Hello po ☺👋 Pass po muna tayo sa MonNikk (Daemon and Nikki) love team ahh? Paki insert muna tong lovestory ng CyFanny. Namiss ko sila eh haha sana mag-enjoy kayo
Cyrus's POV
"Tama ba tong gagawin natin? Baka hindi pa niya ako kausapin nito" pagmamaktol ko sa kanila eh kasi naman kung anu-anong pinag isip na trip.Nasa bahay kami lahat except kay Kuya Daemon. Lately, kasi di na siya gaanong pumupunta ng bahay tapos parang wala pa sa sarili kung kausap siya. Ngayon tuloy, si Nikk ang naghihirap. Naaawa na nga ako sa kanya eh pero pag nandito yung si Kuya Tian, masuntok niya siguro si Kuya Daemon kasi nalulungkot si Nikki's ng dahil sa kanya. Ganyan kahalaga si Nikki kay Kuya Tian.
"Baliw! Gagana to noh! Magtiwala ka lang sa gwapo" hanging masyado ng Kuya ko noh? Si Kuya Dhavid lang naman yan.
"Kailangan pa bang ngayon? Pwede naman siguro bukas,next day, next m- - - -"
"Paano pag huli ka na? Pano bukas pangalawa wala na si Tifanny? Eh ikaw rin. Kung ayaw mo eh di tapu - - - - - -"
"Just kidding, Kuya" bumaba na kami ni Kuya Dhavid papuntang sala. Inayusan kasi niya ako para daw mag mukha naman daw akong isang tao. Oh eh di siya na ang magaling. Ang daming alam eh.
"Ang pogi ng bunso oh" pang aasar ni Tita Reina sa akin. Nga pala simple lang naman yung ayos ko. Naka jeans na itim lang ako tapos naka plain v-neck na color Maroon. Pinili yan ni Kuya Dhavid ang color maroon. Paborito raw niya eh. And naka black Vans shoes ako. Okay naman siguro tong dating ko di ba? Ang pogi ko nga raw eh hahaha eh sa totoo naman eh.
"Ready mo na ba yung kanta mo para sa kanya?" tanong ni Nikki sa akin.
"Yeah. I choosed the great song and I am sure na relate sa amin ang kanta haha"
"Kung hindi lang maganda yung boses mo baka pinagtawanan na kita diyan. Ang hangin mo eh haha" tawa naman ng magaling kong kuya na si Dhavid. Hays! Baliw talaga yan eh.
"Anong kalantahin mo? Sinong kumanta? Ang 1D ba? Ha?" kinikilig talaga siya sa 1D eh
"Hindi. Nakakaumay na kaya mga kanta nila. Araw-araw ko nang naririnig mga kanta nila. Araw araw ka kasing nagpapa music eh. Malakas pa nga eh. Naaabot sa kwarto ko yung music mo." Sabay tawa nilang lahat except sa amin ni Nikki. Naka pout pa talaga si Nikki. Eh sa totoo naman eh.
"Oh siya. Pumunta ka na sa Lily's ipapakuha na namin ssi Tifanny kina Nikki at Dhavid." Sabi ni Tita Reina. Umalis na sina Kuya Dhavid.
"Eh sinong hahatid sa akin?"
"Puntaha mo na lang sa garage. Yung Porsche ang sakyan mo. May naghihintay na sayo dun. Have fun , baby. Dapat mapapayag mo siyang ligawan ahh" daddy
"Daddy, naman. Di na ako baby. Alis na nga ako" pinagtawanan lang naman po nila ako.
Pumsaok na ako sa Porsche sabi ni Dad eh. Sa backseat ako sumakay.
"Don't seat there" yung boses na yun.
"Gagawin mo pa akong driver mo ahh? Kagagaling ko pang states tapos magiging driver mo ako? The fudge!" Siya nga!
"WAAAAAA! Kuya Tian! Agad ako umupo sa shotgun seat.
"Shut up! You're too annoying,Cy" eh na miss kaya kita. Nag pout na lang ako..
"Stop that lil bro. You're so gay haha" sabay gulo ng buhok ko. Na miss ko talaga si Kuya. Ang laki ng pinagbago niya. Pero siya pa rin ang lovable na Kuya meron ako. Grabe! Namiss ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?