****01

33.9K 1K 34
                                    

Nikki's POV

"Mamaaaaaa" sigaw ko kay mama. Nasa baba kasi siya tapos nandito naman ako sa taas. I'm currently packing my stuffs ,kasi mamaya aalis na kami ni Mama.

"Nikki, what's wrong? Ba't ka sumisigaw?" hingal na tanong ni mama. For sure tumakbo to papunta rito

"Hindi na po kasi magkasiya ang mga damit ko sa maleta" nakapout kong sabi kay mama

"Tsssss. Akala ko kung ano. You can leave your old clothes. Bibilhan ka na lang namin ni Tito Arthur mo ng bago, okay?" sabi ni mama.

Yessssssss! Mag sho-shopping na naman kami ng bagong clothes.

Nga pala, lilipat na kami ng bahay ni mama at sa bahay nina Tito Arthur yun, my step father. Yes. My step father. Patay na kasi ang papa ko at dahil sa paglilingkod niya bilang isang sundalo. Papa was a great man sabi ni Mama and I'm a very proud daughter.

Grade 7 ako ng magkaroon ng relasyon si Mama at Tito Arthur. Nagkakilala sila dahil si Mama ang nakuhang engineer ng company ni Tito Arthur para sa bago nilang building. Tito Arthur owns the 4th largest publishing company here in the Philippines and isa si Mama sa pinakamagaling at pinakatinitingalaang engineer dito sa Philippines.

Tito Arthur is a nice man. He treated me like his real daughter. Mayroon siyang 4 na anak sa namatay niyang asawa dahil sa sakit na cancer and lahat ng anak niya ay puro lalaki kaya ganun niya lang ako tratuhin. Take note, hindi ko pa sila nakikita dahil hindi nagkakasundo ang time nila at ni Tito Arthur. Pag busy ako, iniinvite naman niya akong pumunta sa bahay nila para makilala ang mga anak niya and pag siya naman ang busy ako naman ang nangungulit sa kaniya. Kaya medyo excited ako, slight lang po hehe.

"Nikki, bumaba ka na. Your Tito Arthur is here." sabi ni mama.

"Okay mama. On my way na po." sabi ko habang papunta na sa baba at hilahila ang maleta ko.

Nakita ko si Tito Arthur at yung driver nila. Bitbit ni Manong driver ang iba naming gamit papuntang kotse. Napansin ko rin na ang mga furniture at appliances ay nakabalot na ng puting tela.

"Shall we go, sweeties?" nakangiting tanong ni Tito Arthur

Mama and I nodded

And pumasok na agad kami sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na dalawa pala ang kotse na dala nina Tito Arthur. Ang isa ay para sa mga maleta at mga kahon na dala namin, ang nagdrive eh yung driver ni Tito Arthur at nauna ng umalis. Ang isa naman ay si Tito Arthur ang nag da-drive. Ako lang ang nasa back seat. Nilingon ko naman ang bahay namin. Hay. Mamimiss ko tong bahay na to, dito na kasi ako lumaki, at dito narin ako naging mature at iba pa.

*******
"Nikki? Sweety, gising na. Nandito na tayo"

Ginising ako ni mama kaya dumilat na ako , hmmm nandito na pala kami. Nakatulog na pala ako dahil sa haba ng byahe

"Mama, nasaan po yung jansport ko?" sabay hanap ng bag ko.

"Dinala na ng Tito Arthur mo. Halika na." sabay hila niya sa akin.

Napalingon ako sa likod ko, nakita ko naman ang fountain nila na nasa gitna, grabe ang yaman pala talaga nila tito arthur. Iginaya naman kami ng butler nila tito papasok At pagpasok namin, napa-WOW ako. Ang ganda ng bahay nila. Malaki rin yung amin pero naamaze pa rin ako dahil ang ganda ng style at ang furniture nila ay super amazing. Ang dami rin nilang maids. Malaki nga ang bahay namin pero wala naman kaming maid. Sabi kasi ni mama kami lang raw dalawa sa bahay at parehong babae pa kaya hindi na siya naghire ng maid.

"Nikki, sweety. Yung color blue na pinto sa second floor na katabi ng green na pinto, yun ang kwarto mo and yung mga stuffs mo nandoon na" sabi ni Tito Arthur

"Okay po Tito. Thanks po" sabi ko kay Tito at hinalikan sa cheeks si Mama at Tito Arthur.

