Nikki's POV
Simula nung nanligaw si Daemon sa akin, minsan na siyang umuuwi sa bahay. Sabi niya kasi mas mabuti ng sa condo niya na lang muna siya matulog habang nanliligaw pa siya sa akin. Baka raw kasi palagi na lang ako ang inaalala niya. Ang pangit raw din tignan kung nasa iisang bubong kami. Kaya medyo nakadagdag points siya dun.Naawa nga ako kay Dhavid kasi di na siya nagkakaroon ng oras para mangsuyo sa akin kasi palagi na lang si Daemon at Christ ang nabibigyan ko ng oras. Gusto ko na ngang sabihin sa kanya na tigilan na niya pero di ko magawa baka kasi magalit siya at sabihin niyang unfair ako. Ayaw ko rin siyang masaktan.
Naguguluhan na nga ako eh. Naguguluhan ako saan nga ba ako masaya. Kay Dhavid na nagbago ng dahil sa akin at ayaw ko ring nakikita siyang masaktan o kay Christ na naging straight lalaki ng dahil sa akin at masaya akong kasama siya o kay Daemon na iba ang aura at kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya pag nandiyan ang presence niya? Di ko na talaga alam.
*knock! *knock! *knock!
"Pasok" sigaw ko. Nasa kwarto kasi ako ngayon. Nag iisip kung tama nga ba ang naging desisyon kong payagan silang manligaw sa akin. Sobrang naguguluhan na talaga ako.
"Sweety?" iniluwa ng pinto si Mama. Kailangan ko talaga siya ngayon.
Tumakbo ako agad kay Mama at niyakap siya. Kailangan ko ito ngayon.
"Mama" mahina kong pagkasabi
"It's okay, sweety. Mama's here. Yakapin mo lang ako hanggat gusto mo. Alam kong kailangan mo ito" mama caressed my back. Kailangan ko talaga 'to.
After awhile, kumalas agad ako sa pagkakayakap kay Mama. Medyo naging okay ako sa yakap ni Mama.
"Sweety, s-sorry" nakayukong pagkasabi ni Mama
"Ha? P-para saan, Mama?"
"Dahil pinayagan ko silang ligawan ka. Nang dahil dun eh naguguluhan ka" sabi ni Mama.
"Di mo kasalanan, Ma. Pinayagan ko rin sila. Di naman talaga ako maguguluhan kung sa simula pa lang di ko na sila pinayagan. Di rin ako maguguluhan kung sigurado ako kung sino sa kanila ang gusto ko" nakayuko ako ng sabihin ko to. Alam ko kung anong magiging reaksiyon ni Mama.
"HAAA?????! May gusto ka sa isa sa mga step brothers mo????" I told yaaaa. Ganyan ang magiging reaksiyon ni Mama.
"Actually, dalawa ata sila,Ma. Di pa rin kasi ako sigurado eh."
"Parang alam ko na kung sino ang dalawa" sabay lapit ni Mama sa akin at binulong ang hinala niya and she's right. Tama nga ang hinala niya. Halata na ba talaga masyado?!? Di talaga ako magaling magtago kay Mama.
"Pero isa lang ang dapat mong piliin anak. Isa lang ang puso mo. Dapat pumili ka ng karapat dapat, na magiging masaya ka at hinding hindi ka magsisisi. Tandaan mo yan. It's your Mama's Lovely Advice 101 hahaha" baliw talaga tong Mama ko noh? Pagpasensyahan niyo na po hihi
"Hahaha opo ma"
Nagkwentuhan pa kami ni Mama dito sa kwarto. Napakagaan talaga sa pakiramdam na alam mong nandiyan palagi sa tabi mo ang Mama mo. Alam kong magiging tama ang desisyon ko basta nandiyan ang guide ni Mama. Magiging okay ang lahat.
"Sweety, siguraduhin mong tama, okay? Nandito lang ako" sabay yakap niya ulit sa akin. Napakagaantalaga sa pakiramdam ang yakap ni Mama.
"My princess babes, di pa ba tayo- - - - soory po Tita. Di ko po alam na nag momoment pa kayo hihi" sabay kamot niya sa batok niya. Hayyyyy!!! Hobby na niya talaga ang pagkamot sa batok niya.
