Habang nagmamaneho pauwi si Raffy, iniisip niya ang mga possibleng dahilan kung bakit magkasama si Nico at Kristle. Anong koneksyon ng dalawa at bakit kinukutuban siya na hindi lamang magkaibigan ang mga ito? Kung totoo ang hinala niya, may alam kaya si Chantelle sa dalawa, naglihim nga ba sa kanya ang kasintahan tungkol kay Kristle?
May nag-uudyok sa kanyang na magimbestiga, gusto niyang malaman ang lahat sa likod ng biglaang pagkawala ni Kristle kasama ng memorya nito. Naalala niya ang reaksyon ni Nico noong nakita niya ito sa opisina ni Chantelle, possible kayang may kinalaman kay Kristle ang pagkikita ng dalawa?
Ayaw niyang magduda sa kasintahan dahil naniniwala siyang mabait ito at hindi nito kayang saktan siya, sadyang nagulat lamang siya ng makita niya si Nico, of all people, bakit sasama si Kristle dito? Sa pagkakatanda niya isang beses pa lamang nagkita ang binata at si Kristle kaya napakaimpossible na maging ganoong kalapit ito sa isa’t isa.
Sumasakit ang ulo niya sa pinaghalong kalasingan at matinding pag-iisip. Dumiretso muna siya sa condo niya at doon magpapalipas ng magdamig, bukas ng umaga, kapag kalmado na ang utak niya ay saka siya gagawa ng hakbang para malaman ang katotohanan.
Maagang umalis ng condo si Raffy upang puntahan ang opisina ni Lawrence, kakausapin niya ang binata tungkol kay Kristle. Hindi pa pwedeng malaman ni Chantelle o ni Kristle ang iniisip niya dahil natitiyak niya na hindi ang mga ito ang tamang tao na dapat niyang kausapin. Hinanda na niya ang sarili, kung totoo man o hindi ang kutob niya tatanggapin niya ng buong puso ang katotohanan.
Hindi naging mahirap sa kanyang hanapin ang opisina nito dahil kagabi pa lamang bago siya matulog ay tinawagan na niya ang sekretarya niya para alamin kung saan nagtatrabaho ang lalaki. Kasalukuyan siyang nasa harap ng building ng lalaki, nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago tuluyang lumabas ng sasakyan at umakyat papunta sa opisina nito. Tulad ng inaasahan niya, hindi siya pinapasok ng sekretarya nito dahil wala raw siyang nakaschedule na appointment sa binata. Tatalikod na sana siya ng makita itong papalabas ng opisina, natigilan ito ng makita siya.
“Raffy, what are you doing here?” gulat na tanong nito sa kanya.
“I want to talk to you about Kristle.” wala siyang gustong sayangin na oras, ipinaalam na niya kagad dito ang pakay niya bago pa man siya talikuran ng binata. Bakas sa mukha nito ang pagdadalawang isip, “Please Lawrence.”
“Okay, just stay here. May kailangan lang akong asikasuhin, I’ll see you after the meeting.” ngumiti ito sa kanya bago nilingon ang sekretarya, “Mrs. Cruz, re-schedule all my appointments for the rest of the day.” nilingon siya ulit nito at ngumiti bago pumasok sa loob ng isang conference room. Nagtataka siya kung bakit buong araw ang pinakansela nito gayong ang plano niya ay saglit lamang ang magiging pag-uusap nila. Nagkibit balikat na lamang siya, marahil may iba pang plano ang binata.
Halos isang oras na simula ng iwanan siya ng binata kasama ang sekretarya nito, komportable naman ang paligid ngunit hindi niya maiwasang huwag pagpawisan sa mga possible niyang malaman tungkol sa nakaraan.
Labing limang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang mga tao sa loob ng conference room, huling lumabas ang binata at kaagad na nilapitan naman siya nito.
“Pasensya na, we need to tackle a lot of things. You know, work.”, hindi nito kailangang humingi ng paumanhin sa kanya dahil siya ang nangistorbo.
“Thank you, Lawrence. I know you’re busy and I really appreciate your time—“
“No need.” putol nito sa sinasabi niya, nakakunot ang noo nito habang nakahawak sa balikat ang isang kamay na tila sobrang napagod sa trabaho. Malaki na ang pinagbago ng binata, noon kasi ay patpatin ito at walang kadating dating, ngayon ay larawan na ito ng kompiyansa sa sarili, dumaan pa lamang ito ay paniguradong lilingunin mo na dahil sa lakas ng sex appeal nito.
