Forevermore - Chapter 5 (A Lesbian Love Story)

37.7K 563 12
                                    

Banayad ang ginawang paghalik ni Kristle sa mga labi ni Raffy.  Ramdam niya ang milyon-milyong boltahe ng kuryenteng nanunuot sa kaliit-liitang sulok ng kanyang pagkatao.

Hindi maipaliwanag ni Raffy ang kakaibang sensasyong dulot ng mga labing iyon. Para siyang dinala sa paraiso, isang lugar na tanging si Kristle lamang ang may kakayahang maghatid sa kanya.

Nananatili siyang nakapikit. Para siyang isang tuod na excited na nag-aabang sa mga susunod na mangyayari. Ramdam niya ang magkahalong pagsuyo at kapusukan ng halik. Hindi naman niya binigo ang dalaga dahil unti-unti ring natupok ang natitirang depensa at sumunod sa sinisigaw ng kanyang damdamin. Iginalaw narin niya ang kanyang mga labi at sinundan ang tugtog ng kakaibang musikang nakapalibot sa kanila. Ang kaninang banayad na halik ay nauwi sa isang mapusok at nag-aalab na halik.

“Open your eyes. I want you to open your eyes, Raffy.” bulong ni Kristle sa kanyang mga labi.

Nanatiling nakapikit ang dalaga sa takot na baka maputol ang mahiwagang sandaling iyon. Ayaw niyang matapos ang matagal niyang hinintay, ang pagkakataong maramdaman ang mainit na halik ng minamahal.

“I want you to open your eyes, Raffy.” utos ni Kristle.

Marahang idinilat ni Raffy ang mga mata, “Chantelle?!” bulalas ng dalaga.

 “W—hy? —Did you just k—issed me? nauutal na tanong niya.

 “I’m so sorry, Raf! I know —.. It’s not what you—..” hindi malaman ng dalaga kung anong dapat sabihin para madepensehan ang sarili sa mapanuring tinging ipinupukol sa kanya.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Raffy ng makumpirmang ang dalaga nga at hindi si Kristle ang humalik sa kanya!

“Are you gay?!” nawala ang pagkalasing ni Raffy dahil sa sobrang pagkagulat.

“Ahm.. Raf.” mahabang katahimikan ang namayani bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga. “Yes, Raffy. I’m gay and—I think I like you.. No, I am in — love with you. Kahit alam kong si Kristle lang ang mahal mo.” halos pabulong pero klarong deklara ng kaibigan.

“You love me? Kelan pa, Chan?! Anong nangyari sayo? Why me?” maraming tanong ang gumugulo sa isipan niya.

Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya ng baklang kupido o sadyang mapagbiro lang talaga ito. Sa dinamirami ng taong kilala niya, si Chantelle ang pinakahuling taong maiisip niyang magiging kauri niya. Hindi lang iyon, hinalikan siya ng dalaga!

“I don’t know, Raf. Basta naramdaman ko nalang. Please, don't leave! Please.” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ng dalaga.

“Of course I would still accept you as a friend.” naguguluhan man ay niyakap niya na rin ang kaibigan. Sino ba naman siya para hindi tanggapin ito gayung ito lang ang kadamay niya noong panahong hirap na hirap siya. Hindi lang niya alam kung anong mangyayari sa friendship nila gayong may iba pala itong nararamdaman para sa kanya.

Parehas silang napatitig sa kawalan. Wala ni isa man sa kanila ang gustong bumasag ng katahimikan. Naiilang siya sa tagpong iyon. Hindi niya malaman kung anong dapat niyang isipin. Binabahayan din siya ng matinding lungkot ng malamang panaginip lang pala ang halik na pinagsaluhan nila ni Kristle, na si Chantelle pala at hindi ang minamahal ang nagmamayari ng mga labing pangahas.

Naputol ang pag-iisip ng magsalita ang kaibigan,“I think it’s time for me to leave.”ani Chantelle.

“You can use one of our guest rooms, masiyado ng late para umuwi. “ bukal sa loob na anyaya ni Raffy.

“Thanks Raf, pero  kailangan ko na talagang umuwi. May pinapaayos pa kasi si Papa sakin.” ani Chantelle.

Nang makaalis ang dalaga pumasok na si Raffy sa mansyon ng mga Dela Vega. Bago matulog ay nagcheck muna siya ng phone. May isang mensahe na galing kay Kristle.

“Baby, miss na miss na miss na kita. :’( I love you, babe! ”

Binaha naman siya ng matinding guilt sa nabasa, feeling niya ay nagtaksil siya sa pagmamahal niya para dito. Hindi kasi makakailang nagustuhan niya ang halik ni Chantelle.

Late ng nagising si Raffy kinabukasan, dinidikdik din siya ng sakit ng ulo dahil sa matinding hangover.  Nagpalipas pa siya ng ilang sandali sa kama bago nagpasyang tumayo at maghilamos.

Nang matapos,  kaagad siyang bumalik sa kwarto at laking gulat niya ng makita si Kristle.

“Breakfast in bed?” sabi ng dalaga habang nakapeace sign sa kanya.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon