya. Pasado-alas sais ng hapon ay nagtext na siya sa kasintahan, magkikita sila nito mamaya at sabay na maghahapunan.
Habang nag-iintay, nakatulog si Raffy sa office na nirentahan niya para sa itatayo niyang firm, nagising siyang pawis na pawis at hinihingal nanaginip na naman siya ng masama, napanaginipan na naman niya si Kristle at tulad nung nakaraan umiiyak parin ito habang sinasabing mahal siya at hinihintay lamang siya nito.
Hindi na niya alam ang gagawin, bakit hindi mawala sa sistema niya ang dalaga? Magkaiba ba ang acceptance sa letting go? Accepted na niya na impossibleng bumalik pa sa kanya ang dalaga pero bakit patuloy parin siya sa pagkakaron ng panaginip tungkol dito? Ibig sabihin ba nito ay hindi pa siya totally nakakamove on? Whatever the answers are, isa langang alam niya at hindi na magbabago, papakasalanan niya si Chantelle at ito na ang makakasama niya habang buhay.
Narinig niyang tumunog ang cellphone niya, nagtext na ang dalaga na nasa baba na ito at hinihintay na siya. Agad naman siyang kumilos at kinuha ang mga gamit, nang makababa ay hinalikan niya ang babae sa mga labi at dumiretso na sa Mall of Asia para sa hapunan, bumili rin sila ng ticket para sa movie na papanoorin nila.
Pasado alas-nuwebe ng gabi nagsimula ang horror movie na pinapanood nila, natutuwa siya at yumayakap sa kanya ang dalaga kapag natatakot ito. Hindi naman siya nanonood dahil matatakutin talaga siya kaya naman nilibang niya ang sarili sa pagpapacute sa girlfriend niya. Nahagip ng pansin niya ang isang babaeng nakaupo ilang seats malapit sa kanila, pilit na inaninag niya ang itsura nito dahil familiar ang dating nito sa kanya.
“Kristle?” mahinang sambit niya.
“Hon? What did you say?” tanong sa kanya ng kasintahan.
“Not—hing. Akala ko lang friend ko yung nasa kabilang seat. Tara let’s watch na.” kinakabahan siya, paano kung si Kristle nga iyon? Bago matapos ang palabas ay tumayo muna si Raffy at nagpaalam sa kasintahan na pupunta siyang banyo, nang malapit na siya ay biglang dumaan sa kanya ang babaeng kamukhang kamukha ni Kristle, she was frozen. Para siyang nakakita ng multo, kinakabahan siya at walang ano mang salitang lumabas sa bibig niya. Para siyang estatwa na nakatayo lang, tumingin sa kanya ang babae at nilagpasan siya na parang walang nakita. Sinubukan niyang sundan ito ngunit bago pa man siya makabalik ay nagsimula ng maglabasan ang mga tao, hinatak narin siya ni Chantelle palabas ng sinehan.
Para siyang natuklaw ng ahas, si Kristle nga ba ang nakita niya? Pero bakit hindi man lang nagpanic ito ng makita siya? Naisip niyang baka guniguni lamang niya ito, nahihirapan na siya at naguguilty dahil hindi pa tuluyang nawawala sa isip niya ang dating kasintahan.
Hindi umiimik si Raffy hanggang sa makarating sa condo nila, dumiretso siya kaagad sa banyo, naghilamos at toothbrush saka tuloy tuloy na sumalampak sa kama at itinulog ang isipin.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...