Hindi pinigilan ni Raffy si Chantelle ng ibalik nito ang singsing na suot tanda sana ng engagement nila, nanatili siyang walang imik habang patuloy na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi. Pakiramdam niya ay ninakawan sila ng anim na taon ng mga taong pinagkatiwalaan nila, kasama si Nico at ang mga magulang ng dalaga.
Naisip niya lahat ng napagsamahan nila ni Kristle, simula ng unang beses na nakita niya ito hanggang sa panahon na naangkin niya ito. Lahat ng masasayang sandali nila, ang napakagandang ngiti nito na nakakapagbigay ng lakas sa kanya upang harapin lahat ng problemang dumarating sa buhay niya, at kung paano sila kumukuha ng lakas sa isa’t is. Sa loob nng mahabang panahon ay naniwala siya na iniwan siya nito, na kinalimutan nito lahat ng pangakong binitawan nila sa isa’t isa.
Dumako ang isip niya kay Chantelle na halos ibigay sa kanya ang lahat para lamang mahalin niya ito, nanatili itong mabuting kaibigan miski nasasaktan na ito dahil sa pagmamahal niya sa kay Kristle. Gusto niyang magalit sa dalaga ngunit may isang parte sa puso niya na sinasabing kaya niya itong patawarin kahit na ito rin ang isa sa dahilan ng kalungkutan niya. Walang dudang minahal niya nga rin ito, hindi nga lang katulad ng pagmamahal niya para kay Kristle ngunit sapat ito para patawarin ang dalaga sa kung ano mang nagawa nito sa kanila.
Natauhan siya ng makitang palabas na ito ng kwarto habang patuloy parin ang paghikbi. “Chan!” tawag niya dito, tumigil ito sa paghakbang ngunit nanatili itong nakatalikod sa kanya. Lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likuran, sapat na iyon para lingunin siya nito upang gantihan din siya ng mas mahigpit na yakap.
“I’m re–ally so–rry, –Raf”, sabi nito sa pagitan ng mga hikbi. Inayos muna nito ang sarili bago muling nagsalita, “Now go seek for happiness. I want you to be happy, Raf.”
“Thank you!”, kinintilan niya ito ng halik sa mga labi bago inalis nito ang pagkakayakap nila at tuluyan ng nilisan ang lugar.
Kinuha niya ang maleta niya at inempake ang lahat ng gamit, wala ng rason para manatili siya sa lugar na iyon. Bago lisanin ang lugar ay binigyan niya muna ng huling tingin ang lugar kung saan niya natutunang mahalin si Chantelle. Masakit sa kanya ang lisanin ito dahil sa pangalawang pagkakataon dito siya nakaramdam ng kasiyahan na hindi man katulad ng naibigay ni Kristle ngunit sapat para makahanap siya ng rason para muling maging masaya.
Nang makasakay sa loob ng sasakyan, agad na kinuha niya ang cellphone para ipaalam kay Kristle na papunta na siya sa bahay nito. Ilang oras din niyang hindi nakita o nakausap ang dalaga, namimiss na niya ito ng higit pa sa inaakala niya.
“Hello” sagot nito sa kabilang linya.
“Baby, I’m on my way to your house. Bakit di ka na nagtext.”, nilangkapan niya ng lungkot ang boses para mas maramdaman nito na namimiss na niya ito, isang mensahe lamang ang natanggap niya mula dito.
“I just thought you need some time alone.”, alam niyang nakangiti ito habang nagsasalita.
“I was joking. Anyway, see you in a bit.”
“Okay. Take care.” matapos ang pag-uusap ay tinungo na niya ang bahay nito.
Napansin ni Raffy ang sasakyang nakaparada sa labas ng bahay ni Kristle, naisip niya kaagad si Nico. Sapat na ang nalaman paraniya ipaglaban si Kristle, agad na bumaba siya ng sasakyan at tinungo ang bahay nito. Ilang segundo matapos niyang patunugin ang doorbell nito ay nakita niya ang dalagang halos patakbong tinungo ang kinaroroonan niya.
“Alam na niya, Raf.” halos naiiyak na sabi nito.
“Calm down. May ginawa ba siya sayo?”, hindi na nagawang sagutin ng dalaga ang tanong niya ng biglang lumabas si Nico at marahas na hinablot sa braso si Krsitle at kinaladkad ito papasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...