Nikki's POV
"Nikki!!!!!!"
Napadilat ako ng makarinig ako ng sigaw.
Inangat ko ang ulo ko kahit ang sakit na nito dahil sa pagsabunot at pagsampal sa akin ni Nicoleen.
"Tssss! Nandito na pala ang The Three Musketeers or should I say the three knight and shining armor ng buhay mo, Prinsesa Nikki" sarkastikong saad ni Nicoleen. Napakasama talaga ng babaeng to.
"Anong ginawa mo kay Nikki" sabay na saad ng tatlo. Nina Jake, Daemon at Christ.
"Tsss! Napaka OA naman ng tatlong knight and shining armor mo, Kamahalan hahahaha minor lang yan noh! Konting sabunot at sampal lang yan. OA niyo masyado"
"Langya kang babae ka! Wala kang karapatang gawin yan kay Nikki" sabi ni Christ at aakmang susugurin na sana si Nicoleen ng
BANG!!!!!!
"Christian!!!!!" sabay nasigaw ni Jake at ni Daemon
"Christ!!" pilit kong pagsigaw kahit na nanghihina ako.
"Pasalamat ka, Tian mabait akong tao hahahaha" mukhang baliw na pagtawa ni Nicoleen.
Binaril niya si Christ sa binti kaya ito natumba.
"Walang hiya kang babae ka! Ang sama mo. Pagsisihan mong ginawa mo kay Tian at Nikki!" sigaw ni Jake.
"Tali.an silang tatlo. Bilis!" utos ni Nicoleen sa tatlong malalaki at armadong lalaki na nandito rin.
"Magkatulad lang tayo, Jake. Masama ka rin pero mas masama pa rin ako kaysa sayo! Di ba ayaw mo kay Daemon? Di ba galit ka sa kanya? Oh anong nangyari? Plano mo rin ba ito? Tsss!"
"Tumahimik ka! Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi ka na mahal ni Daemon ha? Pati si Nikki dinamay mo pa sa kahibangan mo!"sigaw ni Jake habang tinatali.an sila nung mga lalaki. May makakatulong pa ba sa amin rito?
"Well, kasalanan nitong babaeng to kasi nga inagaw niya sa akin ang pagmamay-ari ko!"
"Di mo ako pagmamay-ari, Nicoleen. Tanggapin mo na lang na hindi na kita mahal" sabi ni Daemon.
"Tanggapin? I just can't accept the fact, Daemon! I just can't accept na di mo na ako mahal ng dahil sa babaeng yan! Sabi mo dati hindi mo ako ipagpapalit? Sabi mo tayo habang buhay? Madami tayong plano di ba? Ang dami nating pinangako sa isa't isa. Bakit ganun Daemon? Sinira mo yung pangarap natin. Ako na lang ba? Ako na lang ba ang kumakapit sa mga salitang binitawan mo? Ako na lang ba?" umiiyak na Nicoleen ang nasa harapan naming lahat.
Ganun ba nila kamahal ang isa't isa dati?
"Ikaw ang sumira nun,Nicoleen. Hindi ako. Ikaw ang nang iwan. Please, tanggapin mo na lang na hindi na natin maibabalik ang dating tayo, Nicoleen"
"Mababalik pa natin yun, Daemon kung hindi lang dahil sa babaeng yan! Kung hindi lang yan dumating, maibabalik pa natin ang dati. Kaya ako na lang ulit,please. Alam kong ako pa rin. Ako pa rin ang nasa puso mo Daemon. Ramdam ko. Ramdam ko na ako pa rin" pamimilit ni Nicoleen sa kanya.
"Hindi na pwede, Nicoleen. Di na kita mahal. Hayaan mo na lang kami, please" pagmamakaawa ni Daemon kay Nicoleen.
Lumapit si Nicoleen sa akin at hinawakan ng mahigpit ang buhok ko.
"Ahhhh!" sigaw ko. Ang sakit ng pagkakahawak niya.
"Ito? Itong babae ba ang mahal mo Daemon? Di ka niya mahal. Di ka niya mahal! " at sinabunutan at pinagsasampal ako ni Nicoleen
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?