Nikki's POV
Oo, nakaramdam ako ng sakit. Ang sakit. Ang sakit sobra pero di ko man lang kayang kamuhian si Daemon. Ang sakit lang talaga.Limang araw na ang nakakaraan nung nakipaghiwalay ako kay Daemon at limang araw na rin akong umiiwas sa kanya. Alam na ng lahat na break na kami. Ewan ko lang kung alam rin ba nila kung ano ang dahilan.
"Nikki, pwede ba akong pumasok?" tanong ni Mama. Nasa labas ito ng kwarto ko.
"Opo" at bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa si Mama. Kailangan ko si Mama ngayon. Kailangan ko ang words of wisdom niya.
Pagkalapit ni Mama sa akin, niyakap ko kaagad siya.
"Iiyak mo lang yan, anak. Nandito lang ako" sabi ni Mama.
"Ayaw ko na pong umiyak ma. Ayaw ko ng maging mahina. Ayaw ko ng saktan pa nila. Ayaw ko na po" sabi ko kay Mama. Wala man lang konting luha na tumulo sa mga mata ko. Siguro naubos na ata ang mga ito.
"Okay lang. Makikinig si Mama"
Humarap na ako kay mama at bumitaw sa yakap naming dalawa. Nakita ko sa mga mata ni Mama na naaawa siya sa akin.
"Okay lang po ako, Mama." ngumiti ako para assurance
"Alam kong hindi. Anak kita, galing ka sa akin. Nasa tiyan kita ng 9 na buwan. Alam kong hindi at nasasaktan ka ngayon" sabi ni Mama. Di talaga ako makakatago ng sekreto sa kanya.
"Oo, aamin akong masakit pero nakakaya ko na po, Mama. Kinakaya ko po dahil sa inyo at sa tulong na rin po nina Dhavid, Cyrus at lalong lalo na po si Christian" sabi ko at ngumiti.
"Alam ko anak. Nakikita ko yun pero nag-aalala pa rin ako bilang isang magulang di iyon mawala" sabi ni Mama.
"Salamat po Mama. Huwag na po kayong mag-alala sa akin" sabay yakap ko sa kanya.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti ng totoo, yung hindi pilit.
"Oh siya, aalis muna ako. May client meeting ako. Mahal kita anak" sabi ni Mama at hinalikan ako sa noo. Lumabas na rin ito sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko. Inaalala ang mga bagay-bagay.
Kung wala sana akong pinili, di sana magiging ganito. Di sana magiging ganito ka komplikado. Di ssana ako masasaktan at wala sanang masasaktan.
*kringgg! *kringggg!
One message galing......
From: +63932*******
Nikki, lumabas ka muna ng gate. Naghihintay ako sayo rito sa labas may sasabihin ako sa iyo*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!
Ba't iba ang pagtibok ng puso ko? May mangyayari bang masama? Kasi ito yung nararamdaman ko ngayon.
Christ!
Ito ang pumasok sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit siya. Hindi ko alam.
Ilang araw ko ng kinocontact si Christ pero di siya nagrereply o sumasagot man lang sa tawag ko kaya nag-alala ako pero ang alam ko kasi bumalik na ito sa States. Yun ang alam ko. Pag tinatanong ko ang mga taong nandito sabi nila bumalik na ito ng States.
Pero ngayon, iba ang naramdaman ko. Mukhang may mangyayaring masama. Iniwan ko lang ang cellphone ko sa kama ko at tumakbo pababa.
Nagmadali akong bumaba at tinahak ang daan papalabas ng bahay at ng gate.
Nang makarating ako sa labas ng gate. Wala akong nakita. Kahit anino, wala rito sa labas. Nagpalinga linga ako pero wala talaga. Baka prank message lang yata yung message.
Kung nandito lang sana si Manong Guard, naitanong ko na kaso umuwi ito ng probinsya kaya walang nagbabantay rito sa may gate namin.
Papasok na sana ulit ako ng gate ng may nagtakip sa ilong ko ng panyo. Unti-unting dumidilim ang paligid.
"Got yah, Nikki" ang huling kataga na narinig ko bago nagdilim ang paligid.
"Sana walang masamang nangyari sayo, Christ" at ang huling hiling ko bago ako nahimatay.