“Hey, where’d you wanna eat? I’m starving.” tumawa siya sa itsura ng binata, hinihimas na nito ang tiyan habang ang isang kamay naman nito ay inaalalayan siya papasok sa elevator.
“Anywhere, as long as we could talk.” sabi niya.
Naging komportable siya sa binata sa loob ng maikling oras, dinala siya nito sa isang restaurant malapit sa opisina, iniwan niya muna ang sasakyan niya sa parking lot ng opisina nito at ginamit nila ang mamahaling nitong sasakyan papunta sa kakainan nila. Pagkatapos umorder ay humarap ito sa kanya gamit ang matang nagbibigay pahintulot para simulan niya ang pagsasalita.
“Lawrence, I’m gonna go straight to the point. I need to know everything since Kristle got into that—accident.” diretso ang pagkakatingin niya sa binata, “I’m sorry if I need to bot—“
“Okay lang Raf,” kinuha nito ang kamay niya at marahang pinisil, “matagal na kitang hinahanap, matagal narin kitang gustong makausap tungkol kay Kristle but believe it or not, hindi ka mahanap ng mga investigators na inupahan ko, I don’t know, looks like you are so good at hiding or someone’s trying to hide you.” tumingin ito sa table napkin na nakapatong sa lamesa, “You see, Kristle is very special to me, even before. Ayokong maglihim sa kanya pero kailangan—nakiusap sakin si Tita.”
“Just say it Lawrence, pinapakaba mo ako!” pinutol ng waiter ang pag-uusap nila, dumating na ang order nila at bilang pagrespeto sa pagkain ay napagkasunduan muna nilang ubusin muna ito bago ipagpatuloy ang pag-uusap.
Klaro na sa kanyang utak na may lihim nga talaga sa pagkawala ni Kristle dati, kailangan niyang malaman ang lahat. Hindi siya nagkamali, si Lawrence ang makakatulong sa kanya. Matapos kumain ay hinarap na niya ulit ang binata.
“I thought you and Kristle are dating.” nakaramdam siya ng kirot ng sabihin niya iyon hindi parin talaga siya sanay na isipin na pag-aari ng iba si Kristle, “Akala ko ikakasal na kayo.”
Hindi niya inaasahan ang reaksyon ng binata, tinawanan lamang siya nito at marahang tinapik ang braso niya.
‘Oh! Did I just saw that?’ bulong niya sa isip, hindi niya namalayan pagbuo ng matinding pagkakakunot ng noo niya.
“Oh fuck! Hindi mo alam Raffy?” halos lumuwa ang mata nito sa matinding pagkagulat.
“What should I know?” tanong niya, hindi parin naaalis ang kunot sa noo niya.
“Paanong magiging kami ni Kristle! I am soo gay! Hindi kami talo nun!” mas lumakas ang pagkakatawa nito.
“Oh!” siya naman ang pinanlakihan ng mata, hindi niya inaasahan ang mga ganitong rebelasyon. Ang ipinunta niya dito ay si Kristle pero naaaliw parin siya sa sinasabi ng lalaki, should I say, baklita sa harapan niya. ‘At least hindi mo siya kaagaw kay Kristle’
“I’m sorry I was not aware, look at you, you look—straight and..” pinasadahan siya nito ng tingin, “Okay I get it. Right, just like me.”pinarolyo niya ang mata saka sabay silang natawa. Bakit nga ba hindi niya napansin na mas lumambot ang kilos nito? Pinagselosan pa naman niya dati ito tapos baklita rin pala ito! “Teka diba niligawan mo dati si Kristle? Paanong—“
“Gusto ko talaga si Kristle noon, but I think I love her more as a sister. I’m happy with my life,” tumirik pa ang mata nito marahil ay naalala ang minamahal nito ngayon, “Yes, may boyfriend ako ngayon.” tila nabasa nito ang iniisip niya dahil tungkol nga sa boyfriend nito ang sinabi. “Enough na. Balik tayo kay Kristle.”
BINABASA MO ANG
Forevermore (GirlxGirl) - Completed
RomanceSino ba namang hindi mapapalingon sa taglay nilang karisma, si Kristle na isang mala-korean actress at si Raffy na isang Filipina version ni Megan Fox. Bata pa lamang sila ni Kristle ay may lihim ng pagtingin si Raffy sa babae. Sa edad na anim na ta...