"Okay lang, Christian. May lakad ba kayo?"
"Opo, Tita. Sasamahan po namin si Cyrus sa Lily's" sabi ni Christ.
"Oh siya, bababa na ako. Pupuntahan ko muna si Arthur. Ingatan mo yang anak ko ha? Ikaw ng bahala, I trust you a lot" sabay wink ni Mama kay Christ
"Mamaaaaaaa!!!!" aysss!!! Si mama talaga, pinapahiya niya ako. Grabe siya oyyy!!
"Oh bakit? Oh siya sige, pupuntahan ko na si Arthur. Bye!" at lumabas na nga si Mama.
"Parang nasa sa akin ang boto ni Tita, My Princess Babes ha?" at umakbay siya sa akin.
"Opppsssss! Ano yan? Di pa kita sinasagot ha? Eh ano naman kung nasa sayo ang simpatya ni Mama ha?" sabay alis ko sa kamay niya na nakaakbay sa akin.
"So, may chance nga na sagutin mo ko? Aweeee!!! Excited na ako sa araw na yan. I love you, My Princess Babes" aakmang yayakapin niya ako pero inunahan ko na siya
"Tumahimik ka nga! Alis na. Hintayin mo na lang ako sa baba. Alis. Bilis!" sabay tulak ko sa kanya papalabas ng kwarto ko.
I love you, My Princess Babes!
I love you, My Princess Babes!
I love you, My Princess Babes!
*Duggg!! *Duggg!! *Duggg!!
Kyaaaaaaaaaaaaa!!!!!! Bakit ganun? Ang bilis ng tibok ng puso ko tapos nang iinit ang pisngi ko. Grabe ka, Christ!!!!!!!!
Nagmadali na akong bumaba at nakita ko si Daemon.
"Hey!" bati ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
*Duggg!! *Duggg!! *Duggg!!
Grabeeeee!!!!! Heto na naman po yung puso ko. Kakabago ko pa lang kumalma, bumalik naman agad ang pagtibok nang abnormal ng puso ko.
"Hey, Miel? Are you okay?" bumalik ako sa realidad. Kinakausap na pala ako ni Daemon.
"H-ha? I-i'm fine"
"So, saan nga ulit ang punta niyo?"
"Ahh. Sasamahan namin si Cyrus sa Lily's. Magkikita kasi sila ni Tifanny." sabi ko
"Ahh. I'll go with you. Hintayin niyo muna ako ha?" punta na siya sa kwarto niya. Naghintay lang ako ng ilang minuto at bumaba na si Daemon.
"Hali na" at hinawakan niya ang kamay ko.
Oyyyyyyyyy!!!!!!! Flow ng electricity? Ito yung nararamdaman ko ngayon. May flow ng electricity nang hawakan niya ang kamay ko. Di ko to macarry!!!!! ///////>_<////// Sino nga ba sa kanila? Naguguluhan na ako.
Pumunta na kami ni Daemon papuntang garage.
"Oyyy, sasama ka kuya?" bungad na tanong ni Christ sa amin.
"Oo. Pwede naman di ba?"
"Bilisan niyo nga" sabi ni Cyrus na halatang naiirita na
"Oyyy!!! Excited siya" pang aasar ko sa kaniya para di pa tumaas ang tensiyon sa pagitan nilang Christ at Daemon.
"Di kaya. Sumakay na nga kayo" naiinis talaga siya.
Sumakay na kami ng kotse at ipinaandar na ni Christ
Tumingin ako sa rear mirror at naka tingin pala si Christ sa akin. Umiwas naman ako kaagad at tumingin sa labas ng kotse.
Bakit nakikit ko sa nga mata ni Christ na nasasaktan at nagseselos siya? At bakit ko to nararamdaman? Di ko na talaga alam.
--------------------------------
Hi gummybearssssss !!!! Sorry talaga kasi natagalan ako sa pag UD. Pasensya na po talaga -______- Sana po mag enjoy kayo.
Bear with my typographical,grammatical errors and such. Love ya alllllllll ∆∆∆∆∆∆
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?