****53

6.7K 219 25
                                    

Christian's POV

"Kailan ka babalik sa States?" tanong ni Dad.

"Maybe next week" sagot ko sa kaniya.

Sa totoo lang di ako sigurado kung kailan o babalik pa ako doon. Hindi pa yata ito ang tamang panahon para bumalik. Sa mga nangyari, di ko pa din kayang magsimula uli.

"Hindi ka tuloy makaka attend sa premiere night ng movie mo" naghihinayang na saad ni Tita Reina.

"Okay lang po. Si Direk na raw ang bahalang mag-eexplain sa media pag nagtanong ang mga ito"

"Okay ka lang ba talaga? Huwag kang mag-alala, for sure bukas makakalakad ka na" sabi ni Dad.

"Sana nga po" malumanay kong saad

Mahigit isang linggo na akong hindi nakakalakad dahil sa natamo kong sugat sa binti ng dahil sa kagagawan ni Courtney.

"Tian, halika na. Pupunta pa tayo ng sementeryo" sabi ni Dhavid sa akin.

"Mag-ingat kayo. Gusto ko mang sumama pero may gagawin pa ako. Napalapit na rin sa akin kahit papano ang batang yun" malungkot na pagkasabi ni Tita Reina

"Alis na po kami" paalam ni Dhavid kina Dad at Tita.

Tinutulak ngayon ni Dhavid ang wheel chair kung saan ako nakasakay papuntang garahe.

"Cyrus, tulungan mo akong buhatin si Tian" sabi ni Dhavid.

Dahan-dahan nila akong binubuhat papasok ng kotse. Di naman sila masyadong nahirapan sa pagbuhat sa akin.

"Nasaan si Daemon?" tanong ko sa kanila

Pinapaandar na ni Dhavid ang makina ng kotse.

"Umuna na siya. Nalulungkot pa rin siya sa nangyari" malumanay na saad ni Cyrus.

"Magpahinga muna kayo. Medyo traffic pa naman papuntang sementeryo. Gigisingin ko na lang kayo pag nandun na tayo" sabi ni Dhavid

Tumango ako at tumingin sa labas ng sasakyan. Ba't ganito ang nangyari? Ba't kailangan pang may mamatay?

Isang linggo na ang nakakaraan na sobrang bigat ng ambiance sa bahay ng dahil sa nangyari.

Sa lalim ng pag-iisip ko, di ko namalayan na naka-idlip na pala ako.

****
"Nandito na tayo, Tian" nagising ako sa mahinang pag-alog ni Dhavid.

"Halika na,kuya" sabi ni Cyrus.

Binuhat nila ako ulit para maka upo na sa wheel chair.

Si Dhavid pa rin ang nagtutulak sa wheel chair na sinasakyan ko.

"Kuya" tawag ni Cyrus kay Daemon

"Mabuti't nakarating na kayo. Ako na, Dhavid. Baka pagod ka sa pagmamaneho. Traffic pa naman" sabi ni Daemon at tulak-tulak na ang wheel chair.

"Condolence po, Sir" galang na saad nina Cyrus at Dhavid.

"Maraming salamat sa pagpunta niyo rito at patawad sa nagawa ng anak ko sa inyo lalo ka na Christian. We're very sorry for that" sincere na pagkasabi niya.

"Kay Nikki po kayo dapat humingi ng tawad, wag po sa akin" magalang kong saad sa kaniya

"Speaking of Nikki, nasaan siya?" tanong ni Cyrus

"Nandun" sabay turo ni Daemon sa babaeng nakaputi at nakatingin sa libingan na nasa harap niya.

"Kakalibing lang ni Courtney. Kaya hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Nikki" saad ni Daemon.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon