Nikki's POV
Were on our way at the mansion. Uuwi na kami kasi may pasok na bukas. Nag-enjoy talaga ako. Grabe."Were home" sigaw ni Mama
Tumakbo si Dhavid papuntang garage. Mahahalata mong excited siyang makita ang kotse na gift nina Mama at Tito Arthur.
"Waaaaaaaaaa!!! Daddy, Tita Reina. Thank you so muchhhhhhh!!! Waaaaaa!!!! I can't believe it. Grabeee!!!" parang bakla sumigaw tong si Dhavid haha
Pumunta na kami sa garage and my jaw dropped. Matte black ferrari. Woahhh!!! Grabeeeeee!! Ang cool.
"Wow!!! Kuya, you're lucky. Dad sa 18th birthday ko gusto ko rin niyan" sabi ni Cyrus kay Tito Arthur
"Ibang brand naman, baby para maiba" sabi ni Tito Arthur at hinalikan sa noo si Cyrus. How sweet!!! Oo nga iba-iba nga kotse meron silang magkakapatid. Kay Christian eh ferrari rin pero red ferrari. Tapos kay Daemon eh black lambhorghini. Ang yaman no? Eh kung ikaw ba ang maging isa sa anak ng may ari sa 4th largest publishing company ng bansa.
"So, take a rest sweeties. Alam kong pagod kayong lahat" sabi ni Tito and as said pumasok na kami sa mansion at pumunta na sa kanya kanyang kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto napahiga agad ako sa kama and I slumber.
**************
"Hoy!!! Nikki!!!!!"
"Ayyy baklang kabayo na naliligaw"
"HAHAHAHA gra- hahaha- grabe -hahaha yung it-su-hahaha-ra mo haha" tawa ng tawang reaksiyon ng bruha kong kaibigan. Remember her? Beatrice Sy.
"Whatever" sabay irap ko sa kanya
She's trying herself to calm down.
"Okay. So, bakit ka nga tulaley diyan ha?" sabay lamon nung binili niyang sandwich. Nasa cafeteria kasi kami ngayon.
"Wala" sabi ko sa kanya.
"Anong wala eh SUPER tulaley ka nga diyan." sabi niya sakin
"Eh kasi- - - -"
"Pabitin ka sobra" sabi ni Tres sabay naka crossed arm
"Eh baliw lang ha. Ikaw kaya tong timang. Pinutol mo ang sasabihin ko"
"Ha? Ganun ba? Sorry naman ha? Sige. Go on, dear" sabi niya sa akin.
"So, ito nga. Hindi ko maintindihan kung ba't ganito yung nararamdaman ko sa kanya. Alam mo nakakainis" sabi ko kay Tres. Alam kong makakatiwalaan siya.
"Oh sino naman yan? Huwag mong sabihing si Mr. Erats yan haaa?" sabi niya sa akin
"Yeah! Siya nga, ilang araw ko na tong nararamdaman eh. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas nang loob na sabihin to sayo." sabay yuko ko.
"Timang. Bff mo ko tapos, nahihiya kang sabihin yan?" sabay pout niya. Alam kong nagtatampo to.
"Sorry na. Akala ko kasi wala lang yun. Pero these past few days kasi eh ganun pa rin ang nararamdaman ko when his around" sabi ko sa kanya.
"Hinahanap mo ba ang presence niya?" Tres
"Sometimes" sabi ko
"Your heartbeat turns to an abnormal beat when his around, right?" tanong niya sa akin
"Yeah" nahihiya kong sagot sa kanya.
"And that's the sign. You like him more than a step brother" sabi niya sabay snap ng fingers niya.
"Are you sure? Hindi naman yata to pwede diba? If that's the case, I should stop this" sabi ko sa kanya
"You can't resist that feeling, Nikki. Hindi mo mahihindian ang arrow ni Cupid" sabi ni Tre- - - -
"Bakit? May nagugustuhan ka na ba Nikki?" bungad na tanong ni Dhavid kasama sina Daemon and Christian
"Ha? Ah- ah- ah- eh- wa- wala" Shocks!! Nauutal ako. Baka mahalata nila. Hindi pwede yun!! //////>.<///////
"Wala nga ba?" tanong ni Christian at umupo na silang tatlo.
