Lunch time na pero nakaupo parin si Raffy sa office niya, tambak ang paper works pero wala siya sa mood magtrabaho. Halos isang buwan na rin simula ng buksan niya ang pangarap niyang firm sa Pilipinas, maayos naman ang nagiging takbo nito dumarami na rin ang nagiging clients nila.
Tinignan niya ang paligid, malaki ang office na nakuha niya, hindi naman sa nagiging maluho siya pero mas gusto niya talagang maging presentable lalo na sa mga kliyente ang opisina niya, puro mamahalin ang mga gamit na binili niya para dito. Magkatulong sila ng girlfriend niya sa pagdedesign ng buong floor na inupahan niya. Magkahalong white at purple ang naging theme nila at iba’t ibang shapes and sizes ang makikita doon na nakapagbigay ng futuristic ambiance sa lugar. Sa ngayon ay may halos 30 na empleyado siya kasama ang personal secretary niya. Pinagawan niya ng sarisariling cubicle ang mga ito dahil alam niyang importante sa mga empleyado ang pagkakaroon ng sariling gawaan, futuristic din ang naging theme nila dito kaya naman namangha ang mga empleyado niya noong unang araw ng pasok nila.
Tinawag niya ang sekretarya niyang si Mau at pinacancel lahat ng appointments niya, pupuntahan na muna niya ang kasintahan sa office nito at hihintayin na lamang itong makalabas para sabay silang makauwi. Hindi na niya nagawang magtext sa kasintahan dahil alam niyang nasa lunch date ito kasama ng mga clients nito.
Tulad ng inaasahan, wala parin si Chantelle ng makarating si Raffy sa opisina ng dalaga. Naabutan niya si Nico na nasa lobby rin at naghihintay. Wala namang naging problema kay Nico ng maging girlfriend niya si Chantelle. Natanggap nito na hindi nito kayang pasayahin ang dalaga, masaya na naman ang binata sa buhay nito kasama ang bago nitong girlfriend. Wala naman talaga siyang komunikasyon kay Nico, sinabi lang sa kanya iyon ni Chantelle ng minsan ay kamustahin niya ang binata.
Naging balisa ang binata ng dumating siya. May mga pagkakataong nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya, nanginginig din ang mga kamay nito at bakas sa mukha ang matinding kaba.
“Nico?” tanong niya, humarap na siya sa binata.
“Ah-h Ra—ffael?” nanginginig ang boses nito habang nagsasalita na nakapagbigay ng matinding isipin sa kanya.
“Anything wrong?” hindi normal ang mga reaksyon ng binata, halatang kinakabahan ito at hindi mapakali. Nakikita rin niya ang butil butil na mga pawis nito sa noo.
“I thi—nk I should go.” tumayo na ang binata at mabilis na nawala sa paningin niya.
‘Weird’ isip isip niya. Saka naman dumating ang kasintahan, agad na tumayo siya at hinalikan ito sa mga labi. Iginaya naman siya nito sa opisina nito at saka binilinan ang sekretarya nitong wag magpapapasok o tatanggap ng kahit anong tawag para sa kanya.
Nang masara ang pinto agad na hinalikan siya nito sa mga labi, “Touch me.” sambit nito sa pagitan ng kanilang mga labi gamit ang pinakasexing boses na kaya nito, mabilis na kinagat din nito ang tainga niya na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang init. Sumilay ang ngiti sa mukha nito ng makita ang naging reaksyon niya, napaatras siya ng bahagya at ramdam niya ang pamumula ng mukha. Hinalikan siya ulit nito hanggang sa maramdaman niya ang matigas na pader sa likuran niya, patuloy parin ito sa paghalik sa kanya sa kung saan saang parte ng katawan. Natanggal narin nito ang butones ng suot niyang gray na blazer, itinaas pa nito ang mga binti niya para maipulupot sa katawan nito.
“Do you really wanna do this here?” nakangiting tanong niya sa dalaga, patuloy parin ito sa paghalik sa ibaba ng collarbone niya.
"A—huh." halos paungol na sabi nito sa kanya. Ang sexy ng girlfriend niya, sinong mag-aakalang lumalabas ang pagkawild nito kapag siya ang kasama. Natatawa siya sa naiisip niya.
Naputol ang sexy scene nila ng may kumatok sa pintuan ng opisina nito, bakas sa mukha nito ang matinding pagkadismaya. “Later.” Agad namang inayos nila ang mga sarili at hinalikan muna ang isa’tisa bago ito nagtungo sa pintuan at pagbuksan ang kung sino mang umistorbo sa kanila.
Kinausap muna ito ng sekretarya na humihingi ng paumanhin, nang makita kung sino ang gustong kumausap agad na nagpaalam sa kanya ang dalaga na may kakausapin lamang ito sa conference room. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon dito. Nang makaalis ito, iginala niya ang mga mata sa paligid ng opisina, nahagip ng mata niya ang picture frame na may lamang litrato nila ng dalaga, napangiti siya sa nakita. Nang mainip sa loob ay lumabas muna siya ulit ng opisina nito at saka nakipagkwentuhan muna sa sekretarya nitong si Linda, kasundo niya ito kaya naman kapag nagpupunta siya doon ay madalas niya itong kinukulit. May asawa na ito at may dalawang anak kaya naman hinahayaan lang siya ni Chantelle na makipag-usap dito.
Lumipas ang halos labing limang minuto ay lumabas na ng conference room si Chantelle kasama si Nico. Nagulat naman ang dalaga ng makita siya, agad namang nagbaba ng tingin si Nico at bumalik ang matinding kaba sa mukha nito. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang binata at inaya na siya ng kasintahan papasok ulit sa opisina nito.
“Hon, bakit ang weird ni Nico? Anong nangyayari dun?” tanong niya sa dalaga, umupo siya sa upuan katapat ng table nito.
“Wa—la yun wag mo siyang intindihin may problem lang yung tao kaya nagpunta dito.” alam niyang nabigla ang dalaga sa tanong niya kaya halos mabulol pa ito sa pagsasalita noong una. “I see, basta wag mo lang akong ipagpapalit dun.” lumabas ang pagiging possessive niya na nakapagpangiti naman sa dalaga. Minsan lang siya magpakita ng selos dito dahil wala naman talagang rason para magselos siya, malaki ang tiwala niya dito at alam niyang hindi siya iiwan nito.
“Hinding hindi, selos pa? I love you.” tumayo ang dalaga para halikan siya sa mga labi. Nakaisip naman siya ng kapilyuhan kaya ng lumapit ito sa kanya ay agad na umiwas siya at dumiretso sa mga leeg nito. “I want you so badly.” bulong niya, namula naman ang mukha ng dalaga na tila nag-iisip kung anong dapat gawin. Sa huli, tinapos kagad nito ang mga gawain, sabay silang naghapunan at umuwi sa condo.
Sa paglipas ng mga buwan mas naging busy si Raffy sa opisina, nakatanggap kasi sila ng malaking offer para sa isang bagong building na itatayo ng isa sa mga sikat na Land developer sa bansa. Nagdagdag narin siya ng mga architects dahil mas nagiging indemand sila dahil sa husay ng mga empleyado niya, nakakabuo narin sila ng pangalan sa industriya.
Mahigpit ang labanan ng mga firms sa Maynila, kaya naman mas naging maingat siya sa pamamahala sa mga tauhan niya. So far, maayos naman ang lahat ang hinihintay nalang nila ay ang kasal nila ni Chantelle. The so called "Wedding of the Year."
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomansSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...