Nikki's POV
"This is a good sign, Arthur. Malaki ang dulot ng pag-abuno sa kanya ng dugo. Maybe the next day, gigising na rin siya. Let's just pray" saad ni Dr. Ramon.
Thank God! Magigising na siya! Magiging okay na siya.
"Dad!" naagaw ng atensyon naming lahat ang pagdating ni Christian. Nahuli ito kasi kinausap pa niya ang manager niya.
"Ano pong nangyari, Dad? Is everything okay?" alalang tanong nito
"Yes, Tian. Gumalaw ang mga kamay ni Dhavid kanina and as your Tito Ramon said, baka the next day gising na si Dhavid" halata sa boses ni Tito na sobrang saya niya.
"Sinong assign ngayon, Dad?" tanong ni Christ kay Tito
"Si Daemon at Nikki" saad ni Tito
Tumingin si Christ sa akin. Shocks! Kinakabahan ako! Nawala lang yun ng NGUMITI siya sa akin. Ito yung unang bese na ngumiti siya sa akin nang maka-uwi siya dito sa Pilipinas. Grabe ang impact nun sa akin! Grabe!
"Alis muna ako, Arthur" sabi ni Dr. Ramon.
"Sasama ako sayo Ramon. May itatanong pa sana ako sayo" sabi ni Tito
"Sige. Sa office na lang tayo mag-usap" unang lumabas si Dr. Ramon.
"Sama ako, honey" at tumayo na si Mama para sumama kay Tito
"Sama na rin ako papa" tumayo naman si Cyrus at lumabas na silang tatlo.
Hindi ko na pansin na ang nandito na lang sa kwarto ay si Dhavid, Christ, Daemon at ako. Nakaalis na kasi kanina sina Jake at Nicoleen. May pupuntahan pa raw silang dalawa.
Sobrang awkward ng ambiance sa kwarto. Di ako makapagsalita. Na urong ang dila ko. Shocks! Ayaw ko nang ganitong ambiance.
"Punta muna akong canteen. Excuse me" hayyyy! Salamat nakapagsalita ako. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako pupunta ng canteen. Gusto ko pa sana ng sariwang hangin. Ayaw ko sa kwarto, sobrang awkward ng atmosphere.
Naglakad ako papunta sa garden. Dun muna ako para makalanghap ng sariwang hangin. Gusto ko rin makapag-isa.
Nakarating na ako sa garden at umupo sa bench katabi ng isang puno.
Tinignan ko ang paligid ko, ang daming pasyente na nandito.
Napaisip tuloy ako. Ano kayang nararamdaman nila ngayon? Sobrang lungkot siguro nila.
"Hey" awtomatiko akong napatayo. Shocks! Nakakagulat siya grabe!
"Sorry. Di ko sinasadyang gulatin ka, Nikki" sabay peace sign niya. Yung peace sign niya. Ang baliw na side niya. Namiss ko sobra!
Umupo na lang ulit ako sa upuan. Actually, magkatabi kami.
"Akala ko ba sa canteen ka pupunta" sabi niya.
"I changed my mind. Gusto ko lumanghap muna ng hangin" sagot ko naman sa kanya
"I see. Kailangan mo nga magrelax dahil sa nangyari. Don't worry. Malalaman din natin kung sino ang may gawa nang lahat ng to" sabi niya. Ito yung namiss ko sa kanya eh. Ang pagcocomfort niya sa akin.
"Ahmmm, Nikki. Sorry if I'm being rude these past few days. It's not my intention. Di ko lang talaga kasi naisip na mangyayari ito kay Dhavid" sabay yuko niya.
"Okay lang. Wala kang dapat i-sorry, Christ. Lahat tayo di inexpect na mangyayari to" tugon ko sa kanya. Wala naman siyang nagawang masama sa akin
"I just want to say sorry for this and for leaving without saying goodbye" sa mga pasyente lang siya nakatingin. Shocks! Kinakabahan na naman ako. Langyang puso naman oh!
"It's okay. You don't have to - - - -"
"I left and follow Tita's order kasi alam kong si Kuya ang pipiliin mo at hindi ako" hindi pa rin siya tumitingin sa akin pero alam ko na sobrang naguiguilty siya. Bakas yun sa boses niya.
Nalungkot ako para sa kanya. Sa totoo lang, nang panahong nanliligaw pa sila sa akin, sobrang naguguluhan ako kung sino kay Christ at kay Daemon ang pipiliin ko. Then I choosed Daemon over Christ. I thought umalis siya dahil pumayag siya sa offer ng kanyang Tita pero hindi. Umalis siya dahil sobrang nasaktan siya.
"The day I left that was the day na sinagot mo si Daemon, right?" teka! Ba't alam niya? Umalis na siya nun.
"Wondering kung bakit alam ko? Narinig ko kasi sina Tita at si Dad na nag-uusap tungkol sa inyo ni Daemon. Actually, it's an accident. Sabi ni Tita na sasagutin mo na raw si Daemon and with that I decided to follow Tita's order than seeing you happy with some other guys and worst my brother" ngumisi lang ito na parang iwan. So, it explains everything. Umalis siya dahil ayaw niya akong makita sa piling ng iba? Sobrang naguiguilty ako.
"I don't know, Christ. I'm sorry" nakayuko kong pagkakasabi sa kanya.
"You don't have to say sorry. Di mo hawak o ako o ng kung sino man ang puso mo. Okay lang kahit masakit" sabi niya. Ngumiti ito at tumingin sa akin. Bakas sa ngiti na yun na sobrang pilit. Sorry, Christ. I'm very sorry.
"Magpakasaya ka lang sa piling ni Kuya, ha? Alam kong magiging masaya ka sa piling niya. Alam kong aalagaan ka niya higit sa gusto kong ipakita at iparanas sayo" may namumuong luha sa gilid ng mata ko. Christ, bakit?
"Siguro hehehe nandiyan ka naman para takbuhan ko kung malungkot ako di ba? Nandiyan ka naman para mag comfort sa akin di ba?" pilit ko ring ngiti sa kanya.
"Hindi ako sigurado Nikki" at umiwas siya ng tingin sa akin
"Bakit? May iba ka ng kinocomfort? Okay lang, masaya ako para sa inyong dalawa. Ang swerte ng babaeng yun, Christ" sabi ko. Masaya ako para sa kanya pero parang ang sakit isipin na may iba na siyang mahal. Basta!
"Hindi. Babalik na ako sa States pagkatapos ng movie ko at pag okay na si Dhavid, pag okay na ang lahat dito. I'm leaving for good" sabi niya. Di siya tumitingin sa akin at hindi ko makita yung expression sa mukha niya.
"Hindi ka na babalik? Joke lang yan di ba? Kung oo, hindi nakakatuwa Christ" shocks! Hindi ko maisip na aalis siya at hindi na babalik.
"Hindi, Nikki. Babalik na ako kina Tita at hindi na babalik. Aalagaan ka naman nina Kuya Daemon, Dhavid at Cyrus pag wala na ako di ba? Nandito naman si Kuya Daemon na magpapasaya sayo. Tinanggap ko na rin na wala na akong karapatan sayo at kahit kailan hindi mo ako minahal. Natanggap ko na, na si Kuya Daemon ang pinili at minamahal mo" ngumiti na naman siya ng pilit.
"Christ naman eh" mangiyak ngiyak kong pagkasabi
"Okay lang, Nikki. Wag ka ngang malungkot diyan. Nandiyan si Kuya noh?" pilit talaga yung ngiti niya.
"Okay lang na umalis ka pero bumalik ka naman. Wag yung di na" sabi ko. Si Christ naman oh!
Natahimik kaming dalawa. Wala ni isa ang nagsalita.
"Christ" binasag ko yung katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Hmmm?"
"Gusto kong malaman mo na minahal kita" sabi ko sa kanya. Nilakasan ko ang loob ko para masabi yun.
"Oo minahal mo ako pero bilang kapatid. Okay na ako sa set-up na yun. Naka move on na rin naman ako eh" sabi niya pero bakit parang ang sakit. Ba't ka ganyan, Christ? Gusto kong itanong sa kanya yan pero ewan di ko matanong.
"Minahal kita at hindi iyon dahil step brother kita. Minahal kita dahil ikaw si Christian Lazaro na nagpapasaya at nagcocomfort sa akin. Ang Christian na baliw at ang Prince Babe ko na iniwan ako ng walang paalam. Pero okay na lang rin dahil naka move on ka na. Wala na ring kwenta lahat ng to dahil naka move on ka na at nandito rin si Daemon. Hininaan ka kasi ng loob, okay lang" tumayo na ako para umalis na sa lugar na yun. Di ko kaya baka umiyak na ako sa harap niya.
"Nikki sandali" sigaw ni Christ. Napatigil ako pero hindi ko siya nilingon. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako.
"Kahit kailan, Nikki, di nawala ang pagmamahal ko sayo. Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita pero wala na akong magawa" sabi niya at tumakbo agad ako sa malayo. Ayaw kong marinig ang katagang yun pero basta! Di ko ma explain! Langya naman oh!!!!!!!
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?