Christian's POV
"Okay ka lang ba, TIAN?" tanong ni Manager Kyla sa akin. Sa totoo lang, hindi ako okay. Eh kasi nagpunta pa tong Nikki na to sa mall show ko. Di ko naman naiisip na pupunta sila noh? Hindi kaya yun aware sa show business.
"Okay. mag smile ka. Tiis na lang. Kaunti na lang ang nagpapa autograph sayo" utos ni manager sa akin. Tapusin ko muna tong autograph signing nato.
And after, how many decades. Choss! Eh natapos na rin ang autograh signing nato. Makakauwi na rin ako, finally. Kailangan ko pa ng beauty rest para sa tv interview bukas.
Aalis na sana ako sa venue ng...
"Christ!" don't tell me nandito siya? Huwag please! Di ko pa kayang harapin siya. Di pa ready ang kagwapuhan ko noh!
I turned around and TADADADA! Siya nga.
"C-an w-we t-talk?" oyy! Nauutal siya hahahaha! Eh ano bang meron ha? Ba't pa ba siya nandito?
"I- - - -"
*ringgggg! *ringgggg!
Okay! Nice one kung sino man tong tumawag. Ika nga "SAVE BY THE BELL" ang peg ko
"Hello, babe?" hahaha edi wow! Ako ng award winning actor hahaha
"Gotta go. I'm busy" sabay walk out. Eh sa ayaw ko pa siyang makausap ehh.
"Hoy! Anong babe? Kuya, confirmed! Bading ka nga eh! And don't call me babe. Too gross. My sweety pie na kaya ako!" salamat at si Cyrus lang to! Di ako mahirapan mag explain
"Shut up! I'm not gay, okay? It's just an excuse. Nandito kasi kanina si Nikkk with her bff. Eh sa ayaw ko pa siyang makita. Di pa kaya ako ready!" explain ko sa kanya
"Ang bading mo hahaha" baliw eh noh?
"Whatever!"
"Haha okay! Mag share ka nga sa nangyari kanina!"
"Fine! Nasa bahay ka ba?" tanong ko kay Cyrus
"Yeah"
"Okay. I'll pick you there. Ipapaalam na lang kita kay Dad and get ready. I'm own my way" sabay end call ko. Ayaw kong ako ang unang mababaan ng call noh
************
Papunta na ako sa bahay and thank God walang traffic. Mas mapapadali ang pagpunta ko sa bahay.Anyways, nakapag paalam na rin ako kay Dad. Nga pa pala, ayaw sana ni Manager Kyla na umalis ako mag-isa. Gusto nga niya na may kasama ako kahit isa sa mga body guard ko pero nag ayaw ako and pumayag naman siya. Hindi niya kasi matiis ang gwapo kung mukha hahaha and so much for that info.
Finally, nakarating na rin sa bahay. Nagtext na ako kay Cyrus and ang meaningful ng reply niya eh. "K" yan ang reply niya. Alam niya talaga kung paano ako inisin.
Ang tagal naman nung batang yun. Kanina pa ako rito ahhh
And almost 48 years, nakalabas na rin tong ugok nato. Teka! Kasama pa niya talaga sina Nikki at Dhavid ahhh. Nakauwi na pala si Nikki. Ang bilis ahh. Teka! Hindi nila dapat akong makita.
Kinuha ko kaagad ang shades ko at isinuot ito. Thankful ako kasi tinted tong kotse ko. Di nila makikita kung ano ang nasa loob pero yung nasa loob eh makikita kung ano ang nasa labas.
Idinikit ko kaagad ang phone ko sa tenga ko. As if na may kausap ako nang buksan na ni Cyrus ang pinto ng kotse.
"Mag-ingat ka,Cy" sigurado akong si Nikki yun kasi boses babae ang narinig ko at siya lang kaya ang babaeng nandun.
"Huwag makulit dun, Cy. Bro, ingata- - - - -"
"Kuya, may kausap yata si Arnold. Oo magpapakabait ako sa kanila at hindi na kaya ako bata" iba din tong kapatid ko eh
"Gotta go" sabay sira ni Cyrus sa pinto ng kotse
"Ang galing ng alibi mo eh noh? Sleepover with Arnold. Ang baduy ng Arnold. Yucks"
"Hahaha ang cool kaya nun! ARNOLD! Hahahahaha" ang kulit! Haysssss!
I start the engine pero bago kami umalis, nilingon ko muna sina Nikki at Dhavid. Mukhang masaya naman sila sa company ng isa't isa. At kami ay umalis na.
"Si Dhavid at si Nikki, are they to- - - - -"
"Hindi sila, Kuya. Si Nikki at si Kuya Daemon pa rin pero may krisis sa kanilang dalawa."
"I see. Akala ko - - - - -"
"Akala mo sila dahil masaya sila sa company ng isa't isa? Kuya, it's no big deal. Kaya ganun sila ka close eh kasi nga palaging kami ang kasama ni Nikki" mind reader na ba tong kapatid ko?
"I see" ang cool ng sagot ko noh? Ganyan kasi kapag gwapo ka
"You're still into her, Kuya" sabay may tinatype sa phone niya. Baka katext si Tifanny.
"Tssss! I'm over, Cy. Matagal na" habang nakatingin parin sa daan. Kayo kaya magdrive ng hindi tumitingin sa daan
"Then why are you avoiding her?"
"Kasi star na ako" cool kong sagot sa kanya
"I'm not satisfied. And bakit kabumalik dito?" ano to? Hot seat?
"Cause I miss you guys and may movie kaya kaming gagawin dito" ba't ba ako nag i-eexplain sa kapatid ko?
"I'm still not sa tisfied. Just tell me the truth kuya, isa rin sa dahilan si Nikki kaya kabumalik ka dito. Tayong dalawa lang ang nandito"
"It's a no. Over na nga ako sa kanya, Cy. Mahirap bang paniwalaan yun?"
"Kuya, I can see it in your eyes na may feelings ka pa rin sa kanya and huwag mong sabihin na nagsisinungaling ako kasi di ako liar noh!"
"Edi wow!"
"Kuya, this is not a joke, okay? Aminin mo sa sarili mo na mahal mo pa rin siya. Pinipilit mo kasi yang sarili mo eh"
"Pinipilit? Ang ano?" ang hina ng process ng mga neurons ko ngayon ahh!
"Pinipilit ng utok mo na matagal mo na siyang kinalimutan, na matagal ng nawala ang pagmamahal mo sa kanya" ano ba tong pinagsasabi ng kapatid ko?
"Eh sa totoo naman ahh. Matagal na akong over sa kanya. That's it"
"Mas masakit ang pinili mo kuya" ha? Ano raw?
"Masakit? Ang ano?"
"Akala mong hindi ka masasaktan kapag pinilit mo ang sarili mo na kalimutan siya pero Kuya mas masakit yan. Nikki is worth fighting for, Kuya. Kung ako sayo hahayaan ko na lang ang sarili kong mahalin siya kaysa ipagpilitan kong hindi kahit na alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at kahit kailan hindi yun nagbago" teka! Kapatid ko ba talaga tong kasama ko? Iba pala ang epekto ni Tifanny sa kanya eh
"Anong nangyari sayo lil bro? Naging love guru ka na yata eh. Iba talaga epekto kapag inlove noh?"
"Whatever Kuya. Tandaan mo ang sinabi ko. Kahit kailan hindi mo madidiktahan ang puso mo. Hindi yan switch na ini-on and off. Hindi rin maskara ang puso mo na tinatago ang totoo mong nararamdaman" ano bang nangyari sa kapatid ko? Pero may point siya. Teka! Erase! Erase! Erase!
"Pero- - - - -"
"Nandito na tayo kuya." sabay bukas niya sa pinto ng kotse at lumingon ulit sa akin.
"Huwag mong pigilan ang gustong lumabas hahahaha parang utot hahahahahaha" sabay baba niya sa kotse
Baliw talaga tong kaptid ko! Pero may point siya.
Kung kaya ko pa sana, hindi ko to ititigil eh pero parang ang sakit na. Bading na kung bading pero ito yung nararamdaman ko eh. Kung kaya ko lang makaget over sa kanya gagawin ko. Para di na ako masaktan ng sobrang gamito.
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?