Ito yung position namin.
Daemon Ako Dhavid
TableChristian Beatrice
Binigyan ko ng tulungan-mo-ako-bruha-look si Beatrice.
"Ha? Ito kasi yun, ako ang may crush tapos sinabi ko kay Nikki. Sabi naman niya eh kailangan ko raw'ng tigilan dahil hindi pwede. Against oll odds kasi ang peg namin eh. Tapos sinabihan ko si Nikki na hindi niya mahihindian si Cupid. That's it" sabi ni Tres. Sana mag work *crossed fingers*
"Bakit? Mutual ba kayo ng crush mo?" tanong ni Christian kay Tres. Woah!!!! Salamat safe ako.
"Oo. Bakit may angal ka?" sabi ni Tres kay Christian sabay taas ng kilay niya. Parang aso't pusa talaga tong dalawa.
"Tsssss. May magkakagusto pa pala sayo" Christian
"Cheee!! Sa ganda kong to?" Beatrice
"Ganda raw" bulong ni Christian pero dinig na dinig pa rin namin. Pinipgilan lang naming tatlo ang pagtawa dahil sa bangayn ng dalawa.
"Ano? Narinig ko yun!!" sigaw ni Tres.
"Enough. Both of you are childish haha" pagpigil ni Daemon sa kanila.
"Whatever" sabay na sabi nina Christian and Beatrice
"HAHAHAHAHA" tawa naming tatlo dito
"So, supp? Bakit nga pala kayo naparito ha?" taray na tanong ni Beatrice sa tatlo
"Wala lang. Guguluhin ka" sagot agad ni Christian sa kanya. Heto na naman po ang dalawa.
"Bibili na muna ako ng food" sabi ni Daemon
"Kuya, bilhan mo na rin kami ni Christian" sigaw ni Christian kay Daemon
Umalis na nga si Daemon at pumunta na sa counter. Ang dalawa ngang aso't pus dito hindi parin tumitigil sa pagbabangayan.
"So, thank you nga ulit sa gift at letter ha?" sabi ni Dhavid. 1 week na ang nakakalipas nung birthday ni Dhavid at 1 week na rin ang nakalipas nung araw-araw nang nagpapasalamat si Dhavid sa akin dahil sa gift at letter na bigay ko sa kanya. At 1 week na rin ang nakakalipas nung nagbago na talaga si Dhavid. Hindi na siya yung cassanovang Dhavid Lazaro na nakilala ko. Nagbago na nga talaga siya.
"Tama na nga yan, Dhavid. It's almost 1 week. Nagtithank you ka pa rin sa akin? Okay lang yun no" sabi ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa kaniya.
"Wala lang. Na flattered talaga ako sa letter at gift mo" sabi niya. Nga pala yung gift ko kasi sa kanya is key chain. Ewan ko nga kung bakit yun ang napili kong i-gift sa kanya. Nung nakita ko kasi yung key chain na yun eh siya agad ang naisip ko. Tapos yung design nga pala ng key chain eh malaking heart at may nakahigang infinity sign sa gitna ng heart at sparkling diamonds ang mapapansin mo sa key chain na yun. Yung letter eh for his eyes only na lang kaya huwag na kayong ano diyan haha
"Okay lang talaga and no worries" and I gave him my oh-precious-lovely-smile hehe
"Here" sabay lapag ni Daemon sa tray na may foods. And nakatingin si Daemon sa akin with his cold stare. Tila naiinis na nagseselos. Ha? Nagseselos? Assuming ko talaga!!!! Tumigil ka nga diyan Nikki.
--------------------+++
Yung nasa multimedia po eh yung matte black ferrari 458 ni Dhavid na gift ng Daddy at Tita Reina niya.So, how's it doing? Sino nga ba yung Mr. Erats na tinutukoy ni Nikki? Make a guess, gummy bears hehe. Sorry nga pala dahil medyo lame to. And sorry rin sa typos.
PS: Take care always guyssss!!! I'll do my very best para makapag UD agad agad. Love you all guysssss >3<
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?