Forevermore - Chapter 40 (A Lesbian Love Story)

39.8K 640 150
  • Dedicated kay Someone that I used to know
                                    

“One last bite, baby. Open your mouth.”, utos ni Kristle sa kanyang tatlong taong gulang na anak iniuwang ng bata ang bibig pagkatapos ay inilapit ni Kristle ang kutsara sa bibig nito.

“Is Papa coming today?”, tanong ng anak kay Kristle, masasabing matalino ito sa murang edad dahil bukod sa matatas na itong magsalita ay saulado narin nito ang alphabet at marunong narin itong bumilang. Araw-araw ay tinatanong nito sa kanya kung darating na ba ang Papa nito na nasa ibang bansa.

“Yes baby, Papa’s coming today so you better get ready now, okay?”, napuno ng galak ang mukha ng bata at halos tumalon na ito sa tuwa, tinawag niya ang kawaksi na kinuha niyang tagapagalaga nito, hindi naman niya talaga kailangan ng tagapagalaga dahil hands-on siya sa anak kahit na nagtatrabaho parin siya bilang abogado. “Bel, ikaw munang magpaligo kay Arkaye may kailangan lang akong ayusin, if you need something you can find me in my office.”, tumango ang dalaga at iginaya na ang bata papasok sa kwarto nito.

Pumasok siya sa opisinang ipinagawa nila kalapit ng kwarto niya at ng anak, lumakad siya papunta sa table niya kung saan nakapatong ang isang larawan, larawan nilang dalawa ni Raffy, ang tanging taong nagmamay-ari ng puso niya.

Agad na tumayo si Kristle kasama ang mga magulang nila ng makitang lumabas ng Operating Room ang doktor na nag-opera kay Raffy, kinailangang operahan ang kasintahan dahil naiwan sa katawan nito ang bala. Nabaril ang kasintahan matapos itong makipagbuno kay Nico para iligtas siya, buti na lamang ay biglang dumating ang mga pulis at nabaril ng mga ito ang binata, hindi na umabot ang binata sa ospital dahil dineklara itong dead-on the-spot.

Napansin kaagad niya ang bagsak na balikat ng doktor kaya naman sinalakay siya ng matinding kaba at kalungkutan, naramdaman niya ang marahang pagpisil ng ina ni Raffy sa balikat niya habang ang ama nito ay inalalayan sila palapit sa doctor. “Doc, how’s my daughter?”, tanong ng ina ni Raffy sa doktor ng makalapit ito sa hindi katandaang manggagamot .

“The operation was successful, unconscious parin ang pasyente at kasalukuyang sinasalinan ng dugo. Tatapatin ko na po kayo Mr. and Mrs. Dela Vega, malubha ang naging tama ng anak ninyo at hindi maganda ang response ng katawan niya, under coma ang pasyente at tanging dasal niyo ang makakapagligtas sa kanya. Ililipat narin namin siya sa room 301, for the mean time, dito po muna kayo sasabihin nalang po ng nurse kapag pwede na kayong pumasok sa kwarto.”, narinig na niya ang paghagulgol ng ina nito, siya naman ay hindi na pinigilan ang luhang kanina pa nagbabadya sa sulok ng mata niya.

Hindi pwedeng mawala si Raffy, ngayon pa na ikakasal na sila, kung kailan sasaya na silang dalawa sa piling ng isa’t isa. Nang nawala sa paningin niya ang doktor ay tuluyan na ngang bumagsak sa sahig si Kristle naramdaman niya ang paghagod ng kamay ng ama ni Raffy sa likod niya na nakapagbigay sa kanya ng kaunting luwag sa kalooban.

Lumipas pa ang ilang oras bago sila sinabihan ng nurse na nailipat na raw ng kwarto si Raffy, kasalukuyan silang naghihintay sa labas ng kwarto nito. Ilang minuto narin simula ng nailipat si Raffy sa pribadong kwarto nito ngunit hindi parin sila pinahihintulutang pumasok sa loob.

Hindi kalayuan sa kwarto ni Raffy ang kwarto na inuukupa ni Chantelle, ligtas na ito sa panganib dahil hindi ganoong kalala ang naging tama nito ngunit marami ring dugo ang nawala sa katawan ng dalaga dahilan para salinan din ito katulad ni Raffy.

Lumabas mula sa kwarto ni Raffy ang dalawang nurse kasama ang doctor na nakausap nila kanina, “Mr. and Mrs. Dela Vega, you can now go inside.”, sabi nito habang nakatingin sa dalawang matanda.

Tumingin sa kanya ang ama ng kasintahan pagkatapos ay nilingong muli ang doktor, “Any good news dok? Kamusta na ang anak ko?”, tanong ng ama ni Raffy sa doctor na tila narinig ang laman ng utak niya.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon