Forevermore - Chapter 36 (A Lesbian Love Story)

25.2K 349 10
                                    

“I love you.”, bulong ni Kristle sa kay Raffy habang patuloy parin ito sa paghalik sa leeg niya. Nanatili siyang nakatalikod sa dalaga, hindi maproseso ng utak niya ang dapat niyang gawin, gusto niya ang ginagawa nito pero may bahagi sa utak niya na tumututol, hindi dahil sa ayaw niya kundi gusto niyang respetuhin ito at maghintay hanggang ikasal sila.

Humarap siya dalaga, “Babe…”, hinawakan niya ang kaliwang pisngi nito habang nakatitig sa napakagandang mukha nito.

“Hmmn.”, sagot nito.

“I love you, mahal na mahal na mahal kita, I want you to know how much I love you! You are the only person I wish to spend my life with.”, naluluhang sabi niya, “Please, bie. Don’t you ever dare leave me again! Promise me?”, hindi na niya kayang malayo muli sa dalaga. Hindi na niya hahayaang mawala muli ito sa kanya.

“I promise. Hindi na kita iiwan, we’ll spend the rest of our lives together. Okay? I love you, baby!” sagot nito sa kanya pagkatapos ay hinalikan siya sa mga labi.

“We’ll get married, right?” tanong niya, tumango naman ito. “I want you but let me have you the first night after our wedding.”, tumawa naman ito saka kinintilan siyang muli ng halik sa mga labi.

“Okay, I love you!” sabi nito, mahimbing ang tulog nila sa bisig ng isa’t isa.

Hindi na ginising ni Raffy ang mahimbing na natutulog na si Kristle, pagkatapos magtoothbrush at maghilamos, maingat na lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa kusina para sana kumuha ng tubig ngunit umurong ang tapang niya ng makita ang tatay nito na nakadulog sa hapagkainan at nag-aalmusal.

“Sabayan mo na akong mag-almusal, anak.” nakangiting bati nito sa kanya, tumayo ang matanda at kumuha ng baso, sa tingin niya ay para magtimpla ng kape. “Ano bang klaseng kape ang gusto mo at ipagtitimpla kita.” alok nito.

Lumapit siya sa lamesa at umupo sa katapat nitong upuan, “Wag na ho kayong mag-abala, – “ hindi niya alam kung paano niya tatawagin ang matanda, tumingin naman ito sa kanya at muling ngumiti.

“Tawagin mo narin akong Itay.”, sabi nito sa kanya habang nagsasalin ng kape sa basong nilagyan nito ng mainit na tubig kanina, matapos haluin ay inilagay nito sa harap niya ang baso.

“Salamat ho, –Tay“, ngumiti siya sa matanda.

Dumating naman ang asawa nito at inilapag ang isang balot  ng kakabili lamang na mainit na tinapay, nagpaalam naman ito kaagad dahil baka maubusan na raw ito ng tinda sa palengke. Naiwan ulit siya kasama ang tatay ni Kristle.

“Ineng, alagaan mo ang anak ko, ipinagkakatiwala ko na siya sa iyo, ramdam ko naman na mahal talaga ninyo ang isa’t isa at hindi ko na kayang hadlangan ang kasiyahan ng nag-iisang babaeng anak ko.”, matapat na sabi nito. Natutuwa siya sa sinasabi ng matanda sa kanya, malaking bagay sa kanya ang malamang hindi na ito tumututol sa relasyon niya sa anak nito.

“Makakaasa po kayo, tay. Ako pong bahala kay Kristle.”, gusto man niyang hingin ang kamay ni Kristle sa matanda, hindi pa niya masabi dito ang plano niyang pakasalanan ang dalaga, ayaw rin niyang mabigla ito, natatakot siyang baka itakwil na naman sila nito kapag nalaman nitong gusto niyang pakasalanan ang nag-iisang babaeng anak nito. Hihintayin muna niyang maging opisyal ang lahat bago niya hahayaang silang dalawa mismo ni Kristle ang magsabi sa mga magulang nito.

“Oh siya anak, iiwanan muna kita di’ne may kailangan lang akong ayusin sa bayan.” tumango siya sa matanda, hindi nagtagal ay naiwan siyang naiisa sa hapag kainan.

Pagkatapos kumain ay sinilip niyang muli si Kristle na mahimbing parin ang pagkakatulog, alas-sais pa lamang ng umaga kaya mamaya na niya gigisingin ang dalaga. Nagpasya siyang lumabas ng bahay upang lumanghap ng sariwang hangin, humiga siya sa duyan na nakabitin sa puno ng mangga di kalayuan sa bahay nila Kristle.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon