Nikki's POV
"NIKKIIIII!!!!!" sigaw ni- - - - -
"D-d-dhavid?" nauutal ako sa nakita ko ngayon.
S-si D-dhavid. This can't be!
Agad akong lumapit kay Dhavid at umupo para maakay siya and I'm shaking.
"Dhavid? Anong nangyari? Dhavid, sinong may gawa nito?" hagulhul ko. I don't care kung marami ng dugo ang umaagas sa likuran niya. Di to pwede mangyari. Please! Nightmare lang to di ba?! Di to totoo di ba? Lumapit agad si Daemon sa amin matapos tumawag ng ambulansya.
"What happened? Dhavid?" alalang tanong ni Daemon
"Dhavid, pleaseeeeee!"
Unti-unting minulat ni Dhavid ang kanyang mga mata. God!
"Y-you're s-safe" ngumiti siya sabay himas ng mukha ko
"Ano bang nangyari? And pleaseee huwag ka munang pumikit. Dadalhin ka pa namin sa hospital, papunta na rin- - - - -"
"S-s-someone tried to k-ill you. I-i saw him. S-sayo- - - - - -"
"Shhhhhh! Don't talk please. And thank you for saving me." umiiyak pa rin ako sa nakikita ko ngayon. Di ako makapaniwala sa nangyari kani kanina lang.
*Flashback*
"Are you okay?" tanong ni Daemon sa akin
"I'm fi- - - -"
Nakarinig ako ng putok ng baril at natumba ako. Kinakapa ko ang sarili ko kung may sugat ba at gayun din ang ginawa ni Daemon. Kinakapa niya rin ako. Wala naman akong sugat pero naalala ko ang sumigaw kanina. Lumingon agad ako at nakita ko si D-dhavid? Halos naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Agad naman akong pumunta sa kanya kahit na natatakot ako sa dugo. I'm shaking pero hindi ko iyon ininda. Umupo ako at inakay si Dhavid sa mga bisig ko habang ako'y umiiyak
*End of flashback*
Naririnig ko na ang busina ng ambulansya. Thank God at nakarating sila agad. Malapit lang rin naman ang hospital dito.
Agad nilang isinakay si Dhavid at sumama ako.
Sinabihan ko na rin si Daemon na sumunod na lang para masabihan niya si Tito.
Umandar na ang sasakyan at papunta na kami sa ospital.
Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay ni Dhavid. Pinaparamdam ko sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya. I felt guilty. Di sana nangyari kay Dhavid ito kung hindi niya lang ako niligtas. It's all my fault. At sisiguraduhin kong mananagot ang may gustong pumatay sa akin pero isipin kong may gustong pumatay sa akin, it gave me shiver through my spine.
"Nagseseizure ang pasyente" sigaw nung isang nurse sa isang nurse na lalaki.
Dali-dali nilang inasikaso si Dhavid at ako, di ko mapigilang umiyak. Di ko kayang makitang ganito si Dhavid. Di ko man makita ang sugat niya alam kong malala ang natamo niya. Nasa likod kasi ang tama niya. Ang puting damit ni Dhavid ay naging kulay pula na sa daming dugong nawala sa kanya.
Maya-maya pa eh nakarating na rin kami sa ospital. Agad siyang inassist at dinala sa emergency room. Gusto ko sanang pumasok at samahan si Dhavid sa ER pero narealize kong hindi ko kayang makita ang nangyayari sa loob the fact na ayaw ko ng dugo. Naconquer ko lang yata yun dahil sa adrenaline ko.
Umupo ako sa may bench na malapit sa ER. Para akong batang inagawan ng candy sa kakaiyak. Di ko mapigilan. Ngayon lang ata ako umiyak ng sobra.
"Nikki? God! Sweety, you're safe" lumingon ako kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na yun and I saw Mama, Tito Arthur, Cyrus and Daemon. They're wearing their worried look.
Niyakap agad ako ni mama at Tito.
"Where's my son? Nasaan si Dhavid?" tanong ni Tito sa akin.
"Nasa ER po, Tito. This is all my fault. My fault" hagulhol ko ulit
"No, sweety. It's not your fault. Sabi ni Daemon sa amin na sabi ni Dhavid may gustong pumatay sayo. He saved you. He's brave. I'm a proud Dad" kahit ganun ang nangyari kay Dhavid, di pa rin nagalit si Tito. Kinalma lang niya ang sarili niya.
"Yes. Dhavid said that. Sabi niya may gustong pumatay sa akin. May sasabihin pa sana siya pero di ko na pinatuloy sa kanya dahil di na niya kayang magsalita" explain ko sa kanila.
"Parang ang gustong sabihin ni Dhavid eh kay Nikki nakatutok ang baril kaya niya itinulak si Nikki causing na siya ang natamaan" baka yan nga ang gustong sabihin ni Dhavid sa akin kanina.
"Mama, panong napunta si Dhavid sa abandoned building?" tanong ko kay mama. Nagtataka ako ng makita ko siya but I didn't bother asked Dhavid then.
"Sinundan ka niya, Nikk. Napansin niya kasi medyo weird ang alibi mo kanina kina Dad. Alam niya kasing walang book launching na magaganap sa mall ngayon kaya he followed you. I insisted to go with him pero hindi siya pumayag. Kaya siya naka punta dun" explained naman ni Cyrus sa amin.
"Ba't ba kasi nandun kayo sa abandonadong gusali na yun?" tanong ni mama
"Someone texted me na nasa panganib raw si Daemon and ang location was that abandoned building" saad ko sa kanila.
"Likewise. May nagtext rin sa akin. Ganun din ang message. Kaya pumunta agad ako doon" patuloy ni Daemon sa sinabi ko.
"May gusto ngang pumatay o ipahamak kayo. Don't worry, tumawag na ako ng pulis. Pupunta na rin sila ngayon para imbestigahan ang nangyari" sabi ni Tito sa amin.
"May guess ba kayo kung sinong may kakayahang gawin ito?" tanong ni Mama. Kahit kailan wala akong naisip kahit isa man lang. Iniisip ko lang na prank lang to pero sobra namang prank to.
"Sino bang galit sa relasyon niyo?" tanong naman ni Tito.
Sino nga ba? Wala naman akong maisip na may galit sa relasyon namin ni Daemon.
I think hard and may pumasok na pangalan sa isip ko. Tinignan ko si Daemon and I think pareho kaming iniisip.
"Baka si Ate Nicoleen" sabi ni Cy. Di lang pala kami ni Daemon ang nagkaroon ng conclusion na si Nicoleen. Pero hindi naman yata galit si Nicoleen sa relasyon namin.
"Galit ba si Nicoleen sa relasyon niyo?" tanong ni Tito.
"Hindi po" sabay na sagot namin ni Daemon.
"So, mukhang may iba pa- - - -" di naituloy ni Tito ang gusto niyang sabihin ng bumukas ang pinto ng ER.
"Anong nangyari sa inaanak ko, Arthur? Bakit siya nabaril?" alalang tanong ng doktor na iniluwa ng pintuan. Ninong yata ni Dhavid ang doktor na to, as he said "inaanak"
"I don't know, Ramon. Will still waiting for the police to investigate this thing. Is he okay?" tanong ni Tito at bakas dito ang takot, alala at pag-asa. Pag-asang, sana walang mangyari sa anak niy. Kay Dhavid.
"His - - - - - "
-------------------------------
Gosh! Di ko nakere ang chapter nato! Ayaw ko sanang gawin to pero kasama ito sa daloy ng story ko eh. Sa may crush kay Dhavid, sorry :(((( Sana maging okay siya. Sana maka survive siya huhu :((((( Sino kaya ang gustong pumatay kay Nikki?Guess po kayo my beloved gummybears hihihi
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?