Christian's POV
Fvck! Sinong nagkidnap kay Nikki? Sana walang mangyaring masama sa kanya.
"Alam niyo na ba kung kaninong number yan?" alalang tanong ni Tita Reina.
Inaalam ngayon nina Dhavid at Cyrus kung kaninong number ang huling nagtext kay Nikki. Sigurado ako kung sino man siya, siya ngayon ang nakakaalam kung nasaan si Nikki.
Langya! Wala akong magawa!
"Tito" napatingin kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Jake! Ba't nandito ang langyang to rito?!?!?!
"Tito, ano po raw ang nangyari?" alalang tanong nito. Sigurado akong may kinalaman na naman siya.
"Hindi pa namin alam kung sino ang nagtext kay Nikki." sagot ni dad kay Jake.
"Tutulong po ako" sabi ni Jake.
"Ikaw? Tutulong? Langya! Kayo ang may pakana nito tapos tutolong ka? Kung ibalik niyo na lang si Nikki sa amin!!!" pasigaw kong saad sa kanya. Nagulat silang lahat nang sinabi ko iyon.
"Ako? Wala akong alam tungkol dito, Tian. Kaya nga ako nandito para tumulong" sabi nito.
"Di ba gusto mo ngang maghiwalay sina Kuya at Nikki tapos tutulong ka? Nagbibiro ka ba o pinaglalaruan mo kami?! Ha?!"
"Ano bang pinagsasabi mo, Tian?" tanong pa rin ni Jake sa akin
"Kinidnap mo si Nikki. Plinano mo to. Langya ka!"
"Hindi ko kayang gawin yun kay Nikki. Mahal ko siya. Oo mahal ko si Nikki at di ko magagawa iyon sa kanya"
"Mahal? Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo, Jake?" sarkastiko kong saad sa kanya
"Stop it, Tian" saway ni Dad sa akin
"No dad. I won't stop. Di ba galit ka kay Kuya Daemon kasi di ka parin nakakamove on sa nangyari noon? Ang pagkamatay ni Tita. Ang pagkamatay ng Mama mo! Tapos si Kuya pa rin ang sinisisi mo?!?!?! Tama ako di ba?!?!" nang gagalaiti kong saad sa kanya.
"Oo, di pa rin ako nakakaget over sa nangyari dati at galit pa rin ako sa langyang Daemon na yan! Pinatay niya ang mama ko. Dahil sa kanya kung bakit namatay si Mama" ma emosyong saad ni Jake.
"Jake, aksidente iyon, hijo. Walang may sala nun" sabi ni Dad. Mahinahon niya lang itong sinabi kay Jake.
"Kung hindi sana sinagip ni Mama si Daemon, hindi sana siya ang nalunod. Hindi sana siya ang namatay!!" sabi ni Jake.
"Jake, aksidente lang yun. Naguilty rin ako. Naguiguilty pa rin ako. I'm sorry, Jake. I'm sorry." sabi ni Kuya Daemon.
"Sorry? Magagawa ba ng sorry mo na buhayin si Mama? Hindi na- - - - -"
"Tumigil nga kayo! Mahahanap ba natin si Nikki kung puro away lang ang gagawin niyo ha? Hindi natin mahahanap si Nikki kung puro lang kayo satsat diyan! Isantabi niyo sana muna yang away niyo. Nasa panganib ang anak ko. Maawa naman kayo! Isipin niyo munang nakidnap si Nikki" mangiyak ngiyak na pagpigil ni Tita nina Jake at Kuya Daemon.
"Tama nga. Kailangan nating magkaisa ngayon para mahanap natin si Nikki" pagsang ayun ni Dad kay Tita Reina.
"Dad, may nagtext po" sigaw ni Cyrus
"Sino?" sabay na tanong nina Jake at Kuya Daemon.
"Unknown number" sabi ni Dhavid.
Agad akong tumakbo papalapit sa pwesto nina Dhavid at kinuha ang phone. Unknown number nga. Hindi ito pamilyar sa akin.
"Let me see. Baka alam ko kung kanino yan" sabi ni Jake.
Agad kong binigay sa kanya ang phone.
"Kay..............."
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?