Forevermore - Chapter 38 (A Lesbian Love Story)

25.8K 344 38
                                    

Lumipas ang anim buwan, nakabalik na sa Maynila si Raffy at Kristle, sumama na rin sa kanila si Grace. Tinulungan niya ang magpinsan na makahanap ng bagong malilipatan malapit sa condo niya, napagkasunduan kasi nilang huwag munang magsama sa iisang bahay hanggat hindi pa sila nakakasal. May mga pagkakataon na nagseselos parin si Kristle kay Grace lalo na ng madalas nitong nakikita ang pinsan na tumitingin daw ng malagkit sa kanya, hindi naman siya naaapektuhan dahil alam niyang kaibigan lamang o nakakatandang kapatid ang tingin sa kanya ng dalaga. Nang humingi ito ng tulong para makahanap ng trabaho sa Maynila buong puso naman niya itong tinulungan, nakapagtapos ng Hotel and Restaurant Management ang dalaga, naisip niya ka agad ang bar na pag-aari ni Tiffany, hindi naman siya nahirapan sa pagpapasok dito dahil magaling naman talaga ito. Sa ngayon ay nagtatrabaho ito bilang waitress, nang huli niyang nakausap si Tiffany sinabi nito na napakalaki ng potensyal ni Grace para mapromote at mapunta sa Management level.

Nagsampa na sila ng kaso laban kay Nico na kasalukuyang nagtatago na sa batas, si Chantelle naman ay natanggap na ang kinahinatnan ng relasyon nila at tuluyan na silang pinabayaang sumaya ni Kristle, hindi madali para kay Chantelle ang pinagdaraan nito kaya pumayag siya ng makiusap ito sa kanyang huwag na muna silang mag-usap, wala na siyang balita tungkol sa dalaga bukod sa napapadalas daw ang paglabas at pag-inom nito na talagang ikinababahala niya, kinausap na niya noon ang dalaga tungkol pag-inom nito at nangako naman itong ibabalik rin sa dati ang takbo ng buhay nito, kailangan lamang daw nito ng panahon para maglibang.

Sa kasamaang palad, hindi parin bumabalik ang memorya ni Kristle, hindi naman niya ito ikinababahala dahil alam niyang kahit nawala ang memorya nito ay siya parin ang itinitibok ng puso nito, mas naging sweet pa nga sila sa isa’t isa. Kung nag-iisip kayo kung may nangyari na sa kanila ni Kristle, ang sagot ay wala pa, ayaw niya dahil gusto niyang makasal muna silang dalawa, maraming panahon na kamuntik ng may mangyari pero sadyang napakalakas ng pagtitimpi ni Raffy. Hindi naman siya kaagad nakapagpropose kay Kristle pagkabalik nila ng Maynila dahil naging sunod sunod ang kinailangan nilang asikasuhin.

Tungkol naman sa  trabaho nila, mas naging indemand si Kristle ng mapatunayan nitong walang  sala si Raffy sa sexual harassment na isinampa dito, napatunayan ng dalaga na ‘frame-up’ ang kaso dahil napaamin nito ang babae ng magipit ito sa pagtatanong ni Kristle sa husgado, maraming tao ang humanga sa pagiging mahusay na abogado nito, ilang kaso pa ang sunod sunod na naipanalo nito, madalas niya itong tuksuhin na siya ang inspirasyon nito kung bakit sobrang ginaganahan itong magtrabaho, hindi naman ito kumontra; sobrang ipinagmamalaki niya ito dahil bukod sa napakaganda ni Kristle ay nag-uumapaw pa ito sa katalinuhan, minsan nga iniisip niya na hindi sila bagay pero siyempre  hindi na panahon para ma-insecure siya.

Si Raffy naman, mas naging maayos ang firm na hinahawakan niya, hindi maipagkakailang malaki ang naitulong ng presensya ni Kristle sa kanya, ang dating 2 floors na firm niya ay 2 floors parin naman pero lumipat na sila sa mas malaking building at mas bumubuhos parin ang kliyente nila. Siya narin ang tumapos sa bahay na ipinapatayo ni Kristle sa Bataan, natupad na ang dream beach house nila.

Ngayong gabi May 29th, icecelebrate nila ang ika-anim na buwan simula ng magkabalikan sila, naghanda si Raffy ng isang sorpresa para kay Kristle, buong araw na hindi nagpakita si Raffy sa kasintahan, nagbilin na siya sa trabaho na hindi siya papasok ngayong araw kaya naman hindi na siya nag-aalala sa mga maiiwan niyang gawain sa firm.

Maagang nagising si Raffy ng araw na iyon, dinaanan niya ang mamahaling engagement ring na pinabili pa niya sa ibang bansa, mabilis na tinungo niya ang airport para sunduin ang Mama at Papa niya na galing France, delayed ang flight ng mga ito na inaasahan naman niya kaya sinabihan na niya ang mga tauhan niya na ayusin ang lahat kahit wala siya. Pasado alas-onse na ng umaga ng nakarating ang eroplano galing France, dinala na niya ang mga ito sa hotel kung saan kagabi pa nakacheck-in ang mga magulang ni Kristle; wala ng nagawa ang mga magulang nila ng sabihin nila sa mga ito ang plano nilang pagpapakasal sa hinaharap, ang buong akala ni Kristle wala siyang planong magkaron ng isang engagement party pero ang totoo ay matagal na niyang inaayos ang lahat para sa araw na ito.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon