Tiffany's POV
Ang tagal naman ni Cyrus!! Sabi ko sa kanya 3:30 pero it's almost 3:50.Speaking of the cute devil, dumating na rin tong buddy ko.
"Ny, sorry. Napasarap kasi ang tulog ko. Sorry talaga" sabi niya with his paawa effect.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan at ka-ibigan tong mokong nato, papatayin ko talaga siya.
"It's okay. Nasanay na ako, Rus" sabi ko.
Medyo eww tong tawag ko sa kanya. Gusto niya kasi yun ang itawag ko sa kaniya dahil ganun rin siya. Tawag niya kasi sa akin eh Ny, last syllabel ng pangalan kong Tiffany, tapos Rus yung tawag ko sa kaniya kasi last syllable rin ng pangalan niya.
" Thanks. Nag-order ka na pala?" sabi niya sabay tingin sa inorder kong choco shake at isang slice ng red velvet cake.
"Hindi naman masyadong halata Rus. Mga artificial designs lang yan ng coffee shop na ito" sarcastic kong pagkasabi sa kanya.
"Tsssss. Ayan ka na naman sa pagiging sarcastic mo. So, let's start" sabi niya sabay taas ng dalawang kilay.
"Fine. So, anong sasabihin mo?" tanong ko agad sa kanya. Nacurious ako eh.
"May nagugustuhan ako, Ny. Hindi ko alam kong kailan ito nagsimula. Ang alam ko eh masaya siyang kasama, I'm comfortable to be with her, saracastic siya paminsan minsan but she's very nice." sabi niya while tinutusok ng tinidor ang red velvet cake.
Ano raw? May gusto siya? Sarcastic but nice? Ako ba ang tinutukoy niya? Akala ko one sided lang pero mutual pala kami? Teka!!! Huwag munang assuming Tiffany baka hindi ikaw yan. Behave, Tiffany. Behave.
"Sino yan? Do I know her?" tanong ko sa kanya
"I guess not. Hindi ko pa yata siya kinukwento sayo." sabi niya. Assumingera ka talaga Tiffany. Ayan!!!! Hindi naman pala ikaw ang gusto.
"So, who is she?" tanong ko.
"Nikki. My step sister." sabi niya sabay yuko.
"Whaaaaaaaaaaaat?" napalakas kong pagkasabi, mabuti na lang apat lang ang nandito kaya hindi ako masyadong nahiya.
"I guess I like her. Wait! Let me rephrase it. I like my step sister" nakayuko niyang pagkasabi.
Maari bang magkagusto ang isang tao sa step sister niya? Ito talagang si Cyrus hindi ko maintindihan.
"Your step sister? You gotta be kidding me, Cyrus. Gusto mo ang step sister mo? Baliw ka ba? Malaking isyu yan kahit na hindi kayo magkadugo. You should stop that." sabi ko sa kanya. Nagulat talaga ako. Grabe siya!!!!
"But how? I guess I can't stop this. Alam kong napakabilis nang nararamdaman ko" sabi niya.
"You should, Rus. Baka yang nararamdaman mo eh Sisterly Love. Baka gusto mo lang siya bilang kapatid, ate. Ikaw na nga ang nagsabi diba, ang bilis. Baka ganun lag ang nararamdaman mo." sana mag work tong advice ko sa kanya. Sana makinig siya.
"I guess. Pero pano nga, Ny?" nakatingin na siya sa akin.
"Treat her like your real sister. Real ate. Baka mawala na yang nararamdaman mo." sabi ko.
"Pano kung hindi? Pano kung lumala?"
May point siya. Pano nga kung lumala?
"Find a girl that you find very interesting . Don't mind your step sister. Wag mong isispin na gusto mo siya. Isipin mo lang yung babaeng naging interesado ka baka mawala yan." sabi ko sa kanya.
"But sino?" tanong niya sa akin
"Ikaw na dapat ang maghanap niyan. Basta binigyan nakita ng advice." sabi ko.
"Fine. Maghahanap muna ako"
"That's good. Just text me if nakahanap ka na." sabi ko sa kanya.
Kahit na masakit, kakayanin para sa ekonomiya hahaha kakayanin dahil sa friendship naming to. Sana makahanap siya ng tama.
*********
"Uwi na tayo, Rus. It's almost 5:20" sabi ko kay Cyrus. Almost 2 hours rin kami dito sa Lily's."Sige. Hatid na kita, Ny" sabi niya sabay offer ng kamay niya.
"Okay" at tumayo na.
Sana ganito kami lagi. Sana hindi ko na lang naramdaman to. Sana hindi na lang ako nagkagusto sa kaniya. Sana nga.
Cyrus's POV
"Bye,Rus. Find the right one, okay?" sabi niya sabay hampas ng mahina sa balikat ko."Sure. Anyways, salamat sa #BuddyAdvice101" sabi ko sa kanya.
"You're always welcome. Be safe,okay? Farewell,Rus" sabay pasok sa bahay nila.
Tama nga si Tiffany. Kailangan kong magpaka busy at huwag isipin ang feelings ko kay Nikki. Baka sisterly love nga lang ito.
"Cy, san ka galing?" bungad ba tanong kaagad ni Nikki sa akin.
Anyways, nasa bahay na nga pala ako. Walking distabce lang naman kasi ang bahay namin sa bahay nina Tiffany.
"Kasama ko si Tiffany."
"Sino yan? Yan ba yung sinasabi mong gusto mo? Ayieeeeee ikaw'ng bata ka hehe" sabay tusok ng tagiliran ko. Baliwa talaga tong babaeng to.
"Hahahahahaha!!! Ta-ta-tama na-haha-Nikki. Kuyaaaaaaa! Sabihin-hahahaha- ni-niyo nga kay Nikki ku-kung si-hahaha-sini si Tiffany hahaha tama na Nikki." pautal utal kong sabi kasi nakikliti na ako. Sana naman tulungan ako ni Kuya Christian o kaa si Kuya Dhavid T_T huehuehue
"Hahaha kung di lang ako mabait na kuya. Childhood bestfriend ni Cyrus. Hindi ko nga alam kung bakit hindi yan nililigawan ni Cyrus." sabi ni Kuya Dhavid. Talaga tong kapatid kong baliw kung anu-anong pinagsasabi.
Mabuti na lang tumigil na si Nikki.
"Maganda ba siya Dhavid?" tanong Nikki kay Kuya
"Yuppp. Gusto ko nga yun para kay Cyrus eh" sabay tawa ni kuya.
"Kuyaaaaaaaaaa!!!!!" nahihiya na ako
"Ayieeeeeeee!!! Ba't di mo na lang ligawan, Cy?" tukso ni Nikki sa akin.
Tama nga. Kung si Tiffany na lang kaya? Mas okay siya dahil comfortable ako pagkasama ko siya. She's the right one. Siya na lang. Sana pumayag siya.
-----------------------++++
Si Tiffany nga po pala ang nasa multi media hihi ^^ Short UD, sorry po hehe. Sorry rin po sa typos.Anyways, please do vote and comment po.
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?