"Nikki, pagkatapos mong ayusin yung mga gamit mo. Pwede kang matulog and tatawagin ka lang namin if magdidinner na tayo" sabi ulit ni Tito Arthur.

"Okay po, Tito" nakangiti kong sabi sabay akyat ko papuntang kwarto.

Pag-pasok ko sa kwartong sinabi ni Tito Arthur, na amaze ulit ako. Ang laki ng kwarto ko. Mas malaki pa ito sa kwarto ko dati. Ang cute rin ng color ng walls ,mint green and ang ceiling eh sky blue na may clouds formation ang design. Ang cool talaga, refreshing ang feeling ko sa kwartong to.

Inorganize ko na ang mga gamit ko. After that, natulog ako.

*******

Nagising ako dahil sa katok ni mama sa pintuan ko. Pagtingin ko sa phone ko, 8:10 na pala kaya tinali ko na ang buhok ko at nagmadaling buksan ang pintuan.

"Halika na. Kakain na tayo and nandito na rin ang mga anak ng Tito Arthur mo" sabi ni mama habang inaayos ang dulo ng buhok ko na naka ponytail.

Medyo kinakabahan ako habang papunta kami ni Mama sa dining area. Okey ito na. Makikita at makikilala ko na rin sila.

"Take a seat, my dear Nikki" sabi ni Tito Arthur.

Lahat ng anak ni Tito eh nakatingin sa akin. I guess, I'm melting dahil sa mga titig nila. KYAAAAA!!!!! Nahihiya na ako. Ikaw ba naman ang titigan ng mga naggwagwapohang lalaki, di ka ba matataranta o di kaya mahihiya?

"Sweety, umupo ka na" sabi ni mama.

Kaya umupo na agad ako dahil ako nalang pala ang nakatayo. Gosh! Nakakahiya >////<

"Nikki meet my sons, Christian, Dhavid, Cyrus at si Daemon naman eh on the way na raw" sabi ni Tito. Nasa harapan ko ang mga anak niya and katabi ko si Mama. Habang pinapakilala ni Tito yung mga anak niya, tinuturo niya ito kaya hindi ako gaanung nalito kung sino ang mga pinagsasabing pangalan ni Tito.

"Am I late,dad?" tanong nang lalaking mala ADONIS ang dating na nakatayo sa may bukana ng kitchen kay Tito Arthur.

"Hindi pa naman, Daemon. Halika umupo ka na, tumabi ka na lang kay Christian. And Daemon, this is Nikki. Reina's daughter." sabi ni Tito Arthur and Daemon took a glare on me. Kyaaaah~ ano ba!

"Sons, napag usapan na naman natin diba na dito na titira sina Reina and Nikki? So please be nice to Nikki alam kong naging mabait na rin kayo kay Reina so, kay Nikki na rin kayo maging mabait, okay?"

"Aye. Aye, Captain" asbay na sabi nilang apat at sabay
salute kay Tito Arthur. I guess close sila sa isa't isa. Ang cute lang hehe.

Nasa may terrace ako and nagsta-star gazing. Ang ganda ng langit ngayon, ang daming stars and full moon pa.

"Hey Nikki" nagulat ako kasi naputol yung pag momoment ko at lumingon. Nakita ko si Christian.

"Hey. Kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kaniya and I felt awkward.

"Hindi naman. So, what are you doing here? It's almost 10:45. Hindi ka pa inaantok?" tanong niya sa akin.

"Nope. Hindi pa ako inaantok. Nagsta-star gazing. Ganito kasi ako kapag hindi pa inaantok eh." sabi ko sa kaniya.

"I see. So, how old are you? Nakalimutan ko kasi nung kinuwento ka ni Dad sa amin eh."

"Ahhhmm 17 years old. Ikaw?"

"18. So, mas matanda ako sayo ng 1 year. And don't you dare tawagin akong kuya kasi it's so disgusting" sabi niya. Natawa naman ako sa reaction niya kasi may suka effect pa haha.

"Fine, Christian."

"Good. Punta nako ng kwarto, inaantok na kasi. Good Night, Nikki."

"Likewise, Christian"

Umalis na nga siya at ako nakatingin na sa kalangitan. I guess magiging okay ako rito. Sana nga.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon